Chapter 16 : Doubt

1.3K 89 52
                                    

Beilla / Baekhyun's POV



Papalit-palit ang tingin ko kay Luhan at Kyungsoo. Anyare sa dalawang 'to?

Si Luhan kasi, parang badtrip na ewan at kain lang ng kain. Tapos itong si Kyungsoo parang ang tamlay at pakonti-konti lang ang kinakain.

Tatanungin ko na sana sila nang may marinig akong tumawag sa akin mula sa may pinto ng cafeteria.


"Ms. Byun!"


Sino pa ba? -_-


Tumabi siya sa akin at hinarap ako. Hindi ko siya tinignan. I feel weird kasi ang lapit niya!

Hindi ko siya pinansin. Kumakain lang ako.


"Ms. Byun, naaalala mo pa 'yung kiss natin noong gabi ng acquaintance party."


Napaubo ako ng sinabi niya iyon. Napatingin pa pareho sina Luhan at Kyungsoo sa amin habang nanlalaki ang mga mata sa hindi nila inaasahang marinig.

Binigay sa akin ni Chanyeol 'yung tubig ko at binigay ito sa akin. Mabilis ko itong kinuha at agad na ininom.

Langya ka talaga Chanyeol!


"Okay ka lang ba ms. Byun?"


Nang maging okay na ako ay agad ko siyang siniko sa tiyan. Bakit kasi kailangan niya pang ipaaalala? Narinig tuloy ng dalawa! Asar talaga 'to!


"Aray naman Ms. Byun. Masakit 'yun!" aniya habang hawak ang tiyan niya.


"Yang bunganga mo kasi." pabulong kong sabi ngunit madiin.


Bumaling ako sa dalawa. Gulat pa rin ang mga mukha nila.


"N-nag... kiss kayo?" Kyungsoo.


"Tapos... may nangyari na sa inyo?" Luhan.


Binatukan ko siya.

"Gagi! Wala noh!" Ang dumi ng pag-iisip ng baklang usang 'to.


"'Wag kayong maniwala sa higanteng 'to. 'Di totoo ang sinasabi niya!" deny ko.


"Deny pa 'to eh. Totoo kaya!" sabi niya ng nakaharap sa akin.


Pinanlakihan ko siya ng mata. Naku! Itong na Chanyeol na 'to! Sarap sasaksakan ng kutsara sa bunganga! Ang daldal masyado! Nakaka-GRRR! Bakit ba kailangan niya pang ipaalala 'yon eh pwede namang sa amin nalang 'yon.


"Bakit ba kailangan mo pang ipagsabi?! Pinapahiya mo ako eh!" mahina ngunit mariin kong sinabi.


"Masama bang i-share 'yong first kiss natin?"

 

Super Gurls (EXO OTPs fanfic) " BaekYeol, HunHan, KaiSoo "Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon