Chapter 13 : Okay

1.5K 84 21
                                    

Krystella a.k.a Dona / Kyungsoo's POV

Narito pa rin kami sa school garden. Hindi talaga ako makapaniwala sa isiniwalat niya. Hindi ko maipaliwanag kung ano itong nararamdaman ko ngayon, masaya pero at the same time natatakot. Posible nga bang magkagusto ang lalaki sa kapwa niya lalaki? Hindi ba't marami sa mga lalaki ang ayaw sa mga kauri nila, lalo na sa mga katulad naming mga bakla? Pero paano kung pinagtitripan niya lang pala ako? Na hindi niya talaga ako gusto? Paano kung plano niya lang pala ito para maipaalam sa lahat na hindi kami tunay na babae?

Nakayuko lang ako. Hindi ako makatingin sa kanya.

"Dyo, look at me." Utos niya ngunit 'di ko sinunod.

"Look at me, please." Hinawakan niya ang baba ko at dahan-dahang iniangat paharap sa kanya.

"'Wag mong isiping hindi totoo ang lahat ng sinabi ko. Totoong mahal kita, Do Kyungsoo. Matagal na." Sincere siya sa sinabi niya.

"Anong ibig mong sabihing matagal? Kilala mo na ba ako noon pa?"

Tumango siya.

"Nakilala na kita since elementary. Noong hindi pa kayo nagpapanggap." Titig siya sa mga mata ko habang sinasabi ito.

"Paano mo ba ako nagustuhan? Pareho tayong lalake."

 

"Hindi ko nga rin alam kung paano. Basta ang alam ko, nagustuhan kita noong araw ng graduation noong grade 6 sa elementary. Hindi ko alam kung natatandaan mo pa ito. Noong araw na nagustuhan kita ay 'yung araw kung kailan bigla mo akong niyakap mula sa likuran. Umiiyak ka pa noon at hinahanap mo ang iyong ama."

Nanlalaki ang mga mata kong nakatingin sa kanya. Hindi ko iyon matandaan. Ang natatandaan ko lang doon ay iniwan ako ng aking ama habang ginaganap ang graduation. Iniwan ako ng aking ama dahil sa ganito ako. Siya na lang ang meron ako pero iniwan naman ako. Naulila na ako. Pero may umampon rin sa akin. Ang ina ni Luhan. Katulad ko siya, pero siya ay tanggap ng kanyang ina. Matagal nang pumanaw ang kanyang ama. Noong 1st year high school na ako at 2nd year naman si Luhan ay doon na namin nakilala si Baekhyun. Nerd siya dati. Palagi siyang binubully. Kahit kami ni Luhan ay binubully na rin simula nung kinaibigan namin siya. Pero nang lumipas ang apat na taon at hindi nakayanan nina Luhan at Baekhyun ang pambubully sa amin ay nag-isip sila ng plano. At ang planong 'yun ay ang magpanggap bilang mga babae.

"Come on. Let's go back to the party." aya niya at hinila na ako.

***

Beilla / Baekhyun's POV

 

 

"Can I have a dance with you?"

What the?! Inaaya niya akong magsayaw?! WTF?!

Super Gurls (EXO OTPs fanfic) " BaekYeol, HunHan, KaiSoo "Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon