Nakayuko lamang ako habang pinaglalaruan ko ang mga daliri ko. Nasa iisang upuan lang kami ngunit malayo kami sa isa’t isa. Kaharap namin ang tahimik na dagat. Sea park nga siya. Sa gilid ng park ay dagat. Malinis at ang sarap sa pakiramdam dahil na rin sa hangin.
“Thank you for coming with me,” basag ni Zero sa katahimikan.
Hindi ko siya nilingon at nanatili lamang na nakayuko.
“Siguro ang weird sa pakiramdam mo. We are not close. Wala tayong masyadong memories aside from being classmates before. But I am serious, I want you to be my friend.”
Kinagat ko ang ibabang labi ko.
“You want to visit your old house?” subok niyang tanong dahil ang tahimik ko.
Umiling ako habang nakayuko pa rin. “H-Hindi na. Baka gano’n pa rin. Wala pa rin akong makikita. Hindi ko pa rin madadatnan sina Mama at mga k-kapatid ko.” Nautal ako sa huli kong sinabi dahil parang may pumiga sa puso ko nang naalala ko na naman sila.
“But we will try. Maaga pa naman at may motor nga ako.”
Binalingan ko siya. Nahuli ko siya na nakanguso habang ang nakadekwatro ang kanyang mga paa. Ang kanyang tingin ay nasa kanyang harapan. Nanliit ang mata ko.
“Minor de edad ka pa,” ani ko.
Gulat siyang napabaling sa akin at nang nakita niyang nakatingin na ako sa kanya ay umayos siya ng upo at napakurap-kurap.
“Makukulong ka pa,” dagdag ko sabay iwas ng tingin.
Humalakhak siya. “I am a responsible driver, though.”
“Ayaw ko pa rin.”
“Ayaw mo sa mga nagmo-motor?”
“Oo—Ha?” Namilog ang mata ko at agad siyang nilingon. Nakaangat na ang gilid ng labi niya na parang nasiyahan pa yata siya sa sinagot ko. “Ano ang ibig mong sabihin? Ang sabi ko, ayaw ko magtungo roon.”
Tumango siya pero hindi na mapawi-pawi ang ngiti sa labi. Kunot-noo ko siyang inilingon at nag-iwas muli ng tingin.
“Don’t worry, hindi na ako magmo-motor,” makahulugan niyang sambit at bumuga ng hangin.
***
Wala akong ibang nagawa kay Zero kundi ang pakinggan siya. Kahit mga mayayaman ay may mga problema rin pala sa buhay. Akala ko noong bata pa ako ay wala na silang problema dahil mayaman na sila. At ngayong may napakinggan na ako, alam ko na kahit ang mga mayayaman ay nagkakaproblema rin.
“I heard from Zero that you are getting along with him.”
Natigil ako sa paghahanda ng hapunan sa hapagkainan nang biglang nagsalita si Ma’am Hillary. Nakaupo na siya habang sinisimsim ang hinanda ko na kape kanina.
“Zero is my nephew, hija.”
Nagulat ako sa sinabi ni Ma’am Hillary. Natigil ako sa aking ginagawa at napaangat ng tingin sa kanya. Ngumiti siya sa akin at ibinaba niya ang kanyang tasa.
Ngumiti siya lalo nang nakita niya ang reaksyon ko. “His father is my brother.”
Tumango ako kahit gulat na gulat pa rin.
“I hope you will help him, Blaizeree. Dinidistansya niya ang sarili niya sa mga tao simula nang magdesisyon na maghiwalay ang parents niya. Nawalan siya ng kaibigan. He shut them off. Palagi rin siyang nanununtok. Umuuwi na lamang na may bugbog sa katawan.”
Umawang ang labi ko lalo. Hindi halata. Ang ganda ng ngiti niya kanina. Parang wala siyang problema.
“Let him fill the gap too. Help him fill the gap. Ang dami-dami niya na ring sinayang. Nalaman ko na lang na nag-back out siya sa basketball team niya sa school.”
BINABASA MO ANG
Fill The Gap (Misfits Series #7)✓
Novela JuvenilA story about a girl with so many dreams in life but became a victim of bullying because of her teeth which led her to lose confidence-widening her distance from people and the opportunities that come to her. Will she able to stand on her own? Will...