Medyo matagal din nung nakapag UD ako :( Busy kasi eh. Anyways, eto na ang chapter 14. Continuation po ito ng chapter 13. ^___^ Enjoy!
VOTE.COMMENT. BE A FAN!
-----
**Akico's POV**
Hay ang saya saya ko. Eto ako ngayon kakapasok ng bahay umalis na si Kenneth. Sila Mama at Maico tulog na...
"Hoy!" Ay hindi pa pala si Maico... -___-
"Ano?"
"Bakit ngayon uwi mo ah? Ate?"
"Ate tapos kung magtanong ka kala mo ikaw mas matanda?"
"Sumagot ka na lang...Aishhhh!"
"Eh si Kenneth kasi-"
TOK.TOK.TOK
Di ko natuloy sinasabi ko, parehas kami ni Maico nagulat. Pano ba naman gabi na eh. Sino naman kakatok ng ganon.
"Ako na magbukas ate...Mamaya magnanakaw yan eh..." Mahinang sabi ni Maico. Magnanakaw kumakatok? Hahaha. Tumango na lang ako. Nakatago ako sa likod ni Maico..
"Kuya Patrick?!" gulat na sabi ni Maico....Nagulat din ako....
"Ah...Hello...Maico, si Ate mo?" sabi ni Patrick. Lumabas naman ako sa likod ni Maico
"PRESENT! ^____^" tapos pagtingin ko seryoso ang mukha niya.
"Pwede ba tayo magusap?" seryosong sabi niya.
"Oo naman. Tara pasok ka." Hahatakin ko na sya sa loob kaso hinatak niya ako..
"Sa labas." sabi niya tapos nagulat pati si Maico. "Maico, iuuwi ko din agad ate mo." Tumango lang naman din si Maico, halatang gulat padin sumenyas nalang ako ng ohkay lang...
Nandito na kami sa park malapit sa bahay namin....
"Uhhh... Patrick? Ano gusto mo pag usapan?" panimula ko sa kanya
"Kasama mo ba si Kenneth?" Madiing sabi niya. Grabe first time ko sya makita ng ganto. "Sya ba ang 'emergency' na sinasabi mo?"
" Ah...eh...Oo..." umiling iling sya..
"Bakit? Mas importante ba siya?!"
"P-patrick? Bakit ba ganyan ka magsalita, natatakot ako eh." Medyo huminahon siya..
"Nung sinundo kita sa may bus stop dati, galing ka ba sa bahay niya?"
"Oo..."
"Pambihira naman Akico! Ikaw ang unang babae na dinala niya doon!"
"Alam ko. Pero wala naman kaming ginawang masama eh..."
"Ano ginawa niyo? Naglaro ng jack n' poy?!"
"Hindi! Pinaglinis niya ako! Kasi kabayaran ko sa kanya dahil naistorbo ko sya sa rooftop dati!" tumaas na din ang boses ko
"Eh ano naman yung kanina ha?! Akala ko ba Emergency?! Sinundan kita tapos nakita ko sa bahay ka nila pumunta!?"
"Patrick! Nagpanggap siya na may sakit!"
"At di mo na ako tinawagan na fake lang yun?! Sana man lang iniwan mo siya akala ko ba ako ang gusto mo!?" Medyo naluluha na si Patrick.. "Akico, buong akala ko nakahanap na ako ng tao na mahal ako at mahal ko din." Umiiyak na siya
"P-patrick...Sorry...*sniff* Sorry.." umiiyak na din ako. Lumapit siya sa akin at inakap ako...
"Akico, i was gonna ask you before sana sa date natin.. kaso yun nga di natuloy... Will you be my girlfriend?"
BINABASA MO ANG
Arranged Since Birth (On Going)
RomancePaano kung may boyfriend/girlfriend ka? Tapos someday kailangan mo syang iwan for someone you don't even know. Paano kung malaman mo na di ka pa sinisilang eh may nakatadhana na, para makasama mo habang buhay? Ano ang gagawin mo?