**AKICO's POV**
#KOKOROKOK KOKOROKOK#
Nagising ako sa alarm. Tumayo na ako para maligo. Pagkapasok ko sa banyo napadaan ako sa salamin. Nagulat ako, bigla ko nalang naalala na maganda na nga pala ako. Parang di ako makapaniwala na ako yun nasa harapan ko
Naligo na ako at nag ayos. Medyo humaba ang daily rituals ko kung dati ligo, bihis at suklay lang. Ngayon....
LIGO
DAMIT
AYOS NG BUHOK. Curl ang dulo.
at Onting Make-up.
Sinuot ko na yung binili sa akin ni Thea na high heeled shoes. Tinaasan ko din ng konti yung palda ko para naman magbagay sa itsura ko. Grabe, parang hindi talaga ako to. Hayaan ko na nga, minsan lang naman magbago eh. Lumabas na din ako para kumain...
"Oh Akico kumain ka na..." Tapos lumingon si Mama sa akin at natulala, maya maya lang ay napalitan ang pagkagulat niya ng malaking ngiti, "Dalaga na talaga ang anak ko. Yan mukha ka na talagang babae Akico."
"Salamat po Ma. Si Maico nga po pala?" Napansin ko kasi na tahimik ang paligid eh.
"Nauna na siyang pumasok. Sinundo pa niya si Thea eh, alam mo naman yun." Corny talga. Oh well.
Kumain na din ako tapos. Nag toothbrush. Nagmano kay mama at naglakad na.
Habang naglalakad naisip ko, ano kaya ang magiging reaction nung mga tao sa school? Inisin pa kaya nila ako?
**
Inagahan ko ang pasok ngayon para di na ulit ako mapahiya. Baka mamaya may tumulak nanaman sa akin eh, nakahigh heels pa naman din ako ngayon.
Pagpasok ko ang ingay ng lahat..pero tumahimik sila nung lumingon sa akin...parang mga ewan lang...lalo na ang mga lalake.
"Hi Girl!"-sigaw nung kambal sa akin at nagbeso.
"Ang ganda mo na talaga!" sabi ni Ella, "well dati pa naman pero ngayon lalo ka pang umangat." habol niya.
"Hi kambs! Kayo naman, kung di dahil sa tulong niyo di ganto ang itsura ko noh! Haha" napatingin ako sa paligid, ganon pa din tulala sila, para bang nagtataka kung bakit kausap ko yung dalawa. "Ahh Sindy at Ella, anong problema ng mga tao dito? Bakit ang tahimik?"
"Sus! Obvious ba? Nagagandahan sila sa iyo ! Hahaha" Sabi ni Sindy.
Naglakad na kami papunta sa room namin. Habang naglalakad sari-saring bulungan ang nadinig namin.
"Grabe ang ganda naman niya!!!"
"Sino yan?"
"Anong section kaya sya?!"
"Mayaman siguro yan!"
"Syempre kutis palang oh! Saka kasama ni Ella at Sindy eh!"
"Speaking of Ella and Sindy bakit di nila kasama yung loser?"
"OO nga! Nasan na yung commoner?"
Mapa babae mapa lalake, tomboy at bakla, yan ang nadidinig ko.
"Ako ba pinaguusapan nila?" Bulong ko sa kanila
"Hindi naman pwedeng ako dba?" Sabi ni Sindy na nakatingin sa phone ngayon. Nuh kaya nanyare dito bigla naging moody.
"Hindi din naman ako dahil always maganda na ako! Hahaha! Chin up lang girl! Don't mind them!" sabi ni ella na nagsasalamin hanang naglalakad.
Pagkapasok sa room....
"Ma'am, may bago po pala kaming classmate?" tanong ng isang babae na nakaupo sa harap. Tuloy tuloy lang ako na umupo sa upuan ko.

BINABASA MO ANG
Arranged Since Birth (On Going)
RomancePaano kung may boyfriend/girlfriend ka? Tapos someday kailangan mo syang iwan for someone you don't even know. Paano kung malaman mo na di ka pa sinisilang eh may nakatadhana na, para makasama mo habang buhay? Ano ang gagawin mo?