Chapter 3
Hindi ako um-attend ng graduation day. Wala akong gana at alam ko naman n gusto rin ng mga tao na wala ako roon. Umalis ako at naghanap ng mapapasukan na bahay.
I promised to myself that I will find my Mama and my siblings. Hindi ako titigil hangga’t hindi.
"Marunong ka ba sa gawaing bahay?" nag-aalinlangang tanong sa akin ng isang babae na tingin ko ay isa rin sa kasambahay.
Lumuwas ako sa ibang lugar. Ayaw ko nang bumalik sa lugar na iyon dahil na rin sa masasamang alaala pero baka babalik si Mama roon kaya kapag kaya ko na babalik ako roon.
"O-Opo," nauutal ko na sagot sabay yuko.
Bumuga siya ng hangin. "Ang bata mo pa, pero naghahanap kasi ng working student ang amo ko kaya ipapakilala kita sa kanya."
I nodded.
She smiled at me. "Huwag kang mag-alala, mabait naman ang amo ko. Sa katunayan, marami na siyang napagtapos na working student."
Tumango muli ako sa kanya.
Everyday and every night, I always thought about my Mom and my siblings. Nasaan sila? Kumakain ba sila nang maayos? Okay lang ba sila?
Hindi ko hinayaan ang sarili ko na maluha sa harap ng Ginang na ito dahil baka tatanungin niya ako.
"Halika, nasa loob si Ma'am. Ipapakilala kita," she said and opened the gate for me.
When we went inside, the first thing I saw was an abstract painting. Sobrang ganda nito at tingin ko mahilig sa painting ang may-ari dahil may iba't ibang klase ng paintings akong nakita na nakasabit sa dingding.
Dala-dala ang aking bag, ay nagtungo kami sa living room kung saan naroon ang isang babae na sa tingin ko ay nasa 50s na ang edad pero kung pagbabasehan naman ang pangangatawan at hitsura, parang nasa late 30s pa lamang siya.
Nakaupo ito sa sofa habang may hawak na tasa sa kanyang kamay. Nang nakita kami ay ngumiti siya sa amin.
"Siya na ba ang bagong working natin, Imelda?" mahinahong tanong niya sabay baling sa akin. "I hope you don't mind, but how old are you?"
I gulped. "T-Twelve po."
Umawang ang labi niya and I saw the concern in her eyes. "Does your parents knows about this? You're too young..."
I bit my lower lips. "A-Ako n-na lang po mag-isa."
Nakita ko na bigla siyang naawa sa akin. Pero ayokong kaawaan ako ng mga tao.
"O-Okay lang po ako," sambit ko agad bago pa man siya magtanong.
She nodded and put the cup on the center table. She sighed and put her hands on her thighs.
"Imelda, dalhin mo na siya sa magiging kwarto niya. Ipakilala mo rin siya sa isa pang working ko para naman magkasundo sila. At ipaalam mo rin sa kanya kung ano ang magiging trabaho niya," paliwanag niya kay Tiya Imelda at bumaling muli ang kanyang mata sa akin. "What's your name?"
"B-Blaizeree po," I replied. "B-Blaizeree Anastasia Santos."
Her lips parted. "Ang ganda naman ng name mo. Bagay sa may-ari, maganda."
Uminit ang pisngi ko. Actually, this is my first time someone called my pretty. Pero ayoko nang isipin iyon dahil baka biro lang niya iyon.
I was called ugly by my classmates before because of my teeth. Marami silang binabato sa akin na salita na nagpakirot sa puso ko. They were so mean to me even though I didn't even do bad on them.
**
"Ito na ang magiging kwarto mo," Tiya Imelda happily said. "May isa pang working dito. Medyo mas matanda sa iyo ng dalawang taon. Sana magkasundo kayo."
Tumango ako. I don't think so.
"S-Salamat po," I said and lower my gaze. "K-Kung hindi dahil sa inyo ay baka wala po akong matitirhan ngayon. Maraming salamat po."
Humalakhak siya sabay takip sa balikat ko. "Wala iyon. Ang mahalaga ay makapagtapos ka sa pag-aaral,ha? Hindi pa man kita masyadong kilala pero alam ko naman na mabait ka na bata."
When she left me alone, I put my bag on the floor and wandered my eyes around my room. This is the first time na magkaroon ng ganito na kwarto.
Kung mayaman kaya kami, hindi na siguro kailangang lumayo ni Mama, 'no? I sighed and sat on the chair.
Malayo na ito sa lugar namin. I don't want to meet those people who hurt me. Ayoko na silang makita. Tama na rin siguro na hindi ako um-attend ng graduation, wala rin namang gusto na naroon ako.
**
When morning came, I woke up early and took a bath. Today is my first day here and I am going to do things just like what Tiya Imelda told me. Ang sabi niya ay magdidilig daw ako ng halaman since ang isang working student ay nagwawalis sa umaga.
Hindi ko pa nakita ang isa pang working student at wala rin naman akong balak kilalanin iyon.
Hinila ko na ang hose at saka nagtungo sa may mga halaman. Ang sabi ni Tiya Imelda ay mahilig daw sa halaman si Ma'am Hillary. Hillary Smith ang kanyang pangalan at isang foreigner ang kanyang asawa. Hindi ko alam kung ano ang trabaho niya pero ang sabi ni Tiya Imelda, mayaman daw si Ma'am Hillary bago pa man ito nag-asawa. Wala nga lang silang naging anak.
Sinimulan ko nang diligan ang mga halaman. Si Mama rin ay mahilig sa halaman, kaya lang ay hindi siya nabigyan ng pagkakataon na magtanim dahil wala naman kaming sariling lupain.
"Shit!"
Namilog ang mata ko at nag-angat ng tingin. Nataranta ako nang dumiretso ang tubig ng hose sa isang tao na ngayon ay basang-basa na. Sa sobrang panginginig ng kamay ko ay nabitiwan ko ito. Hindi ko kasi alam na may tao pala sa kabilang bakod. Nabasa ko ang kapitbabay ni Ma'am Hillary!
Agad akong yumuko sabay pikit. "S-Sorry po, hindi ko po sinasadya!"
Bumilis ang tibok ng puso ko. Marami ang pumasok sa aking isip at isa na roon ang pagiging working student ko. Bago pa naman ako rito pero mukhang maaga akong mapapaalis.
Nang nag-angat ako ng tingin ay natigilan ako nang nakita ko siyang natigilan. Umawang ang labi ko at napaatras.
Kilalang-kilala ko ang lalaki na ito. Kumirot ang puso ko sa hindi malamang dahilan. Kahit na wala naman siyang ginawa sa akin, makita lang ang mukha niya, naaalala ko ang mga masasamang memorya ko sa elementarya.
Zero...
Napalunok ako at agad tumalikod.
"Hey..."
Natigil ako sa paghakbang.
"Why you didn't show up on our graduation day?"
Napalunok ako at kinuyom ko ang aking kamao. Kinagat ko rin nang mariin ang labi ko upang pigilan ang sarili sa pagsasalita. Hindi ako sumagot at saka tumakbo na lamang papalayo sa kanya.
BINABASA MO ANG
Fill The Gap (Misfits Series #7)✓
Novela JuvenilA story about a girl with so many dreams in life but became a victim of bullying because of her teeth which led her to lose confidence-widening her distance from people and the opportunities that come to her. Will she able to stand on her own? Will...