Beilla / Baekhyun's POV
"Luhan!!!" galit na sigaw ko mula sa aking kwarto paglabas ko ng banyo.
Nanggigigil na ako sa inis! Eh paano ba naman, nabago 'yong ball gown ko! Nawala 'yung sleeves at naging tube nalang! Sigurado akong siya ang may gawa nito, eh siya lang naman ang nagtago ng mga gown.
Tumatawang pumasok si Luhan kaya agad ko siyang hinabol. Nakatakbo naman siya at hindi na nahabol dahil pumasok agad siya sa kwarto niya at ni-lock ito.
"Luhan! Subukan mong lumabas diyan, lagot ka talaga sa'kin! Grrr!"
"Okay lang 'yan. Isang beses mo lang naman isusuot 'yung ball gown eh, kaya pagbigyan mo nalang ako. Minsan na nga lang nasusunod ang gusto ko dahil puro gusto mo nalang ang nasusunod." Medyo natatawa pa siya sa una niyang sinabi, pero sumeryoso na sa huli.
Napa buntong-hininga nalang ako. "Fine! Pero next time 'wag mo na akong pagtitripan."
Bumalik na ako sa kwarto ko para magbihis na. Naiinis pa rin ako. Ayaw ko ng ganitong klaseng gown! Masyadong revealing. Kung hindi ko lang talaga siya bestfriend, masasabunutan ko na talaga siya.
Magsisimula nga pala ang acquaintance party ng 8pm. Ngayon ay 7:30pm na. May kalahating oras pa kami para makapaghanda. Suot ko na ngayon 'yong ball gown, pero nagsuot ako ng blazer. Nasa kwarto ako ngayon, naglalagay ng eyeliner. Ayokong tapalan pa ng kung anu-ano ang mukha ko. Okay na ako sa eyeliner. Maganda na ako noh.
Pagkatapos kong mag-eyeliner, may kumatok sa pinto.
"Baek, nakabihis ka na ba?" si Kyungsoo mula sa labas.
Nilingon ko 'yung pintong nakasarado. "Oo." Tumayo na ako at lumabas ng kwarto.
Paglabas ko ay nakatayo sa harap ko si Kyungsoo, at si Luhan naman ay kalalabas lang ng kwarto niya. Nakz, ang ganda ng bruha. Ang suot niya ay tube gown din na napakaraming designs sa harap, kulay pink ito. May suot din siya gloves na lagpas siko ang haba, silk na tela ito at kulay pink din. Curly ang buhok niyang nakalugay.
Ngumisi siya at umikot, tsaka kumindat nang makaharap na sa'min.
"Am I look gorgeous?" proud na proud niyang tanong.
I rolled my eyes at umiling.
Kay Kyungsoo naman ako bumaling. Tinignan ko siya mula ulo hanggang paa.
"Buti pa 'tong si Kyungsoo, ang simple lang tignan. Maliit lang ang earrings niya 'di gaya sa'yo. Mukha na siyang dyosa." pagpaparinig ko kay Luhan.
Pareho lang naman silang maganda pero mas prefer ko lang talaga si Kyungsoo. Ang cute-cute kasi ng mga mata niya na parang kwago. Napakainosente. Nakatali 'yung buhok niya at kulot sa dulo kaya ang cute tignan. Naka-bangs siya (parang sa bangs ni Seohyun sa 'I Got A Boy').
"Ah basta, ako ang pinaka-gorgeous sa atin." nakahalukipkip niyang sinabi.
"Bakit hindi ka nag make-up? Ikaw lang ang hindi naka make-up sa 'tin. Halika nga." Hinila niya ako pabalik sa kwarto ko.

BINABASA MO ANG
Super Gurls (EXO OTPs fanfic) " BaekYeol, HunHan, KaiSoo "
Fanfic| ON HOLD | Hanggang kailan mananatili ang kanilang pinakatatagong sekreto? Hanggang kailan sila magtatago sa kanilang bagong katauhan? This is a BaekYeol, HunHan, and KaiSoo fanfic, the 3 One True Pairs of EXO. Sana magustuhan niyo! :3