Chapter 11

1.3K 75 7
                                    

Halos ayaw ko nang tumuloy sa paglalakad. Nasa hallway pa lamang ako ngunit nakita ko na si Zero na nakasandal sa pader sa labas ng room namin. Seryoso ba talaga siya sa sinabi niya sa akin kagabi?

Unti-unti kong hinakbang ang aking mga paa at halos mapunit na ang laylayan ng uniporme ko sa sobrang higpit ng pagkahawak ko. Nakatingin sa kawalan si Zero kaya hindi niya napansin ang paglapit ko sa pinto.

“Blaizeree!”

Napapikit ako at mahinang nagreklamo nang sinigaw ni Elyka ang aking pangalan. Naramdaman ko ang kanyang paglapit sa akin at nang nakalapit siya sa akin ay malaki na ang ngisi niya.

“Tabi tayo!”

Kita ko sa gilid ng mata ko ang gulat na pagbaling ni Zero sa amin. Saglit ko siyang sinulyapan bago ako pumasok sa loob ng room na parang walang nangyari. Unang nakita ng mata ko nang pumasok ako sa loob ay si Maegan na naglalagay ng lipstick sa kanyang labi. Hindi ko kilala ang kanyang mga kasama pero tingin ko ay mga kaibigan niya ito. Nang nakita ni Maegan na dumidikit si Elyka sa akin ay napailing siya at halos matawa.

“Elyka, is that your new pet?” natatawang tanong ni Maegan at tumayo siya mula sa kinauupuan niya.

Akmang lalapit na sana siya sa amin ngunit nakita ko na may tiningnan siya sa likod namin kaya hindi siya nagpatuloy at humalukipkip na lamang.

“And, I never thought that I would see Zero here in this class,” umiiling na sambit ni Maegan at umirap. “Akala ko ba ay obsess na obsess ka na ngayon sa basketball? What happened?”

Huminga ako nang malalim at saka umupo na lamang sa upuan ko.

“I am a student, Maegan. What do you expect?” walang ganang sagot ni Zero at naupo na rin sa kanyang upuan.

Umawang ang labi ni Maegan lalo na nang lumapit muli si Elyka sa akin at saka naghila ng upuan.

Ngumiti siya sa akin at halos ayaw na bitiwan ang braso ko. “Dito na ako, ah. Tabi tayo?!”

Napakurap-kurap.

“Wow!” Napailing na lamang si Maegan at tinalikuran kami.

“I brought some snacks!” excited na kuwento ni Elyka sa akin nang nakapuwesto na siya sa tabi ko. “Sinabi ko kay Mom na may new friend ako!”

Umawang ang labi ko at nagtagal ang tingin ko sa kanya. Ngumiti siya sa akin at binuksan ang kanyang lunch box. Naibaba ko ang tingin ko roon at nakita ko nga na may dalawang sandwich. Kumirot ang puso ko. Hindi ko maipaliwanag itong nararamdaman ko. Totoo ba ang lahat ng ito?

“Hey, are you okay?”

Natauhan ako nang tinapik niya ako.

“H-Ha?”

Ngumiti siya muli sa akin at bumuntonghininga siya. “From now on, I am your friend. Your first friend ever.”

Kumalabog ang puso ko sa saya. Parang unti-unting tinupad ng Diyos ang dasal ko. Ang sarap pala sa pakiramdam.

“What are you talking about, Elyka?”

Pareho kaming natigilan at nilingon si Zero na ngayon ay may hawak na notebook. Masama niya akong tiningnan. Ano naman ang ginawa ko sa kanya?

“Ano na naman, Betlog?” mataray na tanong ni Elyka kay Zero.

Medyo natawa ako sa kanyang palayaw. Betlog?

Natigilan sila pareho nang narinig nila ang mahinang tawa ko. Agad kong tinakpan ang bibig ko at yumuko.

“Omg! She laughed! Ang ganda kasi talaga ng Betlog, ano?” natatawang sambit ni Elyka at inaasar lalo si Zero. “So, Betlog? Ano ang problema mo?”

Fill The Gap (Misfits Series #7)✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon