Hindi mawala sa isip ko ang sinabi ni Zero. Alam ko na tama siya, pero masisisi niya ba ako? Kung tanggap lang nila ako. Kung hinayaan lamang nila noong una pa lang. Hindi sana bababa ang tingin ko sa sarili ko.
Marami akong pangarap. Marami akong gustong abutin. At dahil sa sobrang baba ng tingin ko sa sarili ko, tinanggihan ko lahat ng oportunidad na lumalapit sa akin noon. Parang may bumubulong sa akin na huwag tanggapin kasi hindi karapat-dapat iyon sa akin.
Gusto ko lang ay makapagtapos, makabawi kay Mama at sa mga kapatid ko. Pero nasaan sila? Nagtatago sa akin.
Nang makabalik ako sa classroom namin ay pag-irap ni Maegan ang bumungad sa akin. Natigilan ako saglit bago ako nagpatuloy sa pagpasok at saka umupo sa aking upuan.
Huminga ako nang malalim at inayos ang blazer at yumuko na lamang.
**
“Uy!”
Humigpit ang kapit ko sa notebook ko nang may kumalabit sa akin. Nang binalingan ko ito ay naibaba ko ang tingin ko.
“Takot ka ba sa akin?” May lungkot sa kanyang boses nang tinanong niya iyon. “Hindi naman ako nangangagat.”
Napalunok ako lalo na nag naglahad siya ng kamay sa akin.
“Ako nga pala si Elyka.”
Ngumiti siya sa akin. Umawang ang labi ko at saglit na napatingin sa kanyang gummy smile at putting-puti na ngipin. Napalunok ako.
“Hi!” Sinilip niya ako. “Okay ka lang?”
Nasa may hallway kami at kami lang dalawa ang nakatayo rito.
I am not comfortable. Hindi ako sanay na may tumatrato sa akin nang mabuti. Bukod kay Ma’am Hillary at sa iba pa na nasa bahay ay wala na.
Humigpit lalo ang hawak ko sa notebook ko.
Malungkot siyang lumabi. “Pasensya ka na, ah. Wala naman akong masamang balak sa iyo. Pasensya na talaga kay Maegan at sa iba pang kaklase. Mas mabuting huwag mo na lamang sila papansinin.”
Napalunok muli ako.
Nang nakita niyang hindi ko tinanggap ang kamay niyang nakalahad ay unti-unti niya itong binaba at napakamot siya sa kanyang buhok gamit ang isang kamay.
Bigla akong nakonsensya. Gustong-gusto kong tanggapin pero natatakot ako.
Ngumiti siya sa akin at tumikhim. “Sama ka ba sa akin sa canteen?”
Namilog ang mata ko sa sinabi niya. Nakita ko na mas lalo siyang ngumiti.
“Ako lang naman mag-isa,” agad niyang sabi.
Akmang tatanggi muli sana ako ngunit nagulat na lamang ako nang bigla niyang hinawakan ang kamay ko at bahagyang niyugyog. Ngumuso siya.
“Sige, na. Hindi mo naman ako kaaway. I want to be your friend.”
Napalunok ako.
Naalala ko tuloy ’yong makulit na babae noong elementary. Pareho sila ng ugali. Pareho silang makulit.
“Sige na…” pamimilit niya pa. “I am not going to do anything. And Zero is with us…”
Natigil ang isang lalaki na lalagpas na sana kami at gulat kaming nilingon. Umawang ang labi ko nang napansin ko na naka-jersey lang siya.
“What?” Palipat-lipat ang kanyang malamig na mata sa amin. Napayuko agad ako nang sa akin na siya nakatingin. Naalala ko ulit ang kanyang mga sinabi kanina. “I am busy, Elyka.”
BINABASA MO ANG
Fill The Gap (Misfits Series #7)✓
Genç KurguA story about a girl with so many dreams in life but became a victim of bullying because of her teeth which led her to lose confidence-widening her distance from people and the opportunities that come to her. Will she able to stand on her own? Will...