Chapter 13: Second Date

83 6 0
                                    

I dedicate this to my friend Inkpurpleheart. Kasi siya yung unang nagpost sa message board ko. Haha! At talagang sinusubaybayan niya ang ASB.

 Sana po magustuhan niyo! ^__^

======

**Akico's POV**

"KENNETH?!" nagmamadaling pagpasok ko sa bahay. Di na ako nagdoorbell kasi mukhang emergency talaga nung tumawag siya sa akin.

Bigla naman ako sinalubong ni Manang na may malungkot at seryosong mukha. Di maipinta ang mukha niya.

"Manang? Si Kenneth po?? Ano pong nanyare sa kanya???" nag-aalala kong tanong. Paano ba naman kasi ang seryoso at lungkot talaga ng mukha.

"Nasa kwarto niya siya, nagpapahinga. Inatake kasi siya ng hika niya. Nastress ata kasi eh..." tapos yumuko si manang. Dahil ba sa akin? Kaya ba sya may sakit? Kasalanan ko ba kasi tinatarayan ko sya buong araw?

"Ohkay na po ba siya? Asan po yung ibang maids niyo? Bakit po wala sila dito?"

"Nagbakasyon silang lahat. Kaya iyon, saktong wala ang mga maids inatake si Kenneth..nakita ko nalang siya nakahiga sa sahig ng kwarto niya. Pangalan mo nga ang tinatawag niya eh.." medyo naluluha na si manang..

"Seryoso po ba kayo?" Di ako makapaniwala na tinatawag niya pangalan ko...

" Oo. Umakyat ka na sa kwarto at magluluto lang ako ng lugaw para sa kanya." tumango lang ako at mabilis na pumasok sa kwarto niya.

Pagpasok ko nakita ko si Kenneth na nakahiga sa kama...ang amo ng mukha...nilapitan ko siya...

"Kenneth?" di siya umimik... "Kenneth, uyy, gising ka ba?" wala pa din.. "Siguro nga tulog ka, sorry ahh kung ako ang dahilan ng pagkastress mo hinika ka pa tuloy, Sinigawan pa kita sa phone..Sorry talaga" tumutulo na pala ang luha ko

"Sa susunod kasi wag ka biglang magagalit...di ko alam kung ano nanyare sayo eh bigla ka nalang sumusungit ano yun joke?" 0_____________0 

"GISING KA?!"

"YEP! HAHA"

"Teka, mukha naman wala kang sakit ah!" tapos hinawakan ko noo niya.

"Wala nga. HAHAHA. At anong Hinika ka pa tuloy?? Wala naman akong hika ah! HAHAHAHAHA" tawa siya ng tawa nakahawak pa sa tiyan.

"HA?! Eh Sabi ni..ni manang..." ano ba nanyayare?!

"AHHAHAHAHAHHAA! Ang galing talaga umarte ni Manang! HAHAHA!"

Biglang sumeryoso ang mukha ko at pinanliitan ko sya ng mata...

"Alam mo ba na may mas importante akong lakad at dahil sayo naudlot yun?!" sigaw ko sa kanya

"Hahaha! Mas pinili mo naman ako ibig sabihin mas IMPORTANTE AKO! HAAHHA Ikaw ahh may gusto ka na pala sa akin ahh!" 

"Ha! Kapal mo! Nalimutan mo na ba ang sinabi ko sayo dati? Kahit kelan DI. KITA. MAGUGUSTUHAN!" Amalayeeeeer ka Akico!!! Bakit mo sinabi yun! Sinungaling!

Bigla naman nagbago expression ng mukha nia...

"Ano nga pala ang importante mong lakad? May date kayo ni Patrick??" tanong niya ng nakatingin sa may bintana...

"Oo. At ng dahil sayo di yun natuloy! Nakakahiya kay Patrick!"

"Eh bakit nga ba ako ang pinili mo? Di ba ibig sabihin nun eh, mas matimbang ako sa PUSO MO." tapos tumingin siya sa akin at ngumiti, tinalikudan ko sya.

"Ang kapal mo! Kung wala ka naman sakit. Aalis na ako!" Papalabas na ako ng pinto ng hatakin niya ang kamay ko at nauna pa siya lumabas hatak hatak ako..

Arranged Since Birth (On Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon