one; kaibigan

464 8 2
                                    

one;

“Kaya mo pa ba, Julia?” Tanong ni Iñigo saakin habang ako naman ay focus na focus sa pagkukuha ng mga letrato sa crush ni Iñigo.

“Baba na ako, nakuhanan ko na. Dali na,” baba na dapat ako bigla akong pinigilan ni Iñigo at nagrequest pa na isa pa daw picture.

Fudgy bar, Iñigo. Ako yung nahihirapan sa'yo, eh!” Sabi ko sa kanya pero wala din ako magawa kung hindi i-balance ko ang sarili ko sa pagkakapatong ko sa balikat ni Iñigo para lang makakuha ng picture nung crush niya, mataas din kase yung harang sa gym.

“Tapos na,” baba na dapat ako nv biglang may tumama sa ulo ko dahilan para ma-out of balance ako at malaglag kami parehas.

“P@#&#+, Iñigo. Ang sakit! Kapag ako nabalian ng buto makakatikim ka sa akin ng sapak,” dahan-dahan akong tumayo pero eyo siya minamadali ako.

“Dalian mo diyan! Baka balikan na nila yung bola!” Hinila ako ng Iñigo sa likod ng pader.

Nakarinig kami ng footsteps, “May tao pa diyan?”

Napahigpit yung hawak ni inigo sa akin dahil alam niyang yun yung crush niya.

Nung narinig naming nakaalis na, tumakbo na kami pabalik sa campus.

“Ano ba 'to, Julia! Binagsak mo pa phone ko,”  reklamo niya sabay pahimas-himas sa phone niya.

“Hoy, atleast hindi nasira! Tsaka ang hirap kaya ng pinapagawa mo!” Totoo naman kase, kung makapangsisi parang wala ako ginawa para sa kanya.

“Kahit na! Pero teka, na-save mo ba yung pictures?” he asked at tumango lang ako as answer.

Kaagad niyang chineck yung phone niya at pinagmasdan niya lang ang mga letrato na nakuha ko, “Ang ganda talaga niya.”

“Anong maganda diyan? Ang liit liit tapos sobrang payat tapos ang laki pa ng mata. Natamaan ka ng kabulagan.”

“Hoy, Julia. May taste ako, noh!” Depensa niya sabay pisil sa ilong ko na hinawi ko rin.

“Eto,” itinuro niya yung letrato na nasa phone niya at hinarap pa sa mukha ko. “Eto yung mga taste ko na babae. Hindi yung katulad mo, feeling.”

One Shots: JulNigoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon