"Alia Barretto." napalingon ako sa tawag ng boss ko, "Someone wants to talk to you.""Ma'am?" Tumayo ako.
"Outside." senyas niya at agad akong lumabas, sumakay ako ng elevator. Sino naman kaya ang gustong kumausap sa akin?
Pagkabukas ng elevator, may lalaki akong nakita na nakaupo sa sofa.
Ngumiti ako nang makita ko ang babaeng katabi niya, sabi ko na nga ba.
"Jea! Marcus!" Agad tumakbo si Jea at niyakap ako. "Namiss kita."
Tawa siya ng tawa, "Namiss rin kita Alia!!!"
Bumitaw ako sa yakap at binati rin si Marcus ang boyfriend ni Jea, "Best, I need to tell you something."
"Ano?"
She smiled at hinawakan siya ni Marcus sa bewang. Hinalikan siya nito sa forehead at saka ngumiti. Dahan-dahan itinaas ni Jea ang kamay niya at may diamond ring. Ano meron dun? Minsan ko nang nakita na suot-suot niya yun.
"Im getting married!!!!"
Di ako makapaniwala at agad ko siyang niyakap, "Im so happy for you, Jea!!! Wait, since when? Bat di ko alam na engage na pala kayo!"
"Sa states nagpropose siya, 5 months ago lang. We decided na itago muna so that we can plan for the wedding."
"So when's the wedding?"
"Uhm, sa december. We want rin kasi na maging reunion yun for our school. Invited yung mga taong nakasaksi ng love story namin."
Nginitian ko si Jea. "That's a great idea!" Honestly, wala akong masyadong alam sa nangyari sa kanila ni Marcus. Dahil lumipat ako ng school nun at minsan na lang kami magkita ni Jea. Nag focus kasi talaga ako sa studies ko, iniiwasan ko rin kasing sumama sa kanila ni Marcus kasi alam kong kaibigan ni Marcus si Adrian...
"Are you okay?" Tanong ni Jea. Pinahidan ko ang luha ko, "Best naman dont cry!"
"Im just so happy for you. Finally! Hahahahaha, wait for me here then i'll treat you guys for lunch."
"Naku wag na best! Mag diet ka na lang kasi in 2 months na yung wedding oh, Saka makikipagkita pa kami sa boys ni Marcus alam mo na yung mga tropa niya."
"Alia, gusto mo ba sumama? For sure namiss ka na rin asarin nung mga yun." pag iimbita ni Marcus.
"Naku wag na, kaya niyo na yan. Sige best ha ingat kayo!"
Tumango siya tapos I gave her a hug tapos umakyat na rin ako agad. Tinapos ko yung works ko pagkatapos lumabas na rin ako at naglunch.
Habang nakapila ako sa isang fast food chain, biglang nahulog ang wallet ko. "Excuse me Ms. is this yours?" Gulat akong napatingin sa taong nakapulot ng wallet ko.
Boses pa lang niya di ko na makakalimutan, nagulat rin siya at ngumiti ako. "Hi." sabi niya.
"Brother! Long time no see!"
"Oo nga iha! Nga pala kasal na nung bestfriend mo ah, ako yung inimbitahan niyang pari."
"Yes naman si bro! See you po dun ha!"
"Oo naman." sabi niya, "Nga pala naikwento sa akin ni Jea noon na lumipat ka ng school? Kaya ba nagkahiwalay kayo ni Adrian?"
"Paano niyo po nalaman na si Adrian yung gusto ko?"
Napangiti siya at natawa bigla, "Secret. Ganun talaga pag malapit ka sa Diyos."
"Si bro talaga! Di naman naging kami nun! Saka po, may girlfriend siya nung umalis ako."