P R O L O G U E
Sila ang tatlong babaeng magbestfriends simula elementary. Parang magkakapatid ang kanilang turingan. Nagtutulungan sila sa problema ng isa’t-isa. At may kaisa-isa silang sekretong pinaka iingatan, ang kanilang tunay na katauhan.
Ipapakilala ko ngayon sa inyo si Krystella Do a.k.a Dona. Ang babaeng magaling magluto, mahinhin, at sweet lalo na sa kanyang mga kaibigan. Siya ang pinaka iniingatan ng dalawa niyang bestfriend dahil sa siya ang bunso sa kanila. Ayaw nilang mapalapit siya sa mga boys lalo na kay Kai.
Si Loraine Han naman ang pinakamatanda. Sweet and caring din siya sa mga kaibigan niya. Mabait siya pero kapag ginalit niyo siya, humanda na kayong tumakbo. Sobrang hilig niya sa Hello Kitty. Punung-puno ng mga Hello Kitty stuff toys sa kwarto niya. Pati keychain,cellphone, wallpaper ng cp, punda ng unan,kumot, ballpen, t-shirt, slipper, notebook, headband, at kung anu-ano pa ay puro Hello Kitty. Mahilig di siya sa kulay pink. Kapag papasok ka sa kwarto niya, puro pink ang makikita mo. Haha! May crush siyang isang lalaki pero hirap siyang kausapin ito dahil minsan lang ito magsalita, napakatahimik nito at isnabero.
And the last but not least, si Beilla Byun. (Beilla pronounced as ‘Beyla’)
Siya ay napaka overprotective sa dalawa niyang bestfriend lalo na kay Krystella. Mataray at napaka warfreak niya. Mahilig siyang maglagay ng eyeliner kahit sa school. Minsan ng sinasaway na siya ni Loraine na tigilan na ang paglalagay ng eyeliner pero ayaw pa rin paawat. Sabi nga niya na ‘I can’t live without wearing eyeliner’. May makikilala siyang lalaking sobrang weird, mahilig mag-derp, at parang budoy. Magagawa niya kaya itong mahalin?
Simulan na natin ang istorya ng kanilang buhay. Ang buhay ng Super Gurls!

BINABASA MO ANG
Super Gurls (EXO OTPs fanfic) " BaekYeol, HunHan, KaiSoo "
Fiksi Penggemar| ON HOLD | Hanggang kailan mananatili ang kanilang pinakatatagong sekreto? Hanggang kailan sila magtatago sa kanilang bagong katauhan? This is a BaekYeol, HunHan, and KaiSoo fanfic, the 3 One True Pairs of EXO. Sana magustuhan niyo! :3