Chapter 06 : Weird

2K 96 6
                                    

Beilla / Baekhyun's POV

*BLAG! BLAG! DUG! BLAG!*

Argh! Bwisit! Ang hirap buksan nitong bwisit na sirang pintong ito! Kung bakit ba kasi hindi ko ito pinapaayos. Kapag nakalabas na kami dito, ipapaayos ko na talaga ito.

"Miss Byun, baka masira mo 'yang pinto sa kakakalampag mo." sabi nung elepanteng derp na nakaupo ngayon sa kama ko.

Humarap ako sa kanya at sinamaan siya ng tingin.

"Anong gusto mo? Hindi ito masira para hindi na tayo makalabas dito gan'on?!" Muli kong hinarap ang pinto at kinalampag ito.

"Hmm. Sort of."

Napahinto ako sa pagkalampag ng pinto nang may marinig akong parang may pumasok sa bahay.

"Baekkie! I'm home~!"

Si Luhan 'yon! Thank God, dumating na siya. Makakalabas na kami dito sa wakas! Ayokong ma-stuck dito kasama 'yung derp na 'yun noh!

Kakalampagin ko na sana ang pinto para marinig ako ni Luhan pero may naramdaman akong yumakap sakin mula sa likuran. Yakap-yakap ako ni Chanyeol. Nararamdaman ko na naman ang kakaibang feeling. There's something in my stomach that I can't explain. Parang naging blanko ang pag-iisip ko.

"Ang ganda ganda mo talaga Miss Byun. Hindi ko alam kung bakit kita niyayakap ngayon. Hindi ko alam kung ano itong nararamdaman ko tuwing malapit tayo sa isa't-isa." pabulong niyang sinabi.

Lalong kumalabog ang dibdib ko. Magsasalita na sana ako nang magbukas ang pinto. Tumambad sa harap namin si Luhan na nanlalaki ang mga mata.

Agad humiwalay si Chanyeol sa pagkakayakap at napakamot sa batok.

"Awkward?" ani Luhan.

"Uh, alis na ako. Uuwi na ako. Bye!" naiilang na sabi ni Chanyeol at lumabas na.

Sinundan namin siya ng tingin hanggang sa makalabas na siya ng bahay.

Hinarap ako ni Luhan at hinila ako patungo sa living room. Pinaupo niya ako sofa, siya naman ay nakatayo lang sa harap ko habang humahalukipkip at diretso ang tingin sa mga mata ko.

"Explain." medyo mataray niyang sabi.

"Explain what?" pa-inosente kong tanong.

"That scene with Chanyeol."

 

"What scene?"

 

"Duh! 'Yung magkayakap po kayo ni Chanyeol, teh. Ano pa ba?" he rolled his eyes.

"Malay ko dun sa derp na 'yun! Bigla-bigla nalang akong niyayakap."

Tumayo na ako at akmang lalabas.

Super Gurls (EXO OTPs fanfic) " BaekYeol, HunHan, KaiSoo "Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon