I.D. (Part 3)

70 3 0
                                    


"Doc, magiging maayos po ba ang kalagayan niya?"

Nagising ako sa tunog ng isang boses. Boses pa lang niya alam kong siya na yun. Si Kuya Adrian.

"Alia.. Ayos ka lang ba??"

Ngumiti ako sa kanya, nakakaramdam pa din ako ng matinding sakit ng ulo at nahihirapan pa din ako huminga.

"Doc, ano po bang sakit niya?" tanong niya sa Doctor.

"Iho, hindi naman ikaw ang magulang niya. Hindi ko maaring sabihin sayo, asan na ba ang parents niya?" sabi ng doctor habang chinecheck ako.

"Ofw po sila doc. Sa march pa po sila uuwi. Next month po." sagot ko.

"Wala ka bang guardian? Or kapatid na mas nakakatanda sayo?"

"Wala po eh. Pero nandito pa po yung lolo ko."

"Osige. Contact him tapos pakisabi na nandun lang ako sa office ko, I'll talk to him iha."

"Sige po."

"I'll check you again after 3 hours, to see kung may improvement ba okay?"

"Okay po."

Lumabas yung doctor at naiwan kami ni Kuya Adrian sa loob. Pano nga ba ako napunta dito? Eh alam ko nasa game kami kanina ah? Saka nagchampion sila.

"Kuya Adrian.. Nasan po tayo? Bat nandito ako?" tanong ko.

"Hinimatay ka bigla kanina. Di ko alam kung bakit ayaw naman sabihin nung doctor. Pero Alia, tinakot mo ko. Akala ko mawawala ka na."

Pwede ba yun? Eh di pa nga tayo kinakasal eh, di ako papayag na ganun lang syempre. Ay Joke lang po Lord.

"Ah.. Asan po sila Jea?"

"Pinuntahan ata mga kamag anak mo. Para malaman nila nangyari sayo. Kaso di pa sila dumadating pero kakatext lang niya sa akin na 30 minutes ago eh malapit na sila."

"Ah okay po."

"Ah gusto mo ba kumain? Uhm, soup? Ice cream? Ay teka bawal yun. Lugaw? Ano gusto mo?"

Natawa ako bigla kasi natataranta siya, nakasuot pa nga siya ng jersey niya eh. "Kuya chill ka lang. Medyo okay na ako."

Umupo siya sa gilid ng kama tapos inayos niya yung buhok ko, "Pinag alala mo kaming lahat Alia." mahina niyang sabi, "Halos mabaliw ako. Sobrang nataranta ako."

I smiled at him, kinikilig ako. "Ang drama mo." biro ko, syempre ginawa ko yun para di halata na kinikilig ako.

"Seryoso ako Alia, importante ka sa akin." natahimik ako at nagkatitigan kami. My heart skipped a beat. Hindi ko alam ang nararamdaman ko, unti-unting lumalapit ang mukha niya sa akin.

"Alia!!" biglang bumukas ang pinto at napabalikwas si Kuya Adrian at nahulog siya sa sahig habang ako napaupo na lang bigla. Tatakbuhan sila Jea at Audrey na lumapit sa akin.

"Okay ka lang ba?!"

"Buhay ka pa ba?!"

"Ano ba nangyari?!"

"Kausap na nung lolo mo yung doctor!!!"

Napangiti ako sa kanila, "Ayos lang ako."

"Buti naman." sabi ni Jea, tapos napatingin silang dalawa kay Kuya Adrian na nasa sahig. Naging awkward tuloy bigla.

"Uhm? Kuya Adrian anong ginagawa mo diyan?"

"Ah-- Ano..." napatingin siya sa akin at nakita kong namula siya, "Uhm, may hinahanap ako."

One Shots: JulNigoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon