Chapter 15 : Nice

1K 81 31
                                    

Beilla / Baekhyun's POV

Natapos na rin sa wakas ang acquaintance party na 'yan! Ang nanalo sa royal couples ay kami ni Chanyeol.

Chanyeol! Grrr! He stole my first kiss!

Nandito na kami sa apartment, nakapagbihis na kami. 'Yung dalawa tulog na. Ako naman 'di makatulog sa kakaisip sa mga nangyari kanina. Geez! Ano ba 'to? Bakit ba iniisip ko pa 'yun?

Humiga na ako para matulog. Pero pag higa ko, tumunog yung cellphone ko na nasa ibabaw ng bedside table. Kinuha ko ito at binasa ang message.

From: Unknown number

'You made me angry at the same time happy. Goodnight! 143!'

Huh? At sino naman 'to?

Ni-replyan ko.

Ako:

'Who's this?'

Mabilis siyang nakapag-reply.

From: Unknown number

'I love ur lips! :D'

What the?

Teka, Chanyeol!?

Ako:

'Chanyeol?'

From: Unknown number

'Haha! Yes po, Ms. Byun! 143!'

Hindi ko namamalayan na ngumingiti na ako habang nakakatanggap ng text niya. Ano bang nangyayari sa akin?

Ako:

'143 ka ng 143 eh alam ko ang ibig sabihin niyan! Diretsahin mo nalang kaya?'

Umexit na ako sa inbox at nagpunta sa phonebook. Ni-save ko na 'yung number niya.

Nakapag-reply agad siya.

Giant Chanyeol:

'Weh? Di nga? Ano ang meaning n'un?'

Ako:

'I love you'

Giant Chanyeol:

'Talaga? Mahal mo na ako? :D'

Ako:

'Boplaks! Hindi noh! Tinatanong mo diba? Eh di sinagot ko! hmp!'

Giant Chanyeol:

'Hehe! Hindi naman un ang ibig kong sabihin sa 143 eh. I like you 'yun. :)'

Ako:

'Ah... Okay. Tulog na ako. Bye! Wag ka nang magreply!'

Hindi na nga siya nag-reply.

Ewan ko kung bakit na-dissappoint ako sa reply niya.

***

Kinaumagahan, wala kaming pasok. Syempre, Sabado ngayon eh.

Pababa na ako patungong kusina. Nadatnan ko doon si Kyungsoo na nagluluto ng breakfast habang pakanta-kanta.

Nilingon niya ako at nginitian.

Good mood ah?

"Gising na ba si Luhan-hyung?"

Super Gurls (EXO OTPs fanfic) " BaekYeol, HunHan, KaiSoo "Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon