Battle Of The Exes

74 2 0
                                    


"Sinabi ko naman sa'yo na magdala ka ng sunscreen." Sabi ni mommy.

"Eto na bibili na 'ko diyan sa store. Itigil mo na tong kotse, wait lang."

Pinark niya sa gilid ng Family Mart yung kotse at bumaba na ako. Pumunta ako sa counter para bumili ng Milo shake pagkatapos habang nilalagay ko sa cup biglang may nabagsak. "Ay!"

Napalingon ako sa gilid ko kung saan nanggaling yung ingay at halos tumigil ang mundo ko. It was him. Kinilabutan ako bigla, natapunan pa ako ng milo shake kaya agad kong hinubad yung sweater kong suot at tumalikod. Anong ginagawa ni Sam dito?!

"Shit." bulong ko pumunta ako dun sa lotion section para makabili ako ng sunscreen. Dahan-dahan akong nagpunta sa counter at binayaran iyon. "Thank you." sabi ko dun sa babae at pagharap ko, nagulat ako dahil nasa likod ko siya at hawak niya yung bottle na bumagsak kanina.

Gulat siya and we stood there for 6 seconds tinitignan lang namin ang isa't isa. "Next sir?" Sabi nung nasa counter.

"Hey." bati niya.

"Hi." ngumiti ako ng pilit at nagtatakbo palabas at papasok sa kotse.

Nagdrive kami papunta sa batangas, sa isang resort dun kasi gaganapin ang team building nila mommy. Pagkababa namin agad akong dumiretso sa kwarto, "Anak, favor naman abot mo to sa Tita Portia mo."

Napalunok ako bigla, "Kay tita Portia?"

"Oo bakit may problema ba?"

"Ah hindi akala ko nagkamali ako ng rinig." Kinuha ko yung box at lumabas ng room, saan nga ba yung room nila? Ah 108. Kumatok ako sa room nila pero walang sumasagot kaya nagdoorbell na lang ako.

Biglang bumukas yung pinto, "Ah Tita pinapabigay---"

Nagulat ako sa lumabas sa pinto. Si Ian. Lord bakit kailangan ko pang makita ang abs niya? Tinakpan ko yung mga mata ko gamit ang isang kamay, "Kuhanin mo na para sa ate mo daw."

Kinuha niya yung box, at tinanggal ko na yung takip sa mata ko. Tumalikod ako para maglakad palayo, "Hey Ally?"

Napatigil ako at lumingon, "Use this." Sabi niya at hinagis yung towel na dark blue sa mukha ko.

"Ano?! San ko gagamitin to?"

"You're still an idiot." Sabi niya at hinatak yung towel sa kamay ko. "Manhid ka ba?"

"H-ha?"

Nilapit niya pa yung katawan niya sa akin and swear nararamdaman ko na yung abs niya, "Stay close." bulong niya, "Don't move."

Napasandal na ako sa pader at naramdaman ko yung kamay niya sa bewang ko. Tinali niya yung towel pagkatapos tinignan ako sa mata, "A-ano yan Ian?" Nanginginig kong tanong.

"Go check yourself pag nasa cr ka na."

"Ano?!" this time tinulak ko na siya, at tinanggal yung towel sa bewang ko at binato sa kanya. "You jerk! Beast! You freaking bastard!"

"Woah woah woah. I was just trying to help you, what's your problem?"

Magsasalita pa sana ako ng lumapit sa akin yung bestfriend ko si Jam. "Bes, may tagos ka."

And pagtingin ko sa shorts ko (TAKE NOTE PUTING PUTI PA YUN) andami na pala. Swear, sobrang namula ako at napatingin kay Ian.

Binato niya pabalik sa akin yung towel, "I told you." At isinara yung pinto ng kwarto nila.

Napapikit na lang ako sa inis at padabog na pumasok sa room namin. Nasa shower si mommy pagkapasok ko, sumunod si Jam. "Woah." sabi niya, "Si Ian ba yun? Yung ex mo?"

Napapikit ako at tumango, "Shhh hindi alam nila mommy yun diba? Kami lang ni Ian pati ikaw yung nakakaalam."

"Ay oo nga pala." sabi niya, "Bakit nga ba kayo nagbreak nun?"

Umiwas ako ng tingin, "At bakit ka nga pala nandito? Eh team building to ng office nila mommy, may kamag anak ka dito?"

"Ano ka ba, resort to. Bored kasi ako sa bahay kaya ayun nagpunta ako dito, para di mabored."

"Ah okay."

"Eto na nga tutal usapang ex na rin naman to, may balita ako sa'yo."

"Kung tungkol yan sa pagiging mtb niyo ng manliligaw mo na yan, leave me alone bes." biro ko.

"Tangi, tungkol kasi to sa ex mong si Sam."

"Kay Sam?" Halos gulat kong tanong, kakakita ko lang sa kanya kanina ah?

"Yun nga. Kasi kasama ko si Quen ngayon, tas kasama niya tropa niya. Kasama si Sam."

"Si Sam?!"

"Oo. Nandito sila sa resort, well di ko naman alam na pupunta sila dito at magcecelebrate nagulat na lang ako tinext ako ni Quen na nandito rin sila."

Napa-face palm na lang ako, "Shit."

Bigla siyang nag smirk, "May idea ako."

Napakunot ang noo ko at tinignan ko siya, "Ano?"

"Battle of the exes?" Sabi niya, "Sam vs. Ian!"

Biglang lumabas ng shower si mommy, "Hi tita!" Tas nakipagbeso si Jam, "I have to go na po. Thanks tita!"

Naweirduhan si mommy kay Jam kaya tumingin siya sa akin, "Mom do you have extra pads?"

"Meron kuhanin mo sa pink na bag."

"Thanks."
---

"Okay for our fifth challenge, ib-blind fold yung son or daughter then ig-guide nung parent or guardian."

Umupo ako sa ilalim ng coconut tree, si Mommy and Ela yung sumali. Im on my period kasi kaya hindi ako masyadong sumasali sa games.

"Pst!" Napalingon ako sa tumawag sa akin, "Lia, pwede bang dito muna si Ian? Itabi mo lang sa'yo ang gulo kasi."

Bago pa ko makasagot tumakbo na palayo si Ate Portia, leaving me and Ian. "So... You're on your period." Natawa siya pagkasabi nun.

"Thank you." sabi ko, "Sorry kung sinungitan kita. I didnt know, akala ko nagt-take advantage ka nanaman sa akin."

Biglang sumeryoso yung mukha niya, "Dapat sinabi ko na lang sa'yo agad. Im sorry too."

"Okay lang." sabi ko at tumingin kayla mommy na sobrang busy na sa paglalaro.

"Tara." napalingon ako sa kanya at kumunot ang noo ko, "Boring dito. I want to show you something."

"Bawal nga diba sabi ni Ate Portia na dito lang daw muna tayo."

"Tara na, maganda yun I swear."

Hinatak niya ko bigla papunta sa kung saan man. Then we stopped sa harap ng isang cave. "Ian, nakakatakot diyan baka kung anong mangyari sa atin?"

"Stop talking." sabi niya, "Trust me."

Hindi ko na lang pinansin ang salitang trust na sinabi niya kasi di ko kaya. Hindi pa o Hindi na? Kaya sumama ako sa kanya papasok. May liwanag sa dulo kaya naglakad lang kami ng naglakad.

Another beach pala yun, at isang man made cave lang yung dinaanan namin which is totally safe. "Pano mo to nalaman?"

"Let's just say na, A girl broke my heart kaya I decided to let go of my old self. Dito ko natagpuan kung sino talaga ako."

Di ako assuming pero alam kong he was clearly talking about me. Kaya chinage topic ko, "Lol hugot. Dami mong alam." biro ko at naglakad papunta sa isang bench dun. Mags-sunset na pala.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Dec 22, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

One Shots: JulNigoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon