I.D (part 2)

61 4 0
                                    


"Siopao gusto mo? Siomai? Uhm carbonara? Cheesecake?" sabi niya.

"Ah ayos lang ako dito sa spaghetti Kuya Adrian." nahihiya akong ngumiti sa kanya.

"Oh pare baka gusto mong kami naman ilibre mo?" sabi nung isa niyang kabarkada.

"Tumahimik ka nga." Saway ni Adrian. Humarap ulit siya sa akin, "ah gusto mo ba tabihan kita? Para di ka mailang."

Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya, mas nakakailang nga yun eh. Bago pa ako makapagsalita tumabi na agad siya sa akin. Ngumiti siya. At pinilit kong umiwas ng tingin. Magfocus ka na lang sa kinakain mo.

"Nga pala Alia. Ihahatid sundo kita ha? Kasi baka awayin ka nung mga babae na nagkakagusto sa akin. Mabuti na yung naproprotektahan kita mula sa kanila." Sabi niya.

"S-sa classroom? Hatid sundo?"

"Oo. Saka sa umaga lagi na kitang aabangan sa gate. Saka sa uwian lagi na akong dadaan sa classroom mo."

"Ah kuya Adrian. Di mo nanaman kailangan gawin eh, ayos lang naman ako kahit wag na. Kaya ko nanaman siguro yung sarili ko."

"Di kasi kita matiis Alia eh. Nung inaway ka nila parang nasasaktan na din ako. Kaya hayaan mo na ipagtanggol kita..."

Namula ang pisngi ko sa sinabi niya at napakagat ako sa labi ko saka ngumiti sa kanya. "Sige po."

"Buti naman." Sabi niya at ngumiti.
~~

Halos kumaripas na ako ng takbo sa bilis ng lakad ko. Bat ba kasi ngayon pa umulan? Bat ba kasi inabot pa ko? Nagulat ako ng biglang tumigil yung ulan pero umuulan pa din pagtingin ko sa harap.

"Oh bat ka tumitigil? Mababasa tayo."

Nanlaki ang mata ko sa nakita ko. Si Kuya Adrian, may jacket siyang hawak hawak ikinover niya yun sa aming dalawa. Basang basa na yung buhok at mukha niya. Oo nga pala, baka inaantay niya ako kanina pa. Nakakahiya naman.

"Ah kanina ka pa ba?"

"Oo inisip ko na hanapin na lang service mo kasi baka hindi ka makababa dahil umuulan."

"Ah---"

"Hawakan mo to." Sabi niya at hinawakan ko yung jacket.

"Bakit---" hindi ko natapos ang sasabihin ko dahil nilagay niya yung bag sa harap niya at lumuhod siya sa harap ko.

"Pasan na."

"H-ha?! Pasan?! Naku hindi mabigat ako saka malapit na yung gate ng school oh!"

"May unting baha kasi dun sa may medyo mababang part, umapaw kasi yung kanal. Baka mabasa ka, mahihirapan tayo."

"Eh teka kuya adrian, madaming nakatingin."

"Sakay na Alia."

Sumakay ako sa likod niya, at dahan-dahan siyang tumayo habang bitbit ako. "Sabi sayo mabigat eh." bulong ko, "Mapapagod ka."

"Pano ko mapapagod eh buhat ko yung lakas ko."

Naramdaman kong naginit ang pisngi ko sa sinabi niya kaya di na ako nagsalita. Tinignan ko yung dadaanan namin, medyo tumigil na yung ulan at wala naman kaming nadaanan na baha. Ibinaba niya ako pagdating sa school gate at hinila paakyat, pinauna niya ako magtap ng I.D pagkatapos sabay kaming naglakad papuntang classroom.

"Kuya." sabi ko

"Bakit?"

"Wala namang baha ah." sabi ko, "Niloloko mo ba ako?"

Ngumisi siya sa akin, "Akala ko di mo mapapansin." tapos ginulo niya yung buhok ko. "See you later Alia."
~~~
3 weeks.

"Go Adrian! Go Adrian! Go Adrian!"

One Shots: JulNigoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon