Chapter 09 : Assume

2.1K 98 49
                                    


(Dedicated sa kay @IamMinJi dahil natawa ako sa mga comments niya. Haha! Keep on posting comments at baka kayo na ang mapili ko sa dedication. Haha!)

Beilla / Baekhyun's POV

*Poke*

*Poke*

Ano ba yun? Bakit parang may sumusundot sa pisngi ko?

*Poke*

*Poke*

Hinawi ko iyon kung ano man yung sumusundot na yun. Inaantok pa ako eh!

*Poke*

Sa inis ko, dumilat na ako. "Ano ba?! Natutulog yung... ta...o..." Okay... this is awkward.

Nakatulog pala ako at... nakahiga ako sa braso ni Chanyeol! Napatayo ako agad at tinignan siyang nanlalaki ang mga mata. Naka-derp ulit siya.

"Ang cute mo palang matulog Ms. Byun." sabi niya nang naka-derp.

Teka, anong oras na ba?

"A-anong oras na?" tanong ko nang gan'on pa rin ang itsura.

"Akala ko pa naman magcocomment ka sa sinabi ko. Magtatanong lang pala ng oras."

Kumunot ang noo ko. Nang-aasar ba 'to?

"Hoy! Tinatanong kita ng maayos."

Ngumiti lang siya at tinignan ang oras sa kanyang relo.

"It's already 8pm. Kumain ka na ba? Kasi ako hindi pa. Kumakalam na nga 'yong sikmura ko."

 

"Hindi ko tinatanong kung nagugutom ka." humalukipkip ako. "'Yung oras lang ang tinanong ko." inirapan ko na.

"Ang sungit mo nanaman. Kanina parang gulat ka lang eh."

 

"Sinira mo ang mood ko eh!" Naaasar nanaman ako sa higanteng 'to! Hmp!

"Hindi ka pa ba uuwi?"

 

"Gustung-gusto ko na sanang umuwi, pero ayaw akong pauwiin ni Loraine dahil gusto niyang bantayan kita."

Nag-derp siya. "Talaga? Yehey! Makakasama pala kita sa pagtulog?"

Kahiganteng tao parang bata. Pssh!

I rolled my eyes at pumihit para lumabas ng clinic.

"Ms. Byun, saan ka pupunta?"

 

"Bibili ng pagkain." wala sa mood kong sabi.

Super Gurls (EXO OTPs fanfic) " BaekYeol, HunHan, KaiSoo "Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon