Chapter 21

1.3K 66 8
                                    

Nang maghapunan ay sobrang ilang na ilang talaga ako ngayon dahil pinagmamasdan ni Zero ang kilos ko lalo na sa paglalapag ng mga pinggan sa lamesa. Tumikhim ako nang isang beses at saka naglapag ng kutsara at tinidor. Nakaupo na sina Ma’am Hillary at Zero.

“Akala ko ba ay magkaklase kayo? Bakit parang hindi kayo magkakilala?” natatawang tanong ni Ma’am.

Natigil ako sa aking ginagawa at napasulyap kay Ma’am.

“We are. She’s a snob.”

Uminit ang pisngi ko at hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko.

Natawa si Ma’am. “Pagpasensyahan mo na ang alaga ko, hijo. Marami itong pinagdaraanan ngunit mabait ito at maaasahan. Hindi ko akalain na sasali siya sa English Festival. Mabuti naman at sinabi mo sa akin nang makapanood naman ako.”

“P-Po?” basag ko sa kanilang usapan.

Sabay silang napalingon sa akin.

“Bakit, hija?”

Kumalabog ang puso ko sa kaba.

“W-Wala po, Ma’am.”

Ngumiti muli si Ma’am sa akin. “Don’t worry, hija. Wala naman akong pakialam kung hindi ka mananalo sa sinasalihan mo. Gusto ko lang makita, hija.”

“One week left before the English Festival, Tita. Her friend helped her.”

Nagliwanag ang mata ni Ma’am sa gulat at mangha. Tumingin siya sa akin bago kay Zero. “Really, hijo?”

“Yup…”

Hindi ko akalain na may ganitong side pala si Zero. Madaldal at palakuwento. Hinayaan ko na lamang siyang ibulgar ang lahat ng sekreto ko dahil hindi ko rin naman siya mapipigilan. Nanatili na lamang akong tahimik hanggang sa matapos kaming kumain.

***

“Wala ka ba talagang napapansin?”

Natigilan ako sa pagliligpit ng mga pinagkainan namin nang biglang nagsalita si Zero. Kami na lamang dalawa rito at sinadya niya talaga na magpaiwan para makausap niya ako. Kunot-noo akong nag-angat ng tingin sa kanya.

“Huh?”

Bumuga siya ng hangin at nagtiim-bagang. “What?”

“Hindi kita naiintindihan.”

Bumuntonghininga siya at nakita ko ang pagkuyom ng kanyang kamao. “Never mind.”

Itinigil ko muna ang aking ginagawa at tiningnan siya. “Ang napansin ko lang ay naging madaldal ko.

“What?!”

Pinunasan ko na lamang ang lamesa at binalewala na lamang ang kanyang reaksyon. Ano ba ang dapat ko na ipansin sa kanya?

“Iyon lang talaga ang napapansin mo?”

“Oo nga…”

“Hindi mo man lang ba napansin ang physical na anyo ko? Like, nagpagupit ako, ganoon. Nagbago ang pabango, ganoon.”

Napasinghap ako at napaangat ng tingin sa kanya. Ang kanyang mga mata ay naghihintay ng sagot ko. Uminit ang pisngi ko at umiling-iling.

“Normal lang naman siguro sa inyong mga lalaki ang magpabango, magpagupit, at magpaguwapo.”

“So, gwapo ako?”

Napasinghap muli ako at kinagat ng mariin ang labi dahil sa kahihiyan.

“E-Ewan…”

Nalaglag ang panga niya. “Ewan?! Bakit ewan? So, hindi ka nagagwapuhan?”

Mas lalo lamang uminit ang pisngi ko. “B-Bakit mo ba i-iyan tinatanong sa a-akin?”

“Gusto ko lang malaman ang opinion mo sa akin. Baka nagagwapuhan ka kay Elliot tapos sa akin ay hindi.”

“W-Wala akong sinasabi na ganoon.”

Dali-dali ko nang kinuha ang mga huling pinggan at dumiretso na sa lababo. Hindi na mawala-wala sa akin ang pagbilis ng tibok ng puso ko. Hindi ko maipaliwanag. Para akong hinahabol ng aso. Muntik pang mahulog ang isang pinggan nang biglang sumulpot si Zero sa tabi mo.

“Huwag ka nang mahihiya kapag English Festival na, ah. Uupakan ko ang mga manlalait at mambu-bully sa iyo,” aniya sabay hilig sa gilid ng lababo. “Okay?”

Binuksan ko ang gripo at saglit siyang binalingan.”Susubukan ko.”

Agad siyang umangal. “Huwag mong subukan. Gawin mo. Kapag gagawin mo iyon, pangako, tutulungan kitang hanapin ang Mama mo.”

Namilog ang mata ko sa kanyang sinabi. “H-Hahanapin?”

Seryoso siyang tumango. “Oo, hahanapin, Anastasia. Pangako. Kapag hindi ko iyon tinupad, huwag mo na akong kausapin habang buhay.”

Medyo natawa ako sa kanyang sinabi at ibinalik ko na ang tingin sa lababo. Sinimulan ko na ang paghuhugas habang si Zero ay nasa gilid ko pa rin.

“A-Ang dami niyo nang naitulong sa akin. B-Baka magsisisi lang kayo…”

“Mas magsisisi kami kapag hindi ka namin matulungan, Anastasia.”

Sinulyapan ko siya saglit. “S-Salamat…”

“You’re welcome. Just do your best and I will cheer for you.”

Fill The Gap (Misfits Series #7)✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon