Chapter 2: First Day of School

87 7 0
                                    

Picture po ni Patrick sa gilid--------------->

**Akico's POV**

"BAKLAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAA!!!!!!!!!!!!!!!!" -Alam ko na kung sino yun. Lumingon ako at napangiti sa dalawa kong kaibigan.

"Ano nanaman ba Ella?! Lakas ng sigaw neto. Hi! Akico! I missed you !" - Sabi ni Sindy sinisigawan ang kakambal niya na si Mikaella. Mas matanda si Sindy  ng mga ilang minuto kay Ella. Ang cute nga nila eh. HAHA

"Hi Singy ! Hello naman jan Ella!" Natatawa kong sabi.

"Sungit mo talaga Sindy ! Pangit mo! Namiss ko lang naman tong si Akico eh!" Tapos hinug ako.

"Ang boba mo talaga noh Ella?! Kambal tayo! Pagpangit ako Pangit ka!!!" nagtawanan nalang kami hahaha nakakatawa kasi yung dabarkads ko na ito.

"Ay, oo nga noh! Pero kahit na! Mas pangit ka kasi masungit ka! Bleeeh!! :PP" napaka isip bata talga nitong si Ella. Haha. Nakakatuwa ang cute!

"Tumigil na nga kayo hahaba lang ang usapan dito eh. Alam ko naman na di kayo matitigil kung di ko pa kayo pigilan. Haha" Tapos nagsimula na kami maglakad.

Kung ano ang kinakikay-kikay ni Mikaella, sya namang kinasimple-simple ni Sindy. Mataray si Sindy sa mga di nya kilala di tulad ni Ella friendly. Pero parehas ko naman silang love. Kahit last year ko lang sila nakilala sobrang naging close kami. Para ko na silang sisters. haha

"Kamusta nga pala ang bakasyon mo?" Tanong ni Sindy sa akin habang naglalakad.

"Ayun Masaya naman. Umuwi si Papa eh"- ang papa ko kasi nasa Korea, Pilipino sya nagttrabaho lang naman sya sa pinaka malaking kumpanya sa korea. As what ba kamo? Janitor. May pinag-aralan naman ang papa ko noh. Sa totoo lang matalino sya at graduated sya kaso wala naman space sa kumpanya kaya nagjanitor nalang siya imbes na walang wala diba? Malaki naman kahit pano kaso yun nga lang kailangan ko galingan para makapag aral dito. Scholar ako eh. Kaya si Maico nalang ang pinagaaral nila. Gusto kasi ni mama at papa na magtapos kami sa school na to para naman di kami matulad kay papa na hindi na-honour yung certificate nya sa Korea. Kaya eto ako trying my best.

"Alam mo ba Akico...ahjhaheudal" tinakban na ni Sindy ang bibig ni Ella na walang tigil sa daldal. 

"Alam mo ba kailangan na natin pumasok bago pa dumating yung 'The Almighty'." Sabi ni Sindy tapos tinanggal niya na din yung kamay niya sa bibig ni Ella. Nagcrossarm lang si Ella sabay nag pout di na sya nagsalita kasi pinandilatan sya ng mata ni Sindy.

Hayyyy....ang The Almighty. Grupo ng tatlong napakagwapo at  pinaka mayaman sa school na ito. Puro sila tinatawag na Prince. Sabi nila Apat daw yung mga yun dati kaso yung isa nagpunta sa states. Anyway. Introduce ko sila sa inyo. 

Si Lachlan Jo, siya lang naman ang anak ng nagmamay-ari ng Jo company. Jo nga eh. Isa sa pinaka sikat ang company nila sa korea at pilipinas. Just like most of the students here in this school he's half-korean. Sya ang nataguriang Cassanova Prince. Di naman halata sa mukha niya pero panay kasi siya nakikita may kasamang babae. May crush sa kanya si Ella, my bestfriend. Super habulin yan ng babae, kindat palang patay na lahat, except syempre sa akin at kay Sindy na umiikot lang ang mata pag nakikita sya. Saka kasi patay na patay ako kay..."

Patrick Song, siya lang naman ang asawa ko. Hahaha! Chos! Siya ang Romantic Prince pero di pa sya nakikita na may kasamang babae. Good Boy! haha. Lumabas palang ang dimple nyan patay na lahat at ako nakalibing na. HAHAHA! Tulad ni Lachlan, mayaman din si Patrick pero mas mayaman pa ng kaonti.

At eto ang pinagtataka ko talaga. The King. Si Kenneth Lee. Ewan ko kung bakit kilig na kilig lahat ng babae sa kanya eh para naman siyang refrigerator. Napaka yabang. Yung buhok pa ganon. Medyo spike spike. Dapat dito ang tawag 'The Cold Hearted King' eh. Argh! Anyway, siya lang naman ang pinaka mayaman sa grupo nila and sa buong school sabi Top 1 daw sa business industry ang company nila eh pero may nabalita din noon na babae ang anak ng Top 1, pero di kilala. Ay ewan! Basta! Etong isang to, di pa ngumingiti, wala pang kindat, wala pa yung dimples, lalakad palang, lalabas palang ng kotse, tilian at stumpede na agad! Patay na ang lahat !

Arranged Since Birth (On Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon