Arranged Since Birth (On Going)

472 8 0
                                    

Si Akico sa gilid ----------------------------->

------

Akico's POV

Wala na yatang mas gugulo pa sa buhay ko. Pagkatapos ng isang problema may dadating agad na isa pa.

Ako nga pala si Akico Assuncion, 17 years old, college student at isa lang akong commoner na nag-aaral sa isang private university dito sa Manila. Maraming tao ang napapagkamalan ako na half-korean dahil sa kulay ko at mata ko. Pero sorry sila ! PURE PINOY ATA AKO!

Sa school na ito magsisimula ang nakaka-loka kong buhay.

**

Hayyyy.... Monday nanaman. Nakakaloka, hindi ako sanay gumising ng maaga. First day ng school, at 2nd year college na ako. At my first day last year wasn't so good. Panay akio nabubully kasi di naman ako mayaman at sa tingin nila baduy at pangit ako.

Bumangon na din ako sa kama ko...

Ligo.

Damit.

Suklay.

at Viola!

Tapos na ako! Yan lang ang daily rituals ko. Kasi di naman ako mahilig mag-ayos.

Bumaba na ako para kumain...

"Good Morning po Ma!" Tapos humalik ako sa cheeks nya.

"Hay nako anak, kailan ka ba matututo mag-ayos ? Hah? Para kang hindi babae eh."- Pailing-iling na sabi ng mahal kong ina.

"Eh mama, school lang naman po ang pupuntahan ko, di naman po party bakit kelangan pa po mag-ayos? Saka ayos na po ito Ma, tignan mo po, naka uniform naman na ako. Nakapusod. Di pa po ba ohkay yan? Ayos na po ito. :D"

"Kaya di ka makahanap ng boyfriend eh, napapagkamalan kang tomboy, tignan mo kapatid mo, 16 palang may girlfriend na! Maganda pa!" Si Mama talaga oh kunsintidor.

"Eh syempre Ma, pogi ata to'ng anak niyo na ito!!!" -singit ng magaling ko'ng kapatid. Nandito na pala ito -__-

"Ang yabang mo talaga! Laki ng ulo mo! Kala mo sino! Bleeeeh ! >:P " -sigaw ko sa kanya sabay tawa.

"Kaya di ka nagugustuhan ni khsjashnak.." tinakpan ko na agad ang bibig nya baka madinig pa ni Mama. lalo ako inisin.

"Aba anak, mukhang may tinatago ka sa aking ah." Sabay kindat ni mama sa akin at ngumiti ng nakakaloko. Hay talaga naman oh! Pataas taas pa ang kilay. HAHAHA

Si Maico kasi madaming alam yan sa mga crush ko. Open kaming dalawa sa isa't isa. Syempre kami lang magkapatid eh, sino pa nga ba ang magsasabihan. Kaya naman lumaki kami na super close! Alam niya din na madaming nang iinis sa akin na mga lalake at babae sa school ko.

"Ay nako Ma, wag po kayo maniniwala dyan kay Maico. Nababaliw lang po iyan." Tapos tumawa ako ng malakas at pinandilatan ng mata si Maico. Tapos nagpaalam na din ako. "Ma, pasok na po ako ah. First day po eh don't wanna be late!"

"Nako, ate sabihin mo gusto mo lang makita yung crush mo! HAHA"-Sigaw ni Maico, tapos dinilatan ko ng mata at binigyan ng 'shut-up-or-i'll-kill-you look'. "Ah joke lang yun ate ah." Pahabol niya. Yeah that's right ! Makuha ka sa tingin.

"Ikaw ah Akico, di mo ko sinasabihan. Sumbong kita kay papa mo!"-sabi ni Mama, na parang nakakahalata.

"Eeh, Ma naman. Wag kang ganyan. HAHA" Sabay akbay sa kanya.

Siguro nagtataka kayo nasan ang papa namin ni Maico.

"Osige po Ma, mauna na po ako" Tapos humalik na ako at nagmano kay Mader.

"Mag-ingat ka ah! Wag papabully!" -Mama.

"Ma naman! Syempre po hindi!" -totoo naman di ako nagpapabully matapang ata ako! :))

"Ate sabay na ako sayo! Bye Ma!" Tapos tumayo na si Maico, nagmano kay Mama tapos humabol sa akin.

Sabay na kami naglakad. Malapit lang naman ang school namin sa bahay namin eh. Highschool si Maico pero parehas kami ng school na pinapasukan kasi iisa lang din naman ang may ari. Yun nga lang, mag kaiba ang gate na pinapasukan namin. Magkahiwalay highschool at college students eh. Get's nyo? Ah basta yun na yun. :))

"Ah...ate?" - biglang nagsalita si Maico. Kaya napalingon ako sa kanya, napaka serious naman ng mukha nitong kapatid ko.

"Oh?" sagot ko naman with my very serious face kasi serious din sya eh. haha

"Ah...eh...ano kasi....Wala wala, natatae lang ako! HAHAHA!" -tatawa ka nalang tawang kabado pa ! -__- nuh kaya problema ng taong to!

"Ano nga?! Sabihin mo na! "- Tumaas na ang boses ko. Tinatakot ko lang para sabihin nya yun lang nman ang way para mapaamin yun eh. >:)

"Bakit ba kasi ayaw mo magayos?!" sigaw niya pabalik. Bah, ano problema nito?! Tumahimik nalang ako at patuloy na naglakad. "Ah...ate...Kasi ano..." huminto nanaman at napa-isip pa," Aikjksdjhbajnchb"

"HAH??!!!" Wala ako naintindihan sa sinabi nya! (_ __"") Sasabihin nya na sana ulit kaso...

KRIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIING! KRIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIING! Dalawang bell para sa highschool students, kailangan na nila pumasok.

Di namin namalayan na nasa harap na pala kami ng school ngayon. Tapos nagsalita ulit si Maico.

'WAla! Mamaya nalang! Hehehe. (^_^) Bbye!" Tapos pumasok na sya sa gate ng highschool habang tumatakbo patalikod kumakaway sakin. Hay cute din ng kapatid ko eh.

Eto nanaman ako papasok sa school na kinakatakutan ko. Di naman time kasi nauuna ang bell para sa highschool students ng 1 hour.

*sigh* napabuntong hininga nalang ako habang nakatingin sa school ko. Di parin gumagalaw yung mga paa ko. Nagulat naman ako nung may nagsigawan.

"BAKLAAAAAAAA!!!!!"-Alam ko na kung sino toh. HAHA

------------------------------------------------------

First story ko po ito on wattpad! :) Sana po magustuhan niyo! Love much!

Vote. Comment. Recommend and be a fan! :)

Arranged Since Birth (On Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon