Inigo's POV:
"Sige pre next time ulit." sabi ko tapos bumaba na ng kotse kasama si sophia
"Oh nandito na tayo." sabi ni sophia
"I know, goodnight kiss?" sabi ko at nagwink pero tumingin lang siya sa akin tapos huminga ng malalim
"Inigo, i cant." sabi niya
Napatigil ako at naguluhan, "What do you mean you cant?" sabi ko
Tumingin siya sa mata ko, "Inigo look----"
"Oh i get it!" sabi ko tapos bumulong, "Nandiyan parents mo." sabi ko at ngumiti
Pero blank pa din expression ng mukha niya, "Inigo listen to me."
"Wait sa akin ka muna makinig!" sabi ko at kinuha yung kwintas na binili ko para sa kanya, "Happy 2nd monthsarry!"
Pero hindi niya kinuha at inabot ulit yun sa akin, "Inigo stop." sabi niya
"What do you mean stop?"
"Thank you sa lahat ng effort mo, pero we need to stop this thing okay? Ayoko na inigo." sabi niya
"Ayaw saan? Panong ayaw?" sabi ko
"Itigil na natin toh. Magbreak na tayo." sabi niya, "Naguiguilty na ako." sabi niya
"Magbreak? At anong guilty? Sophia naman wag kang magbiro ng ganyan!"
"Inigo pupunta na kong states, you know my twin right? Sofia. She's sick and she needs me. Yung dugo ko lang daw kasi yung compatible sa kanya." sabi niya
"Sus yun lang pala eh, i'll wait for you." sabi ko
"No dont." tumingin siya sa akin ng diretso, "I dont want you to wait for me. Kasi kahit na bumalik ako dito sa pinas di na kita babalikan."
"Ano?" pinipigilan kong wag umiyak dahil sa mga sinasabi niya
"The thing is... i dont really like or hate you." sabi niya, "Naiinggit talaga kasi ako kay julia, nasa kanya na lahat ng atensyon niyo. Yun rin yung dahilan kung bat ko inagaw sa kanya si Jon dati. At yun rin yung dahilan kung bat kita inagaw sa kanya."
Biglang bumilis yung paghinga ko, so hindi niya talaga ako minahal?
"Ibig mong sabihin..." sabi ko
"Yes." sabi niya, "Napansin ko kasing masaya siya sa tuwing kasama ka, at naisip ko na baka pag nawala ka sa kanya masaktan siya. And i really like seeing her suffer."
Biglang naginit yung ulo ko, di siya yung sophia na nakilala ko.
"Sophia anong nangyari sayo?!" sabi ko, "Akala ko mabait ka...."
"Kaya nga nagsosorry ako!!----"
"Your sorry is not enough! Buti sana kung ako na lang sinaktan mo eh, pero dinamay mo yung pinakaimportanteng babae sa buhay ko bukod sa nanay ko."
"Inigo, just-----"
"Shut up!" sigaw ko, "Im so stupid!"
napansin kong bumukas na yung ilaw sa labas at nakita ko yung kuya niya, "Ang kapal ng mukha mong awayin yung kapa-----"
"Kuya stop! It's my fault."
pagkasabi niya nun naglakad na ko palayo kahit na naririnig kong sinisigaw niya pangalan ko, agad akong dumiretso sa isang bar. syempre may fake i.d ko para makapasok, kami ni julia gumawa nito eh for fun lang.
Nagsimula akong maginom pero hindi ako ganun kabilis na nalasing, 4 shots pa lang kasi nung nagvibrate yung phone ko.
Enrique calling.....