**Kenneth's POV**
Ewan ko ba dun sa babae na iyon! Nakakainis. Kaninang umaga ang bait bait , ohkay na kami ngayon naman ang sungit sungit. Aish. Ewan ko sa kanya.
Pagpasok ko ng Private Room nakita ko Patrick may kausap sa telepono. Si Lachlan naman nagbabasa ng libro.
"Oh bakit di kayo kumakain?" tanong ko sa dalawa.
"Tapos na kami. Ikaw bakit di ka kumain?" sabi ni Lachy.
"Nawalan ako ng gana eh." sabi ko tapos pumunta ako sa couch at nahiga.
Bigla naman binaba ni Patrick ang telepono niya. Tapos lumabas.
**Akico's POV**
"Araayyy...gutom na talaga ako." pero wala padin akong gana.
"Eto pagkain kumain ka..."pagtingin ko akala ko si Kenneth, si Patrick pala. Bakit ganon parang nadisappoint ako ng konti. Nginitian ko sya.
"Ano yan?"
"Jollibee. Diba paborito mo toh? Kaya nagpadeliver nalang ako. ^___^" ay ang sweet naman ng Patrick ko.
"Ahh. Salamat." Kinain ko na at sinabayan naman niya ako. Natapos na namin yung pagkain.
"Grabe nabusog ako...salamat ahh." sabi ko sa kanya.
"You're welcome! Sa susunod wag ka magpapagutom kasi..ahh Akico, free ka ba mamaya?" well wala naman ako gagawin mamaya...siguro ohkay lang libangin ang sarili ko kasama siya...
"Wala naman ako gagawin. Oo free ako...ano balak mo?" tanong ko sa kanya
"Gala tayo sa mall! ^_^"
"Sige! Sure! "
"Sunduin kita sa gate mamaya ahh! See you!" tapos lumabas na siya ng classroom. Parang nalungkot nanaman ako..bakit ko ba kasi iniisip si Kenneth!? ARGGHH!
**Kenneth's POV**
Pagbalik ni Patrick, may malaking ngiti sa labi niya. Ano nanaman kaya ang ginawa nito? Tapos tumingin siya sa akin at nagsmirk.
Inalis ko lang naman ang tingin ko sa kanya..
"Hoy! Kayong dalawa ahh...kanina pa kayo di nag-uusap! Ano ba kasi nanyayare?!" tanong ni Lachy
"Ha?" sabi ni Patrick.
"Ehh dati kasi, panay kayong dalawa ang nagsisimula ng topic. Bakit ngayon parehas kayong walang sinasabi??" tapos kumamot pa sa ulo si Lachy.
"Alam mo kasi Lachlan..." tinignan ko muna si Patrick na naging seryoso na ang mukha..."we're having a competition..."
"Competition??! SALI AKO! Ano ba gagawin?" adik talga toh eh..naturingan cassanova prince, well di naman talaga siya ganon pero napakaisip bata!
"Wag na." sabay kami ni Patrick na nagsabi tapos pumunta na kami sa classroom namin at nagklase.
Buong klase wala akong naintindihan...bakit ko ba kasi iniisip yung babae na yun eh!
Tapos nung uwian na agad lumabas si Patrick...nagmamadali. Tapos si Lachy biglang hinawakan balikat ko...
"Bro, may gusto ka sa kanya noh?"
"HA?" umiling iling siya
"Aish. Hindi si Patrick! Kay Akico ang tinatanong ko!" sabi ni Lachy. Ah ngayon gets ko na akala ko kung ano iniisip nito eh.
"Di pa ako sure, bro."
"Well you better figure it out. Kasi alam ko na kayang kaya makuha ng mabilis si Akico. We both know na gusto ni Akico si Patrick. Pero sa napapansin ko simula kahapon nagiba ang tingin sayo ni Akico..."
BINABASA MO ANG
Arranged Since Birth (On Going)
RomansaPaano kung may boyfriend/girlfriend ka? Tapos someday kailangan mo syang iwan for someone you don't even know. Paano kung malaman mo na di ka pa sinisilang eh may nakatadhana na, para makasama mo habang buhay? Ano ang gagawin mo?