two;
"Julia!"
mas binilisan ko yung paglalakad ko, "Teka lang Julia!!!!"
madami na kong nababanggang tao, "Hulyaaaa!!!!"
pinagtitinginan na kami ng mga tao, ayaw ko muna siyang pansinin. nakakainis kasi eh. ayokong magkagusto kay inigo.
"Hulya!!!!! Tumigil ka kundi tatalon ako dito sa terrace."
hindi ako nakinig at nagpatuloy sa paglalakad, pero napansin kong tumili yung mga tao. kaya napalingon ako, nakaupo si inigo sa terrace.
"Hulya!" sabi niya at nagpout pa, "Pansinin mo na ko please?"
napahinga ako ng malalim, tumakbo ako palapit sa kanya at hinila siya.
"Baliw ka ba?!" sabi ko sa sobrang inis
"Eh bat kasi di mo ko pinapansin?" sabi niya
Kasi mahal kita, at ayokong masaktan kaya nagmomove on na ako.
"K-kasi busy ako! Madaming ginagawa!" sabi ko
"Eh bat naman dati nung bata tayo, kahit busy ka sa workshop mo at modelling eh may oras pa din tayo sa isa't isa." sabi niya
"Hindi na tayo bata inigo!" sabi ko, "Hindi na tayo katulad nung dati, maging mature ka naman. Pano kung namatay ka dun sa pag upo mo sa terrace?!" sabay hampas sa kanya
"Hindi ako mamamatay dun noh! Gusto ko lang naman pansinin mo ko." sabi niya, "At saka wala namang nagbago sa atin ah, pinapansin pa din kita lagi tayong magkasama. Ikaw nga yung di-----"
biglang may babaeng dumating at hinawakan si inigo, "Inigo are you okay? I heard na tatalon ka daw dahil sa isang girl?..." sabi ni sophia at tumingin sa akin, "...named hulya? Is it you?"
tumingin ako kay inigo, "Ah no, friendship issue lang. Hulya mag usa-----"
"Wag na. Baka BUSY ka din kasi diba?" sabi ko at umalis
Paglabas ko ng school pinag uusapan nila ako, bat daw di ko pinapansin si inigo.
"Hulya!"
ugh nandiyan nanaman siya, "Ano bang problema mo?"
"Wala. gusto lang kitang makasama."
"Okay." sabi ko at mas binilisan yung lakad
"May itatanong kasi ako sayo."
"Ano? Kung ano yung assig----"
"Hindi." sabi niya at tumigil sa paglalakad tapos napatigil din ako, "Totoo ba na kaya mo ko di pinapansin dahil nagseselos ka kay sophia?"
"H-hindi noh. Bat naman ako magseselos?!" sabi ko at naglakad pero hinila niya ako
"Kasi wala na kong time para sayo, at parang kinakausap lang kita kapag may kailangan ako diba? Hulya naman tumingin ka sa akin." sabi niya kaya tumingin ako sa kanya
"Ano bang gusto----"
"Gusto kong malaman mo na ikaw lang talaga yung nag-iisang hulya dito sa puso ko. I mean oo, mahal ko si sophia pero mas mahal kita. Kasi nga diba ikaw yung kapartner ko, forever partner. Walang iwanan. Promise?" sabi niya
Tinignan ko siya sa mata tapos umiwas din ng tingin dahil feeling ko maiiyak na ko, "Oo na promise." sabi ko tapos niyakap niya ako
"Namiss kita." sabi niya
"Ako din." sabi ko
bumitaw ako sa yakap, "Sige na una na ako, may dadaanan pa ko eh." sabi ko
"Hatid na kita."
"Wag na. Okay na ko promise." sabi ko at ngumiti ng todo
"Sige na nga, ingat ka ha?" sabi niya
Tumango ako, at tumakbo palayo habang umiiyak.....
Siguro nga the best way para makamove on is tanggapin na kaibigan lang talaga niya ako.
To be continue.....