Chapter 17: Monthsary

35 2 0
                                    

**Akico's POV**

Arayyy... Ang sakit ng ulo ko. Ang bigat ng katawan ko.. Tumingin tingin ako sa paligid. So nasa Clinic ako. Pag tingin ko sa gilid ko may lalaking natutulog. Hawak hawak ang kamay ko.

Tinignan ko siya mabuti. Nung una akala ko si Kenneth, pero mali ako si Patrick pala. Teka, akala ko ba nasa Korea siya? Hinaplos haplos ko ang buhok niya.

"Hmmm..." tapos inangat niya ulo niya. "Gising ka na pala.

Tumango lang ako.

"Akala ko next week pa uwi mo?"

"Tinawagan ako ni Kenneth eh. nandito ka daw sa Clinic. Kaya umuwi na ako agad agad. Sinabi ko nalang sa asisstant ko na pakisabi nalang sa Daddy ko na bukas nalang ako babalik."

"Nako, Patrick. Baka naman magalit pa sayo ang Daddy mo. Dapat di ka nalang umuwi."

"Eh mas importante ang Girlfriend ko eh. ^__^"

Bakit ganto? Nasasaktan ako sa ngiti niya? Bakit parang ako din ang babawi sa mga ngiti niya na ito? Bakit parang iba ang ngiti niya ngayon?

"Ohkay ka lang? Tara labas na tayo iuuwi na kita. " sabi niya sa akin.

"Ohkay." Lumabas na kami.

Aaminin ko. Akala ko at umasa ako na si Kenneth ang nandoon. Kaso hinde.

**Kenneth's POV**

Nung nasa Clinic ako...napansin ko na mahimbing na ang tulog ni Akico kaya dahan-dahan kong tinanggal yung pagkakahawak ng kamay ko sa kanya para tawagan si Patrick.

Syempre hindi naman ako yung boyfriend napaka unfair naman para kay Patrick nun. Isa pa kailangan ko na mag-move on dahil sila na nga. Kaso bakit pag nasa harap ko na si Akico, nag-iiba ako. Parang di ko kaya pakawalan siya.

"Hello?" nasagot na pala ni Patrick yung phone nia..

"Hey, bro...Asan ka na?"

"On my way to the airport, siguro 5 minutes away nalang. Bakit?"

"Si Akico eh.."

"What happened to Akico?!"

"Chill, bro. Nasa clinic siya. Nilalagnat eh.."

"Sige papunta na ako dyan. Bye."

Pagbaba ko ng phone..bumalik ako sa tabi ng kama ni Akico at pinagmasdan siya matulog. Kailangan ko na muna siya layuan, para makapag-move on na din ako.

Ilang oras lang dumating na si Patrick sa clinic..

"Thanks for calling me, bro" sabi niya sa akin

"Wala yun. Sige mauna na ako ahh."

**Akico's POV**

Ihahatid na ako ni Patrick sa bahay, nasa loob kami ng kotse ngayon. Tahimik lang, wala din naman ako sa mood makipag-usap.

"Akico..."

"Bakit?"

"Bakit ka nilagnat ng ganyan?"

"Ahh...wala...Pagod lang siguro to.."

"Sa susunod wag ka na magpapakapagod ha? Buti nalang dinala ka ni Kenneth sa clinic." 

0____0 Ano daw? Si Kenneth ang nagdala sa akin doon? HUWOW. Pero MALI. Tama lang na dalin nya ako dun kasi siya naman may kasalanan!

"Ganun ba.."

Naka-rating na kami sa bahay namin...Nasa tapat na ng gate. 

"Next week na nga pala ako pupuntang Korea para mabantayan muna kita *smile*" 

"Ha? Baka magalit na talaga ung daddy mo sa'yo niyan?"

"Galit na talaga siya sa akin kaya wala din magbabago kung ngayon na ako pupunta. Haha. Ayaw mo nun nandito ako sa Thursday para sa 1st Monthsary natin ^____^" 

Oo nga pala...sa Thursday na nga pala...

"Gusto, sige mauna na ako ahh pahinga na ako..."

"Osige. Bye!"

Tapos bumaba na ako ng kotse at pumasok sa loob. Pagkapasok ko mukhang tahimik ang bahay parang wala si mama. Siguro umalis. 

Umakyat na ako ng kwarto at nakatulog nanaman.

===

THURSDAY

Kriiiiing Kriiiiiing

"Mmmmmmm....Alo?" tanong ko habang nagkukusot ng mata.

"Happy Monthsary babe! Nagising ba kita?"

"Hindi naman patrick..Happy Monthsary"

"Labas ka na sa room mo tanghali na"

Tinignan ko yung orasan ko.... 9:00 am

O_______O

"arghhh sorry sorry sabi mo nga pala 7 tayo aalis ... sorry :(" nakakagulty nakakahiya napagod kasi ako sa kakagawa ng assignments eh.

"Haha okay lang sunduin kita maya maya ok?"

"Sigi"

"I love--TOOT TOOT" Omygulaysss! Napatayan ko si Patrick  laguuut ako. Ano ba nangyayare sa akin. Arghh!

Text ko nalang sya...

KRIIING KRIIING...Calling Halimaw...Calling Halimaw....

Bakit kaya tumatawag yung panget na halimaw na ito. Nako bahala sya dahil sa kanya nagkasakit ako. -____-

Isa pa kailangan ko na sya kalimutan kailangan si patrick nalang ang pagfocusan ko.

Nagayos na ako at naligo. Paglabas ko andun na si Patrick may dalang bulaklak , isa para sakin at yung isang bouquet ng flowers kay mama. Wuuuh sosyal mama ko ah hahaha

"Hi beautiful! Tara na?" aba mukang excited si Patrick ah.

"Sige, Ma mauna na po kami :)"

Nagmano na ako at umalis na kami ni Patrick.

Sa byahe...

"Patrick.?"

Tumingin lang sya sakin ng parang tinatanong kung bakit.

"Pasensya na kung nababaan kita kanina akala ko kasi tapos ka na magsalita eh. Im sorry" nahihiya ako sa kanya kaya di ako makatingin ng diretso.

"Ano ka ba ok lang yun ^___^ Wag ka na malungkot masisira araw natin nyan"

Napakabait ng taong toh. Kaya dati palang gusto ko na sya eh. Di tulad nung Halimaw na kenneth na yun. Teka bat ko ba sya iniisip.

"Andito na tayo Akico"

"WOOOOW" Nasan kami? Sa Skyrail Tagaytay. First time ko makapunta dito eh kaya ganyan nalang reaction ko Hahaha

"Tara na " hinawakan niya kamay ko at pumunta kami sa isang kainan dun.

"Bakit parang alang tao sa kainan na to?"

"Pinasara ko para tayo lang syempre special ang araw na ito sa atin eh haha"

"Ha? Pinasara mo? Di naman kailangan yun gumastos ka pa tuloy saka----" Naputol yung sinasabi ko nung takpan niya bibig ko

"Shhhhhh...Akico, wag mo isipin yun ang importante , magenjoy tayo ok? I want every minute to be special and memorable."

After namin kumain sumakay kami sa mga kabayo, sa ilang rides saka may mga activities din kaming sinalihan.

Masaya ako sa araw na ito salamat sa lalakeng kasama ko ngayon.

"Thank you" bigla sya nagsalita

"Saan?"

"Sa masayang araw na ito.  Sobrang saya ko.  Sana lagi ganto. At sana magtagal pa tayo. Di ko kaya mawala ka."

Ngumiti lang ako di ko alam ang isasagot ko eh. Paano kung dumating ang time na kailangan talaga tapusin tong eelasyon na to? Pano?

***

Finally! Na-update ko na ang ASB nalimutan ko password ko Hahaha! And I had to read the whole story pa dahil nakalimutan ko na din. I hope you like this chapter! VOTE.COMMENT.RECOMMEND.BE A FAN.

Arranged Since Birth (On Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon