Chapter 01 : Their Secret

3.1K 120 20
                                    

Beilla's POV

Retouch... retouch... retouch.

Ayan! Perfect! Lalo akong gumanda!

Nasa harap ako ng salamin sa CR ng school habang nagre-retouch.

"Hoy, teh! Kanina ka pa lagay ng lagay ng eyeliner. Mamaya magmukha ka nang witch diyan." Lumabas mula sa huling cubicle si Loraine.

Lagi nalang akong sinusuway ni Loraine sa tuwing maglalagay ako ng eyeliner.

Ano bang masama sa paglalagay ng eyeliner?

"Hayaan mo na nga lang ako. I can't live without my eyeliner, alam mo 'yan."

"Yeah, whatever. Dalian mo na diyan, hinihintay na tayo ni Krystella sa cafeteria. Baka nilalapitan na siya ng mga boys." aniya habang sinusuklay ang buhok sa harap ng salamin.

Pagkatapos kong mag-eyeliner, isinilid ko na ito sa make up kit at nilagay sa handbag.

Hinila ko na si Loraine palabas ng CR kahit 'di pa tapos magsuklay.

"Ano ba, sis?! Bakit naman basta-basta ka nalang nanghihila? Hindi pa ako tapos 'no!"

 

"Whatevs. Dalian nalang natin. Ayokong may umaligid nanamang boys sa bunso natin." sabi ko habang hila-hila ko pa rin siya patungong cafeteria.

Nang makarating na kami sa cafeteria, hinanap namin si Krystella. At tama nga kami, marami nanamang umaaligid sa kanya. Mukhang naiilang na siya.

Naglakad kami palapit sa table niya at tsaka nagpamewang.

"Ehem-ehem!"

Nilingon nila ako. Tinaasan ko sila ng kilay.

"Table namin 'yan. Kaya pwede ba? Shupi!"

"Sungit naman nito. Pinopormahan lang naman na--"

Naputol ang sasabihin niya dahil nagsalita kaagad ako.

"Shatap! Bawal niyo siyang pormahan. Kailangang pumasa muna kayo sa taste namin."

"Bad trip naman oh. Tara na mga bro, baka awayin pa tayo ni miss Eyeliner." sabi ng isa.

Agad naman silang nagsialisan palabas ng cafeteria.

Umupo na kami sa table namin kung saan nakaupo si Krystella.

Super Gurls (EXO OTPs fanfic) " BaekYeol, HunHan, KaiSoo "Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon