“Ladies and Gentlemen, welcome to the 33th English Festival of Roberto…”
“Good Luck!”
Naibaling ang atensyon ko kay Maegan na ngayon ay ngising-ngisi sa akin. Si Samantha naman na nasa kanyang likuran ay umiirap sa akin.
“Saan mo ba napulot ang boy na iyon, Blaizeree? You know, hindi kayo bagay,” medyo agresibong sambit ni Samantha sa akin.
Hindi ko siya sinagot at ibinalik na lamang ang tingin sa stage ang atensyon.
“Hindi niya iyon napulot, Samantha. Si Zero ang mismong lumapit sa kanya. Classmate daw sila noong elementary…”
“Still, akala ko pa naman mae-enjoy ko ang pagpunta ko rito, Maegan. It looks like the vampire has already found a friend. Not to mention that they are supportive.”
“Duh, Elyka? Just ignore her.”
“Elyka? Was she your friend before?”
“Enemy, bitch.”
“Oh…”
Huminga ako nang malalim. Focus tayo dahil baka malalagot ako nito kay Zero. Kahit malayo siya sa puwesto ko ay ramdam na ramdam ko pa rin ang kanyang nakakamatay na titig. Kinuyom ko ang kamao ko. Paano ko ba pahuhupain ang kaba na ito? Hindi pa nga nagsisimula ay ganito na ang nararamdaman ko. Samantalang si Maegan ay kalmado lang sa kanyang puwesto at nakipagtsikahan pa sa kanyang kaibigan. Ganoon din ang iba, kalmado. Ako lang yata ang hindi mapakali rito.
Isang oras yata ang naging opening ng program dahil may isang speaker na sobrang daldal. Muntik na akong makatulog, mabuti na lang ay natapos na. Hindi ko maiwasan ang pasalamatan ang kung sino man ang speaker na iyon dahil nabawasan ang aking kaba sa dibdib.
“Good luck,” sambit ulit ni Maegan sa akin at plastic siyang ngumiti. “Alam kong kaya mo. Ipakita mo kay Samantha na hindi ka na ’yong dati. Kung kaya mo…” At tumayo na siya sa kanyang kinauupuan.
Huli ko nang na-realize na nagsisimula na pala ang contest at bumalik ulit ang kaba na nabawas sana kanina. Naiwan naman si Samantha na may ngiti na sa labi.
“Kahit lumipat ka pa ng ilang school, wala pa rin talagang tatanggap sa isang bungal,” mahina niyang sambit at saka sumandal siya sa kanyang upuan na may ngiti sa kanyang labi. “Good luck, huwag mo sanang kainin ang mikropono.” At humagikhik siya.
Kumuyom lalo ang kamao ko at hindi na lamang siya pinansin. Huminga na lamang ako nang malalim at saka pilit na ikinalma ang sarili. Sinundan ko ang mga lakad ni Maegan hanggang sa nakatungtong na siya sa stage. Siya pala ang mauuna. Nanlamig lalo ang kamay ko.
“You know, magaling si Maegan. Perpekto at maganda. Tingin mo ay mananalo ka? Masyado kang ambisyosa—”
Hindi natapos si Samantha sa kanyang pagsasalita nang bigla na lamang sumingit si Zero sa harapan namin at siya ang pumalit sa puwesto ni Maegan kanina. Gulat na gulat ang mata ni Samantha at mahinang napaatras.
“Can you stop pestering her?” agresibong tanong ni Zero at diretso ang kanyang tingin kay Samantha.
Kita ko ang takot sa mata ni Samantha at ang ilang beses niya na paglunok. Hindi ko rin magawang sawayin ang lalaking ito dahil sa emcee na nagsasalita na sa harap. Hindi ko alam kung saan ko ibabaling ang atensyon ko,kay Zero ba na sobrang sama na ang tingin kay Samantha o sa harapan kung saan magsisimula na. Pero sa huli, pinili ko na lamang na ibaling ang atensyon sa harapan at hayaan si Zero sa gusto niyang gawin.
Ibinigay na ng emcee ang microphone kay Maegan at taas-noo itong humarap sa aming lahat habang may ngiti sa labi. Pinabunot din siya ng papel kung saan ang mabubunot niya ang kanyang ide-deliver.
BINABASA MO ANG
Fill The Gap (Misfits Series #7)✓
Teen FictionA story about a girl with so many dreams in life but became a victim of bullying because of her teeth which led her to lose confidence-widening her distance from people and the opportunities that come to her. Will she able to stand on her own? Will...