(Dedicated nga pala kay @ByuntaengBaekla, dahil nagustuhan ko ang story niyang ChanBaek/Baekyeol fanfic na Obsession: Too much love can kill. Kinikilig ako sa story niyang 'yon kahit na nakakakilabot na si Yeol! Haha!)*nasa external link nga po pala 'yong story niya*
Loraine / Luhan’s POV
Inaabangan namin si Sehun dito sa labas ng gate. Tatanungin namin siya kung may alam ba siya tungkol kay Kai.
"Ang tagal namang lumabas ng taong 'yun!" Naiinip na naiirita na si Beilla.
Eh panu ba naman kasi, nandito si Chanyeol. Kanina pa siya nito kinukulit kung sino daw ba ang crush niya. Hindi nga ako makapaniwalang may nagkagusto pa sa kanya sa kabila ng sobrang kasungitan niya. Sabagay, hindi pa naman masyadong kilala ni Chanyeol si Beilla. Maganda nga naman talaga si Beilla/Baekhyun lalo na kapag nagwiwig, mukha talaga siyang babae. Well, syempre mukha din akong babae at mas maganda ako sa kanya! Bwahahaha! Uy! Sekreto lang natin 'to ah? 'Wag niyong sabihin kay Baekla na sinabi kong mas maganda ako sa kanya!
"Ms. Byun, sino ba kasi ang hinihintay niyo?"
"None of your biz! Pwede ba, umalis ka na nga! Baka 'di matuloy ang plano namin dahil sa 'yo!" naiiritang sabi ni Beilla habang nakahalukipkip.
"Ano ba ang plano niyo?" inosente niyang tanong.
Sobrang inis na ni Beilla, sigurado ako. Halos mamula na nga ang mukha niya sa inis eh. Haha! Makausap na nga itong si Chanyeol baka kung ano pa ang magawa ni Beilla sa kanya.
"Uhm, Chanyeol. Umalis ka na muna, mukhang inis na inis na siya eh. Bukas mo na siya kulitin, may importante pa kasi kaming gagawin." sabi ko.
Tumango lang siya sumulyap kay Beilla.
"Bye Ms. Byun." paalam niya bago umalis.
Tumawa ako kaya napatingin sa 'kin si Beilla at tinaasan ng kilay.
"Anong tinatawa-tawa mo diyan?"
"Nothing." natatawa kong sagot.
"Parating na siya!" sabi ni Dona habang nakatingin sa papalapit na si Sehun.
Bakit kaya ngayon lang siya lumabas? Mahigit isang oras na kaya kaming naghihintay dito. Wala nang masyadong tao.
Palabas na siya ng gate nang harangan namin siya.
Kumunot ang kanyang noo nang makita kami.
Ghad! Ang gwapo niya talaga! Lalo akong nababakla eh!
Okay Lulu, stop that thought. We have an important business to do.
"Anong kailangan niyo?" tanong niya nang nakakunot pa rin ang noo.

BINABASA MO ANG
Super Gurls (EXO OTPs fanfic) " BaekYeol, HunHan, KaiSoo "
Fiksi Penggemar| ON HOLD | Hanggang kailan mananatili ang kanilang pinakatatagong sekreto? Hanggang kailan sila magtatago sa kanilang bagong katauhan? This is a BaekYeol, HunHan, and KaiSoo fanfic, the 3 One True Pairs of EXO. Sana magustuhan niyo! :3