Krystella a.k.a Dona / Kyungsoo’s POV
“What??!! Maid?!”
Tumango lang ako habang nakatungo. Sinabi ko na kasi kina Beilla ‘yung favor ni Kai.
“Pumayag ka naman?! My Gosh! Do Kyungsoo!” Napatingala si Beilla at sinapo ang noo.
“I have no choice, hyung. Kung hindi ako papayag na maging maid nila, ipagkakalat niya ang sekreto natin. ‘Di ba ayaw mong malaman ng lahat ‘yon?” sabi ko nang mag-angat ako ng tingin sa kanya.
Umiling-iling siya at tumingin sa ‘kin. “Hindi naman ata makatarungan ‘yon. Mananahimik nga siya pero gagawin ka naman niyang katulong!”
Bumuntong-hininga si Loraine na kanina pa tahimik at pinapanood lang kami ni Beilla.
“Beilla, hayaan nalang natin si Dona. Tama siya. Kung hindi siya papayag sa pabor ni Kai, baka bukas alam na ng lahat ang sekreto natin. Hindi naman mahirap ang gawaing bahay kaya no worries.”
“Okay, fine. Pero siguraduhin lang ng Kai na ‘yan na hindi makakalat ang sekreto natin. Kundi baka kung ano pa ang magawa ko sa kanya! Dona, uuwi ka dito kapag natapos mo na ang mga trabaho doon sa bulok niyang bahay!”
Tumango-tango ako.
Aakyat na sana siya papuntang kwarto niya pero huminto siya at humarap ulit sa’kin.
“I forgot to ask, kelan ang trabaho mo sa bahay nila?”
“Every weekend daw.”
Hindi na siya nagsalita at bumalik na sa kwarto niya.
“Baekhyun’s really over protective. Ramdam ko na mahal niya talaga tayo, lalo ka na. That’s why hindi ako naiinis sa kanya sa tuwing papagalitan or aawayin niya tayo.”
Napalingon ako kay Luhan na nakaupo pa rin sa sofa habang nakangiti.
I agree.
“Kyungie, mag-iingat ka kay Jongin. Okay?”
Napataas ang kilay ko sa sinabi niya. Tumango nalang ako.
***
Beilla / Baekhyun’s POV
Hindi ko gusto ‘yang Kai na ‘yan. Wala akong tiwala sa kanya. Bakit kaya iyon ang naisip niyang hinging pabor kay Dona? Pwede naman silang kumuha ng iba para gawing maid ah? Ayoko lang maghirap si Dona. Eh kung ako nalang pumalit? Nah! Never! Eh sino?
BINABASA MO ANG
Super Gurls (EXO OTPs fanfic) " BaekYeol, HunHan, KaiSoo "
Fanfiction| ON HOLD | Hanggang kailan mananatili ang kanilang pinakatatagong sekreto? Hanggang kailan sila magtatago sa kanilang bagong katauhan? This is a BaekYeol, HunHan, and KaiSoo fanfic, the 3 One True Pairs of EXO. Sana magustuhan niyo! :3