Chapter 05 : Seduce

1.9K 96 21
                                    

Beilla / Baekhyun's POV

Mag-isa lang ako ngayon dito sa apartment. Si Kyungsoo nasa bahay nila Kai, nagtatrabaho. Si Luhan naman, ewan ko kung saang lupalop nagpupupunta 'yun. Hindi man lang nagpapaalam.

Ang boring ng life 'pag wala sila, tapos ang init pa ng panahon!

Binuksan ko 'yung electricfan. Oo, electricfan lang gamit namin. Walang aircon. Ayon sa landlady nitong apartment, mataas daw sa kuryente.

Hihiga na sana ako sa sofa nang biglang nag-off 'yung electricfan.

Fudge! Nawalan pa ng kuryente! Ang init pa naman! Katamad pa magpaypay.

Dahil nga sa naiinitan na ako, tinanggal ko 'yung wig ko at pinaypayan ang sarili.

*Tok! tok! tok!*

Nagulat ako nang may kumatok kaya dali-dali kong isinuot 'yung wig. Agad akong lumapit sa may pinto. Inaayos ko muna ang sarili ko bago ito buksan.

Nang buksan ko ang pinto, bumulaga sa harap ko ang isang matangkad na lalaki at nakangisi ito ng napakalapad.

Anong ginagawa ng Derp na 'to dito?!

"Hi, Ms. Byun!" masayang sabi niya at bigla akong niyakap.

Heto na naman 'tong pakiramdam na 'to. Bigla-bigla nalang bumibilis ang pagtibok. Ano na bang nangyayari dito? May sakit na ba ako sa puso?

Agad ko siyang tinulak palayo at sinaraduhan.

"ARAY! Ms. Byun! 'Yung kamay ko! Naipit!" medyo mangiyak na sigaw ni Derp.

Binuksan ko ulit ang pinto at sinamaan siya ng tingin.

Hawak niya ang kamay niyang nasaktan habang iniihipan ito.

"Ano ba kasi ang ginagawa mo dito?! At paano mo nalaman na dito kami nakatira?"

 

Tinignan niya ako at saka ngumiti ng napakalapad nanaman.

Derp face talaga.

"Sa kaibigan niyo. Kay Ms. Dona. Tinanong ko kasi siya kung saan kayo nakatira."

 

"Dona? Teka, nagkita kayo?"

Tumango siya. "Nagtatrabaho kasi siya sa bahay namin."

Wait. Nagtatrabaho siya sa bahay nila? Akala ko ba kila Kai siya?

"Sa inyo? Paanong sa inyo, eh kila Kai siya nagtatrabaho?"

 

"Sa bahay nga namin. Magkapatid kami eh."

 

"Magkapatid kayo? Hindi halata ah."

 

Super Gurls (EXO OTPs fanfic) " BaekYeol, HunHan, KaiSoo "Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon