Lorraine / Luhan's POV
Nakapangalumbaba lang ako at walang gana kong nilalaro 'yong spaghetti. Nakakainis naman kasi itong dwendeng 'to. May pa date-date pang nalalaman! Asar lang!
"Bakit hindi mo kainin 'yang spaghetti? Sayang naman 'yan kung hindi mo kakainin 'yan, mahal pa naman 'yan."
Tinaas ko ang tingin ko sa kanya at matalim ang tingin ko. Bakit kasi dito sa fancy restaurant pa niya ako dinala. Alam kong pinagmamalaki lang niya 'yong pera niya. Akala naman niya masisilaw ako sa kayamanan niya? Hah! Never! Porke't mayaman lang siya. Hmmp!
"Hindi ako kumakain ng mga pagkaing bili ng isang dwende."
"Kung makapagdwende ka naman. Sa gwapo kong 'to?" aniya sabay kindat.
"Tusukin ko ng tinidor yang mata mo eh!"
"Ang brutal mo naman. Maawa ka naman sa maganda kong mga mata. Alam mo bang wala nang iba pang ganito klaseng mata?"
Inirapan ko siya. Pake ko ba sa mata niya? Mas maganda pa kaya ang mata ko noh?
"Hindi ko alam na may taglay palang kahanginan ang tinatago ng isang aliping dwende."
"Mayamang dwende."
"Whatever!"
"Kainin mo na 'yan."
"Ayoko nga sabi! Baka may kung anong gayuma ka pang nilagay diyan."
"Hindi ko na kailangan pang lagyan ng gayuma 'yan dahil alam kong maiinlove ka sa 'kin."
Asa siya. Hinding-hindi ako papatol sa isang dwendeng katulad niya! Si Sehun lang ang papatulan ko. Hmmp!
"Kainin mo na yan, kung hindi ibabagsak talaga kita. Kayang-kaya kong gawin yun."
Ay? Kailangang i-blackmail pa ako? Kaasar talagang dwende yan! Ang sarap ibaon sa kailaliman ng bulkang mayon!
Sinamaan ko siya ng tingin bago kinain yung spaghetti.
May araw ka rin sa 'kin, makikita mo.
***
Pagkatapos naming kumain, bumalik na kami sa school. Pagpasok pa lang namin ng gate ay inunahan ko na siyang maglakad. Ayoko nga siyang makasabay. Sa liit niyang yun? Duh! We're so bagay. Nakaksukang tignan kung magkatabi kami. Mas kikiligin ang sambayan kung kami ni Sehun ang makikita nilang magkasabay sa paglalakad.
Pero bago pa man ako makalayo sa kanya, hinatak niya ang braso ko at dinala ako doon sa gitna ng quadrangle, sa may fountain.
"May I get your attention please?"
Lahat ng mga tao dito ay pinagtinginan kami. Lumapit na din silang lahat para marinig ang sasabihin niya.
Ano naman kaya ang sasabihin nito?
Bumaling ako sa kanya habang nakakunot ang noo ko. "Hoy! Anong kalokohan ba ang gagawin mo?"
Pero hindi niya ako pinansin. Nakatingin lang siya sa mga estudyanteng lumalapit sa amin. Tae naman 'tong dwendeng ito oh! Paano kung makita ako nila Baekhyun dito? Ano naman ang sasabihan ko sa kanila?
Bumaling nalang ako sa mga tao.
"I just want to announce that this girl beside me..."
Kung alam mo lang na hindi ako babae. Lol.
"...is now my girlfriend."
At naghiyawan ang lahat ng tao. Nanlalaki ang mga mata kong lumingon sa kanya habang nakanganga.
BINABASA MO ANG
Super Gurls (EXO OTPs fanfic) " BaekYeol, HunHan, KaiSoo "
Fanfiction| ON HOLD | Hanggang kailan mananatili ang kanilang pinakatatagong sekreto? Hanggang kailan sila magtatago sa kanilang bagong katauhan? This is a BaekYeol, HunHan, and KaiSoo fanfic, the 3 One True Pairs of EXO. Sana magustuhan niyo! :3