"Di ka pa ba nakabili ng bagong i.d?" tanong ni Jea. Bestfriend ko."Oo nga. Eh kung bumili ka na lang bukas ng bago, magl-log ka lang naman sa log book tapos pupunta ka lang ng homeroom office." sabi ni Aubrey.
"Ano ba kayo guys, may quiz nga tayo bukas diba? Umaga pa yun. For sure malelate ako pagnagkataon, strict pa naman prof natin." sabi ko. Habang nakatingin sa baba, nahulog kasi kanina. Ang dami ko pa namang dala ngayon. Pano na to?
"Teka nagtext na service natin Aubrey, aalis na daw. Pasensya na Alia ha kailangan na namin umalis." sabi ni Jea.
"Ah sige. Ako na lang maghahanap mag isa. Salamat ha ingat kayo." sabi ko at umalis silang dalawa. Bat ba naman kasi di ko inabutan yung finance kanina at absent yung nag gagawa ng I.D. Nagsimula nang umambon kaya mas nagmadali ako.
Madaming tao ang nababangga ako pero parang wala silang pake. "Teka lang!" sigaw ko. Pero lahat sila nagtatakbuhan papunta sa silungan. Nakita ko yung I.D ko, nasipa. Palayo tuloy ng palayo. Kaya tumakbo ako dahil lumalakas na lalo yung ulan.
"Aray!" sigaw ko. Nabangga ako ng isang lalaki. Nahulog tuloy yung mga nabili kong manila paper at cartolina. Naku, para pa naman to sa props namin sa speech choir. Naiiyak na ako habang pinupulot yun, nag ambag ambagan pa naman sila dito.
"Miss pasensya na." sabi niya. Palakas ng palakas ang pagtulo ng ulan. Napatingin ako sa lalaki na nakabangga sa akin, at halos tumigil ang mundo ko. Pero kailangan kong tapusin ang pagpapantasya ko dahil nasipa nanaman palayo ang I.D ko sa akin.
"Aish." sabi ko. Napatingin ako sa mga cartolina at manila paper, nabasa na to kaya hindi na magagamit. Napatingin naman ako sa lalaking nasa harap ko, ang gwapo niya pala talaga. Napatingin ako sa I.D ko. Yung quiz, yung grade ko.
Sino ba dapat kong piliin? Yung I.D.
Agad akong tumakbo papunta dun sa I.D medyo malayo layo na yun sa pwesto nung pinakakinababaliwan ng lahat ng babae sa school namin. Pagkakuha ko sa I.D ko, may sumigaw ng pangalan ko. Pero dahil sa sobrang lakas na ng ulan wala na kong makita. Kaya agad akong tumakbo papunta sa sakayan habang nasa bulsa ng bag ko ang I.D ko.
Pagkadating sa bahay, nagbihis agad ako tapos nag online. Magpopost ako na bukas pa ko makakabili, tatakas na lang ako ng lunch time. Kaclose ko naman si Kuya Guard eh.
~~~Umuwi ako na sobrang badtrip.
Lahat ng plinano ko kahapon, failed. Pano ba naman, pagdating ko sa school nilabas ko ang I.D ko at tinap para makapasok. Aba hulaan niyo nangyari? Mukha ni Adrian Pascual ang lumabas. Kaya ayun, lahat nakatingin sa akin. Pinagbintangan pa kong magnanakaw ng I.D kaya napunta ako sa homeroom office at binigyan ng 2 hours detention.
Hindi ako nakapag quiz sa math, at hindi ako nakapagrecitation sa science. Major subject pa. At di lang dun nagtatapos ang araw ko, sinubukan kong tumakas ng lunch para bumili ng props. Kaso ibang guard ang naandun kaya di ako nakalabas.
At syempre, pagdating ng english time. Pinagalitan kami dahil wala akong nabili na cartolina. Kaya ayun. Failed nanaman.
Tapos ngayon pag kaonline ko sa mga social media accounts ko. Lahat sila inaaway ako. Kasi nga akala nila ninakaw ko yung I.D. ni Adrian Pascual. Pinuntahan ko siya kanina sa room niya kaso sabi absent daw. Nakabili na din ako ng bagong I.D. kanina.
Biglang nagvibrate yung phone ko, may conference call galing kay Jea at Aubrey. Sinagot ko yun, "OMG teh!!!! Omg omg omg!!!" sigaw ni Jea.
"Ha? Ano ba yun Jea?"
"Teh check mo yung twitter mo!!!" tili ni Aubrey.
"Di ko na nga inoopen kasi ang daming nagpaparinig sa akin eh!" sabi ko.
"Open mo yung mac mo dali!!!" Sabi ni Jea, "Dalian mo!!!!"
Dahil dun binuksan ko yung mac desktop ko at naglog in sa twitter. Pagkakita ko 500+ yung notifs. At nagsimula yun lahat sa isang tweet.
"@ImAdrianPascual: Alia, I have your I.D. @AliaBx"
Nalaglag ang panga ko pagkabasa ko ng tweet niya, at binasa ko yung iba. Shit. Finollow din niya ako. Lalo akong aawayin nito ng fangirls niya.
"Nakita mo na?" sigaw ni Jea.
"Oo. Shit ano rereplayan ko ba???"
"Wag! Wag mo replayan! Iisipin niya galit ka, tapos pupuntahan ka nun sa classroom omg!!!" sabi ni Aubrey.
Biglang nagtweet ulit si Adrian, "@ImAdrianPascual: Sorry inaaway ka ha? Guys di po ninakaw ni @AliaBx yung I.D ko. Wag niyo po siyang awayin."
Binaba ko yung call confer nila tapos pinatay ko yung computer. Nananaginip ba ako?! Pinagtatanggol ako ng isang Adrian Pascual. Senior na siya at ako Junior year. Napansin na ako ni Adrian Pascual!!!!!!!
~~~Pagdaan ko sa hallway ang daming tao, lahat sila nagbubulungan at nakatingin sa akin. Kaya medyo nailang ako. Tapos bigla na lang silang nahati sa gitna kaya payuko akong naglakad, mas binilisan ko ang lakad ko kaya naman nauntog ako bigla. "Sorry nakaha---" naputol ang sasabihin ko sa nakita ko.
Nakatayo siya sa tapat ng classroom namin at likod niya yung nabangga ko. Nakakasilaw ang kagwapuhan niya, nakangiti siya sa akin. Kasama niya yung dalawa niyang katropa.
"Ah hi." sabi niya.
Bumalik ako sa katinuan ko. "Ah nakaharang po kayo sa dadaanan ko."
"Ah ang totoo niyan gusto kita kausapin."
"A-ako?"
"Oo. Ikaw si Alia diba? Ako nga pala si Adrian. Nakuha ko na yung I.D ko at nakausap ko na si Ms. Rodriguez sa homeroom office. Di ka kasi nagrereply sa tweet ko."
"Ah ayos lang po. Nakabili na po ako ng I.D. Salamat po." pinilit kong wag mautal habang nagsasalita. Pero kasi mahirap talaga pigilan. Nakakabaliw kasi na makausap ang dream guy mo.
"Ah okay." sabi niya, "Ay binili nga pala kita ng mga cartolina saka manila paper, kasi nung nabangga kita dati nahulog. Saka nabalitaan ko sa mga kaklase mo na napagalitan kayo. Pasensya na talaga ha, kung nandito lang sana ako kahapon napagtanggol agad sana kita at hindi naging masama ang araw mo. Nagkasakit kasi ako dahil naulanan ako."
Nakatulala pa din ako. Ang kapal ng kilay, ang ganda ng mata, mahabang pilikmata, matangos na ilong, jawline gaming is so strong at mapupulang labi. Feeling ko lumulutang ako. "Huy Alia." sabi niya.
"Ah... eh. Babayaran na lang po kita magkano ba?" sabi ko.
"Wag na." sabi niya, "Ah sige Alia nagbell na eh. Baka malate pa ako. Ingat ka ha?" Inabot sa akin yung mga binili niya at umalis sila. Napangiti ako sa kilig at lahat ng kaklase ko inaasar ako.
"Alia!" sigaw niya kaya napalingon ako. Nakangiti siya habang tumatakbo palayo, "Sunduin kita ng lunch!"
Nanlaki ang mata ko sa narinig ko. Totoo ba yung narinig ko? Pinagmasdan ko ang paglayo niya mula sa pwesto ko. Feeling ko pulang pula na ang pisngi ko. Niyayaya ba niya ako sa date? Napalunok ako bigla. Oh My Gosh!!!!!!!!!!!
"Hala ka tinamaan na. Pasok na oy." sabi ng president namin at agad akong pumasok sa classroom.
~~~Abangan ang Part 2 :) HAHAHAHA LABYU GUYS!!!!!
-Author J