Chapter 11: The Confrontation

78 6 0
                                    

**Kenneth's POV**

Andito na ako sa tapat ng bahay nila Akico. Dahil sinabi ko sa kanya aagahan ko. Kaya eto 6:00 am palang nandito na ako.

"Ang aga mo nga ah! Hahaha! Good Morning nga pala!" nagulat ako nung may nagsalita sa likod ko. Alam ko kasi na 6 talaga ang pasok nito ewan ko ba 9 pa naman simula ng klase panay maaga.

"Syempre. Sinabi mo kagabi agahan ko eh. Haha. Good Morning din!" 

Pinagbuksan ko na sya ng pinto tapos bumyahe na kami. Malapit din naman ang bahay niya kaya ilang minuto lang nandito na kami sa school.

Naglalakad na kami sa may hallway nagtatawanan. Pinaguusapan kasi namin yung unang meeting naming dalawa. Pasungitan pa kami. Haha. Bigla naman may umagaw ng atensyon ko...si Patrick.

Oo nga pala may usapan nga pala kami na magkita sa Private room ng maaga...

"Oh? Goodmorning Patrick! Aga mo ata ngayon?" sabi ni Akico sa kanya habang papalapit sya. Tinignan niya muna si Akico tapos sabay tingin sa akin.

"Of course. Kelangan eh, kasi i'm supposed to be meeting someone...EARLY." nakatingin sya sa akin nung sinabi nya yung EARLY. Halata naman sa mukha ni Akico na nagtataka sya.

"Sino naman?" sabi ni Akico

"Akico, mauna ka na sa room niyo. Mamaya magkita tayo sa cafeteria." sabi ko sa kanya at tumango lang sya sabay naglakad na papalayo.

**Akico's POV**

Ang weird naman ng dalawa na yun. Kung magtitigan kala mo magsusuntukan na. Pero imposible, bestfriends sila eh. Pero nakakakilabot talaga kanina nung nagtitigan sila. Ano ba mga yun? Nababakla lang? HALA!

Pumunta na ako sa room namin at syempre magisa nanaman ako. Naisipan ko mag lakad lakad sa may garden nalang. Nalimutan ko na malapit nga pala dun yung Private room. Kaya may mga nadinig ako na naguusap sobrang pamilyar ang boses.

"Gusto mo ba sya?"

**Kenneth's POV**

"Gusto mo ba sya?" tanong ni Patrick ng madiin.

"Ewan. Di ko alam. Di pa ako sure. Eh ikaw?" Seryoso kong sagot. Totoo naman di ko pa alam talaga.

"Bro, you know i do. Kaya wag mo ibalik ang tanong ko sa akin."

"Oo sige. Alam ko naman talaga." sabi ko

"Kung di mo sya gusto bakit mo sya sinundo?" tanong niya sa akin.

"It's my peace offering for her. Nagkabanggaan kasi kami last week." simpleng sagot ko sa kanya.

Arranged Since Birth (On Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon