Maaga ako sa school. At dahil masyado akong maaga ay nagkaroon ako ng oras na mamasyal sa mga buildings ng school. Ibang-iba at pangmayaman talaga ang paaralang ito. Marami akong nakikitang kotse na naka-park. Iba't ibang uri pa.
The center of the whole school is a big fountain. I smiled. Ang ganda pala rito.
"You're too early."
Napawi ang ngiti ko at napalitan ng kaba nang may biglang nagsalita. Nang binalingan ko ang gilid ko ay nakita ko si Zero na nakatayo, nakamasid din sa fountain. Napalunok ako at mas lalong kinabahan. Nakita niya ba iyon?
Nang hindi ako sumagot ay kunot-noo niya akong binalingan. "Now, you're not smiling."
Uminit ang pisngi ko. "A-Aalis na ako..."
Nang nagsimula na akong maglakad ay mabilis niya akong naharangan. Sa sobrang gulat ko sa kanyang ginawa, napaatras ako at muntik nang mapaupo sa sahig.
"A-Ano ba ang kailangan mo?" mahina kong tanong at napahawak sa braso ko.
Kita ko ang mas lalong pagkunot ng kanyang noo.
"Why are you acting like you didn't know me?" He smirked and leaned closer.
"H-Hindi naman porket k-kilala kita ay papansinin na k-kita," nauutal na rason ko.
He laughed sarcastically. "You can't just ignore me, you know."
Bago pa man ako makapagsalita ulit ay narinig ko ang mga lalaking nagkukumpulan sa malayo at tinatawag ang pangalan ni Zero. Sa sobrang kaba ko ay agad na akong umalis doon nang hindi lumingon sa kanya.
***
"Bungal ka 'no?"
Natigil ako sa pagte-take down notes dahil sa tanong na iyon. Bumilis ang tibok ng puso at nanginginig na ang kamay ko. Hindi ako nag-angat ng tingin. Babae ang boses at tingin ko ay kaklase ko ito.
"Hindi ka kasi ngumingiti," dagdag nito at mahinang tumawa. "Wala namang masama sa pagiging bungal basta huwag ka lang ngumiti, newbie."
Napasinghap ako.
"Maegan, what are you doing?" narinig kong tanong ng isang babae.
Maegan siguro ang pangalan ng babae na nasa gilid ko.
"Hindi ko inaway, ah?" She laughed. "I was just curious about her because she was so quiet, Cianne. And I want her to know me too..."
Nakita ko sa gilid ng mata ko ang paglagay ng kanyang isang kamay sa gilid ng lamesa sa arm chair ko. Narinig ko ang kanyang paghinga.
"I am Maegan Elcana, the rank 1 in this class. I suggest not to surpass me or your life will be miserable."
"Maegan! Stop that!" saway muli no'ng babae. "You're scaring her!"
"I am not, Cianne! Chill! Hindi naman siguro ito smart ang bago natin. Pampalubag-loob ko lang ito para hindi ako malalagot sa parents ko!"
Yukong-yuko na ako dahil sa takot at kaba. Hindi ko maigawang iangat ang sarili ko dahil nauunahan ako ng takot at ang baba ng tingin ko sa sarili ko dahil na rin sa ngipin ko. Pinipikit ko ang aking mga mata sa tuwing may makikita ako na magagandang ngipin. Naiinggit kasi ako.
Gusto ko nang tanggapin ang offer ni Ma'am Hillary. Gustong-gusto ko na, pero gusto ko si Mama mauunang makita ang kompletong ngipin ko.
"She is smart, Maegan."
Boses iyon ni Zero. Umawang ang labi ko.
Lumayo na ang presensya ng babae kanina. "And how did you know, Zero Lenzo? You're her friend? I saw you both near the fountain. You like her?"
Naramdaman ko ang tensyon sa classroom. Nangangalay na ang leeg ko kakayuko pero tinitiis ko.
"She was our class valedictorian," Zero said. "And she's very smart."
"Wow. Ngayon ko lang narinig si Zero na may pinupuri!"
"I guess type niya ang mga mute girls!" At nagtatawanan sila.
Akala ko kapag lilipat na ako ng school, posibleng maging payapa ang buhay ko. Ambisyosa lang pala ako. Hindi pa rin talaga. May mga tao pa rin talaga na ganito. Mayayaman kasi mga kaklase ko. Perpekto ang buhay nila. Wala silang problema kaya libre sa kanila ang panlalait.
Mahina akong napasinghap nang may luha na tumulo sa notebook ko. Natulala ako saglit at napatitig sa luha na unti-unting binasa ang isang pahina ng aking notebook.
I immediately wiped my tears.
"Elyka, rich girl! Why are you trying to be friends with her?" narinig kong tanong ni Maegan. "Hindi mo siya ka-level. Hindi ka ba curious kung bakit hindi siya ngumingiti? Maybe she's bungal!" At nagtatawanan sila.
I thought having me here means new set of life. Bakit bumabalik yata sa nakaraan? Bumuhos na ng tuluyan ang luha sa aking mata. Mariin kong kinagat ang labi ko upang hindi nila marinig ang mahina kong paghikbi.
Bago pa man ako makatayo ay may isang kamay ang marahas humawak sa palapulsuhan ko at sapilitan akong pinatayo. Nahulog ang notebook sa sahig dahil sa pagtayo ko. Natahimik ang lahat at natigil din ang iba sa pagtatawanan.
Nang mag-angat ako ng tingin ay madilim na tingin ni Zero ang bumungad sa akin. Nahagip din ng tingin ko ang babaeng makulit na may pag-aalala na rin sa kanyang mukha lalo na ngayon na lumuluha ako. Naramdaman ko ang paghigpit ng hawak ni Zero sa akin.
"Before you judge, look at yourselves in the mirror first," mariing sambit ni Zero bago niya ko puwersahang hinila palabas ng classroom.
Tulong-tulo pa rin ang luha ko ngunit hinayaan ko na lamang itong tumulo dahil sa sakit na nararamdaman. Hindi ko alam kung saan niya ako dadalhin pero siya pa rin. Siya na naman. The first time was when he kicked Paulo at ngayon, he defended me.
Nakarating kami sa isang hardin sa likod ng school. Binitiwan niya ako at hinayaan niya akong umiyak. Tinakpan ko ang mukha ko at pilit na pinipigilan ang sarili ko na umiyak pa dahil nakakahiya.
"Paano mo maipagtatanggol ang sarili mo kung hindi mo kayang lumaban?" panimula niya.
Hindi ko siya kita dahil nakatakip pa rin ang mga palad ko sa mukha ko.
"You can't just be like that all your life." He sighed. "You need to fight as well. You need to slam those people. Not through fist, but confidence."
"And by doing that, you have to accept yourself first. You have to embrace your imperfection. You need to accept it. May mga tao na may mas mahigit pa na kulang. They're deaf, blind, but they never let their disability overpower their wants and dreams," dagdag niya pa.
Nang maibaba ko ang mga kamay ko, napaatras ako nang unti-unti siyang lumapit sa akin. Buntonghininga siya sabay lagay sa kanyang kamay sa magkabilang-balikat ko. Naibaba ko ang tingin ko sa kanyang ties. Hindi ko siya magawang tignan.
"Fill the gap. Fill it with confidence.
Don't waste the chance. Don't let your teeth hinder you from dreaming."Tagos na tagos sa akin ang kanyang mga salita. Hindi ko akalain na malaki ang ipinagbago ni Zero. He was just a young boy. Quiet at walang pakialam sa paligid at ngayon...
Bumilis ang tibok ng puso ko nang sa unang pagkakataon, nakita ko ang kanyang totoong ngiti sa kanyang labi.
BINABASA MO ANG
Fill The Gap (Misfits Series #7)✓
Genç KurguA story about a girl with so many dreams in life but became a victim of bullying because of her teeth which led her to lose confidence-widening her distance from people and the opportunities that come to her. Will she able to stand on her own? Will...