"So you mean, hindi yung mom mo yung other woman ng dad ni alyssa. In fact, yung mom ni alyssa yung kabit ng dad mo?" I asked"Yup." she said, "Arranged marriage kasi sila mom and dad, 1 year later nag ka-anak sila which is me. Kasi gusto ng lolo ko, tapos.. when I was 3 years old, birthday party ko. May batang babae na lumapit sa akin, she's looking for her dad. Si Alyssa pala yun." ngumiti siya, "Nalaman namin ni mom na, before the wedding, may nangyari kay dad at sa mom ni Alyssa."
"Hindi ka ba galit sa dad mo?"
"No. I love my dad. Nagsakripisyo naman siya." she said
Sakripisyo? Anong sakripisyo dun? Eh nagtaksil nga yun sa kanila, nangbabae worst nagkaanak pa. Kung tutuusin, yung dad niya lahat may kasalanan nito.
"I guess that's love. Nakatali na yung dad ko sa mom ko but minahal pa din niya yung mom ni Alyssa. Naging tapat siya sa feelings niya. I know he tried his best na mahalin si mom pero siguro ganun talaga." she said
"Hindi ka ba iiyak?"
"No. Duh, wala yan sa pagkatao ko." biro niya
Nagkwentuhan pa kami, ang sarap niya pala kasama. Sobrang hyper niya. Grabe.
"Nga pala, totoo ba na inagaw mo boyfriend ni Alyssa?" I said
"Si Harvey? No. Nagbreak sila sa akin humingi ng tulong si harvey kaso sabi ko na galit nga si Alyssa sa akin. Triny niyang iconvince ako kaso ayun, hindi talaga ako pumayag. Kaya akala ng iba inagaw ko siya kasi lagi kami magkasama."
Tumingin ako sa orasan, 10 pm. 1 Hour na lang pero mamamatay na ako sa gutom. Aish.
"1 hour na lang pala." Julia said tapos nagstretch
"Grabe sa tingin mo may tao pa sa school?"
"Kadalasan si manong guard na lang." she said
"Pano mo nalaman?"
"Madalas ako dito."
"Ganun ba."
"Pero minsan meron pang isa, si Lady Marie."
"Huh? Sino yun?"
"The lady in white." ngumiti siya
ASDFGHJKL!!!!! Multo ba yun? Lady in white kasi eh, shit. Baka mamaya multo na si Julia ha. Napalingon ako sa ilaw na nagpapatay sindi. Oh My Gosh, ANO BANG NANGYAYARI.
"Ah Juli-- Julia?" paglingon ko wala na siya sa upuan niya. Teka baka mamaya nasa kisame na siya. Yung nakabaliktad? Pumikit ako, teka tanga bat ka pumikit baka mamaya pagdilat mo makita mo na duguan na si Julia. Hala baka naman nakayakap na siya sa akin ngayon kinikilabutan na ako eh. Dahan-dahan kong minulat ang mata ko at pagtingin ko wala pa din si Julia, biglang namatay yung ilaw. At agad akong napatayo.
"WAG KANG LALAPIT AHHHHHH!!!!! TULONG MULTO MULTO AHHHHHH TULONG JUSKO PATAWARIN NIYO PO AKO SA MGA KASALANAN KO I LOVE YOU LORD!!!"
Biglang bumukas yung ilaw at nakita ko na mamamatay katatawa si Julia, "Ano ka ba, pinatay ko lang yung ilaw kasi baka sumabog. Nagpapatay sindi diba? Ikaw talaga matatakutin ka pala."
Napaupo ako sa sahig sa sobrang takot, kahihiyan at lalong lalo na katangahan. Yung feeling na mas babae pa akong tumili kaysa sa kanya, at eto pa. Mas alam niya pa yung gagawin pag may ilaw na nagpapatay sindi.
Shunga Inigo, shunga. Bumalik siya sa upuan niya, 10:15 pm na pala. Nakangiti pa din siya sa akin, tapos tumawa siya "Nakakatawa ka pala talaga." sabi niya
Pinagmasdan ko lang siya, walangya. Umaga na ba? Hay. NAKAKASILAW KASI YUNG GANDA NIYA. Biglang nagvibrate yung phone ko, buti na lang pala ako lang mag isa ngayon sa bahay. Kaso ano to? 100 texts na? Puro galing sa mga tropa kong siraulo.