Her IV

150 4 1
                                    


"Julia..." sabi ko

Napatingin siya sa akin, gulat din siya. Pero agad siyang ngumiti, "Inigo."

Alam niyo yung feeling na wala kang maramdaman?
Yung natulala ka na lang bigla?
Yung parang nawala ka sa sarili mo? Yung parang tumitigil yung pagtibok ng puso mo?
Yung parang di umiikot ang mundo?
Well, naeexperience ko lahat ng yan ngayon.

So Inigo, you waited for this moment for years. Teka eto na ba talaga yung moment? Nananaginip ba ako? Nakatingin pa rin siya sa mata ko, okay Inigo. Eto yung options:

A) Gumising ka sa panaginip mo.
B) Masyado ka lang madaming nainom na kape.
C) MAG FREAK OUT AT MAGTATATAKBO PALAYO.
D) Hintayin siya na magsalita ulit.
E) Kausapin mo na siya!!!!

Okay seriously A? Hindi ako nananaginip.
B? Isang cup lang yun.
C?! NO WAY BAKA MALAMAN NIYA NA NAGF-FREAK OUT TALAGA AKO WAIT DI NAMAN HALATA RIGHT?!
D? PERO DI KO NA SIYA KAYANG HINTAYIN.
E, KAUSAPIN SIYA! Pero hindi ako makapagsalita.

"Ah!"

"Sorry." napahigpit pala yung hawak ko sa paa niya, shit. "Gusto mo ba na dalhin kita sa doctor?"

"Wag na. Baka pagkaguluhan pa tayo sa ospital... Ipapahinga ko na lang to ng saglit."

"Ah samahan na kita."

"Naku baka pagod ka na, ayos lang ako."

"I insist. Di kita pwedeng iwanan." kasi pag iniwanan pa kita ng isa pang pagkakataon di ko na kakayanin.

"Fine." sabi niya, tinulungan ko siyang tanggalin yung heels. Tapos umupo ako sa tabi niya. "Sabi na pangit yung brand na yun eh, mahal pa naman."

Hindi ako nagsalita, pinapakinggan ko lang yung boses niya. Dun ako sa huling hagdan nakatingin.

"So..." she said, "What brings you here?"

"Ah napadaan lang. Malapit kasi sa recording studio. Saka bibilhan kong cake si mama para bukas."

"It's her birthday?"

"Yup."

"Natutuwa ako kasi nandito na yung parents mo."

"Kahit ako. Nagsikap talaga ako para bigyan sila ng magandang buhay."

"That's my boy!" sabi niya tapos tumawa

"Ikaw? Bat ka.. nandito?"

"May photoshoot ako. About my life, cover kasi ako ng magazine."

"Wow. Big time."

"Sira, mas big time ka."

"Ikaw kaya."

"Fine quits tayo!" sabi niya at tinaas pa yung dalawang kamay niya saka tumawa. "Nga pala can I ask you a question?"

"Ano?"

"Bakit nung highschool tayo, after kong sagutin si Rafael lumayo ka?"

Napakagat ako sa labi ko. Hindi pa ako tumitingin sa kanya, kasi baka mamaya masabi ko na lang bigla yung nararamdaman ko para sa kanya. Ngumiti ako, "Kasi ayoko na magka-issue. Ayoko na makita nilang kasama mo ko habang may boyfriend ka, alam mo na baka sabihan ka nanaman ng kung ano ano. Besides nandiyan nanaman si Raf, may makakasama ka na lagi. So I needed to get out of the picture."

"Pero kinailangan kita.."

I looked at her, this time. Any moment baka mahalikan ko na lang siya bigla. Ganun pa din ang itsura niya katulad dati. Siya pa din yung Julia na minahal ko. I smiled, "Pano mo naman ako kakailanganin eh nandun nanaman siya." natatawa kong sabi, kahit ako nasasaktan sa mga sinasabi ko.

One Shots: JulNigoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon