Chapter 3: Bullies

85 7 0
                                    

Di naman sa Desperada ako. Pero parecommend naman po itong story :D VOTE. COMMENT. RECOMMEND and Be a Fan! ^___^

Enjoy ! HAHAHA. Si Kenneth yung nasa Gilid.

----

**Akico's POV**

Kinuwento ko na din ang nanyare kila Sindy at Ella at ayun, as expected kilig na kilig silang dalawa. Magkkwento pa sana ako eh, kaso si Sindy pinatawag sa office. May call daw eh. Naiwan kami ni Ella. Napatingin ako sa kanya.

"Oy First day na first day ! Para ka jang bulate na nilagyan ng asin!" Pabiro kong sabi sa kanya. Mukha kasi syang ewan ngingiti ngiti tapos kinikilig kilig.

"Eh kasi naman, katext ko si Baybeh Lachy ko! Hihi!"Kinikilig na sagot nya sa akin.

"Nako ah! Ella! bka mamaya maloko ka nyan! Diba nga siya ang Cassanova Prince? Mag-iingat ka! At pano mo nakuha number nun?"

"Ehhh! Akico naman eh! Anjan ka naman para protektahan ako diba?" Nagpuppy eyes pa "eto nga dapat ang sasabihin ko sayo kaso nga lang tinakban ng magaling kong kapatid yung bibig ko!" Ahhh. Kaya naman pala eh. HAHA

"Aish. OO na, oo na. Basta wag ka papaloko jan ah! Makakapatay tayo ng di oras nyan. Hahaha"

"Opo :">" Tapos biglang tumayo "Alis muna ako ah! Bbye! Mwaa!" nakatingin sa cellphone tapos nagmamadali

"Ep!Ep!Ep!  San ka naman pupunta Aber?" Lumingon sya sa akin with a very big smile on her face. 

"Makikipagkita akoo kay Lachy ko! Hihi!"

"Yan na nga ba sinasabi ko eh! Wag ka pumunta! Sumbong kita sa ate mo!"

"Ehh please Akico??" *puppy eyes* "Don't u love me?" Tapos nagpout.

"Hayyy. Sige na nga! Go! Pero balik ka agad sa room pagka bell ha!"

"OPO. Thank you Akico ! I looooooooooooove you!" tapos umakap at kumiss sa pisngi ko. Isip bata talaga. HAHA. 

Naiwan nanaman ako mag-isa. Punta nalang ako sa rooftop. Malamig ang hangin at tahimik.

**

Umupo ako sa isang bench dun favourite place ko. Sa rooftop kasi may mga halaman sa gitna na paikot at may mga bench dun pero wala gano tumatambay.  Tapos nag-hum ako, syempre kinikilig at inlababo. hihihi

Kaso may mga nagsalita at nasira ang pag iimagine ko. -___- BADTRIP!

"Tignan niyo oh girls, nagpapantasya nanaman"- sabi ni Jennica , ang kaaway namin nila Sindy since last year, takot naman siya kay Sindy -__-

"T-teka, ikaw yung tumulak sa akin noh! " Napatingin kasi ako sa kanya nung tumaob ako sya na yung nakapwesto dun sa kinatatayuan ko bago niya ako itulak.

"Uh...nakilala mo pa pala ako! Feel na feel mo ang pag buhat sayo ni Prince Patrick ah!" Nagtawan sila ng mga alipores niya.

"Hoy! Babae! Tinulak mo ako! Kung di mo ako tinulak walang mangyayaring buhatan at hindi puputok yang butchi mo!" -nagagalit na talaga ako ang yabang yabang kasi kala mo maganda muka naman bakla! porket sya yung naging muse ng campus last year! -__-

"At kelan ka pa natuto lumaban ha?!" tinulaktulak niya ako at hinila ang buhok ko. "Senior mo ako! And FYI you are nothing compared to us! Tandaan mo yan!"

"Yun nga eh senior ka ! Tapos ganyan ka mantrato ng nakakabata sayo! Hoy! Kahit ganto ako, kahit commoner lang ako, kaya ko naman lumaban noh! At kung sa isip mo walang wala ako kumpara sa inyo then what are you doing here  arguing with me? Hah. Ang taas ng tingin mo sa sarili mo, kayong tatlo! Pero ang ugali nyo bulok!" Natahimik sila tapos tinulak ako sa may mga halaman kaya nagkagalos yung braso ko.

"Aray! Nasasaktan ako!" Tinry ko tumayo pero tinulak ulit nila ako. hawak parin ni jennica yung buhok ko. Napaluha na ako kasi ang sakit! Parang kinakalbo ako!

"Ano iiyak ka ha?!"-Alipores 1

"Iiyak na yan! HAHAHA" -Alipores 2

"Eto tandaan mo...."sigaw ni Jenica"Wag ka--"

"Wagkayong mang-istorbo ng natutulog!!!" napabitaw si Jennica sa buhok ko. Tapos nakayuko ako, pag angat ng ulo ko may papalapit sa amin...

KENNETH?! 0_______0 anong ginagawa niya dito sa rooftop??!

"Ano bang ginagawa niyo jan ha?!" Tumingin sya sa akin at kila Jennica. Balik balik tingin nya."Natutulog ako at ang ingay ingay nyo! Kung mag aaway kayo dun! Sa OVAL! Mga istorbo!" galit na galit sya pero salamat sa kanya dahil binitawan ako ni jennica.

"P-prince....Kenneth..." sabi ni jennica na parang kabado pa.

"Haist! Di ako prinsipe! Bakit may korona ba ako ha?!" sigaw niya kay Jennica, napangisi ako. Pero pinigilan ko ang tawa ko hahaha! yan kasi! IN YO FACE!

"Eh...eto po kasing commoner na to" sabay turo sa akin at inemphasize nya pa ang commoner ah! Tindi mo pre!

"Umalis na nga kayo !!! Istorbo !!!" nagmamadaling umalis yung tatlo, sinundan naman ng tingin ni Kenneth. Ngayon nakatalikod sya at babalik na sa bench nya na nandun sa likod ng mga halaman.

"S-salamat..." sabi ko habang hinihimas ulo ko. tapos huminto sya at lumingon sa akin...nyaaay. nakakatakot! shocks! dahan dahan syang lumapit sa akin.

"Na-istorbo na nga ako....nagpapasalamat ka pa???? Hah!! Patawa ka pala eh! " Aba ang yabang nagtthank you na nga!

"Eh bakit?! Alam ko ba na jan ka natutulog ha?! Abnormal ka pala eh! Pwede naman sabihin mo nalang, You're Welcome ! Dba? Mahirap ba sabihin yun?!" Sabi ko. Di na ako makapag pigil umiiral nanaman ang pagiging masungit ko.

"Anong sabi mo?! Abnormal?!" kumunot lalo ang noo nya.

"OO! Sabi ko Abnormal! Ano binge ka lang?! Kala mo sinong gwapo para ka namang refrigerator na sobrang lamig! Walang ibang gawin kundi matulog ng matulog!" walang hinto kong sabi! 

"Aba! Sumosobra ka na ahh!" Lumapit sya, palapit ng palapit habang ako paatras ng paatras hanggang sa di na ako makaatras dahil sa pader. "Dahil naistorbo mo ko pag babayaran mo 'to." Lalo pa syang lumapit...

KRRRRRRIIIIIIIIIIIIIIIIIIING! Hay thank you nagbell na!

"hmmm....you are saved by the bell!" nag-smirk sya "tandaan mo, you'll pay for this." tapos naglakad na sya palayo.

Arghhh! Kayamot talaga yun! Nagtatakbo na ako papunta sa 2nd floor ng building namin at sakto pagpasok ko dun palang dumating yung teacher namin.

ARAL

ARAL

KRIIIIIIIIIIIIIIIING! DISMISSAL!

"Una na ako ah...Sindy at Ella. Bukas nalang ako magkkwento." Syempre nagpapakwento sila pero wala ako sa mood.

"Ohkay bbye!" Sabi nila. 

---

May next Chap na agad dito. Wait lang po kayo. Magttype lang ako. HAHA. :) Thanks for reading ! 

Arranged Since Birth (On Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon