Her (part 6.2)

117 3 0
                                    


12 am na ako nakauwi sa condo, siguro naman nakaalis na si Julia dun. Siniguro ko na pagbalik ko wala na siya dun. Pagbukas ko ng pinto ko, nagulat ako kasi nakita ko siya. Nakahiga siya sa sofa ko, nakabihis na siya ng damit niya pero tulog siya. Ibig sabihin pumunta na yung assistant niya dito. Pero bakit nandito pa siya?

Biglang nagring yung phone niya, tumatawag yung assistant niya. Kaya sinagot ko, ((Hello Ma'am!! Umuwi na po kayo, baka po gabihin pa si Sir Inigo! Nag aalala na po si Dexter dito ma'am! Please po ma'am!))

"Ah si Inigo to, tulog na si Julia eh. Bat ba di siya umuwi kanina?"

Umupo ako sa dulo ng sofa kung saan siya nakahiga. ((Ah eh kasi sir ano po... Inaantay ka niya umuwi para daw makapagpaalam siya. Eh mamaya na po kasi alis niyan papuntang canada. Eh ayun po.. may sasabihin daw po sana siya sa inyo.))

Aalis din siya? Papuntang Canada? Pero bakit?

((Ah sir, pakisabi po pag nagising siya na... 7 pm po yung flight niya ha. Mag hihintay po kami dun. Sabi po kasi niya dadaan pa siya sa condo niya. Sige po sir ha! Wala na po akong load))

"Teka---" pero binabaan niya na ako.

Tumingin ako kay Julia, ano namang gagawin niya sa canada? Anong meron? I checked my phone, minsan expert ang mga fan pagdating sa mga ganitong bagay, lahat kasi alam nila. Tinignan ko yung trending at di ako nagkamali. Alam nga nila kung anong gagawin ni Julia sa Canada.

#JuliaBarrettoSeeYouSoon

#WEWILLMISSYOUJULIA

#STAYSAFEINCANADAJULIA

Clinick ko yung may see you soon, at nakita ko yung tweets nila. May mga tweets na galing kayla Kathryn, Janella at Liza.

Kathryn: "I will surely miss you Jules! Ingat sa Canada, #JuliaBarrettoSeeYouSoon 💕"

Liza: "You will always be a part of IG!! I love you julia!! Take care!! #JuliaBarrettoSeeYouSoon"

Janella: "I'm sad na aalis ka na sa showbiz for ilang years, but I understand! Take care x #JuliaBarrettoSeeYouSoon"

Aalis siya ng showbiz? Pero bakit? Anong meron? Umakyat ako sa kwarto ko.

Bakit ganun? Bat gusto ko siyang pigilan? Ano ka ba Inigo, pupunta ka din naman ng states. Hayaan mo na magkahiwalay kayo. Tutal gusto mo na siyang layuan diba?

Pero mahal ko pa siya.

Tumigil ka nga inigo, anong mahal? Eh puro problema na dala sayo niyan! Lagi ka na lang niyan pinapaasa!

Pero anong magagawa ko kung mahal ko pa siya? Kung siya pa din ang laman ng puso ko?

Eh diba nga magmomove on ka na? Kaya nga pupunta ka na din ng states eh!

Napasabunot na lang ako sa sarili ko sa sobrang gulo ng isip ko at puso ko, "Lasing ka lang Inigo kaya ka naguguluhan." bulong ko sa sarili ko.
~~~

6:20 pm. Napatingin ako sa mga flight, 7:15 pm ang flight ko at 7 ang flight niya. Magkaiba kami ng building.

"Tol, are you sure na aalis ka?" Diego asked

I smiled, "Oo naman. Eto naman yung gusto ko diba? Magkaroon ng tahimik na buhay."

"Pero Inigo... Ginusto mo din na magkaroon ng tahimik na buhay na kasama siya. Na kasama si Julia." sabi ni Diego

Siya lang yung naghatid sa akin dito, dahil yung tatlo busy. "Mas okay na siguro kalimutan ko na siya."

"Hahayaan mo nanaman na mawala siya sayo? Tapos hahabulin mo nanaman siya at kung kailan hawak mo na papakawalan mo nanaman. Inigo, hanggang kailan mo ba gagawin yan."

One Shots: JulNigoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon