Chapter 10 : Fall

1.5K 91 33
                                    

Krystella a.k.a Dona / Kyungsoo's POV

"Kai, saan ba tayo pupunta?" tanong ko.

Hila-hila niya pa rin ako. At wala akong ideya kung saan kami pupunta.

"Basta." tipid niyang sagot.

May basta na bang lugar? Psh!

"Sabihin mo na kaya kung saan tayo pupunta. Sumasakit na 'yung kamay ko sa kakahila mo eh."

Naramdaman kong lumuwag ang pagkakahawak niya sa kamay pero hila-hila niya pa rin ako. Saan ba talaga kami pupunta? Kanina pa kami palakad-lakad dito.

Maya-maya lang, pumasok kami sa building at umakyat ng hagdan. Patungo ito sa rooftop. Binuksan niya ang pinto ng rooftop nang makarating kami doon.

"Anong gagawin natin dito?" tanong ko habang palinga-linga sa paligid.

Napaatras ako ng konti dahil bigla niyang inilapit ang mukha niya sa tenga ko.

"Ikaw, baka may gusto kang gawin?" bulong niya.

Kinilabutan naman ako nang maramdaman ko ang hangin na tumama sa tenga ko nang bumulong siya.

"A-anong ibig mong sabihin?"

Nag-smirk siya. "I said, baka gusto mong may gawin tayo dito?"

"H-ha?" hindi ko siya maintindihan.

"Wala! Slow ka talaga." bulong niya pero narinig ko.

"Ano?" at bakit naman niya akong tatawaging slow?

"Ang sabi ko, maghahalikan tayo dito. Slow na nga bingi pa."

Ano?! Maghahalikan?!

Parang bumilis naman ang pagtibok ng puso ko. Ano na naman ba 'tong nararamdaman ko?

"A-ano?"

Napakamot ng ulo si Kai.

"Puro ka, Ha? Ano? Anuhin kita diyan eh." pabulong na 'yong huli.

"Ano?"

 

"Ang kulit-kulit mo! Totohanin ko na eh!" medyo pikon na siya.

Paano ba naman kasi ako hindi magsasabi ng 'ano' eh 'di ko nga maintindihan ang ibig niyang sabihin. Ang gulo ng negrong 'to.

Super Gurls (EXO OTPs fanfic) " BaekYeol, HunHan, KaiSoo "Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon