CHAPTER 8

400 17 1
                                    

[THIRD PERSON'S POV]

"Good morning class, before we start, since may bakante naman kayong oras ngayon, napagpasyahan kong igroup kayo sa 6, tsaka tayo pupunta sa kitchen room para magluto kayo, kung sino ang may masarap na luto, ang gradan ko sa health subject nyo, kaya mag-isip na kayo ng iluluto nyo, bibigyan ko lang kayo ng 20 minutes para mag-isip." Nagsimula namang tawagin ng prof. kung sino-sino ang magkakagrupo.

"Ms. Criza, Ms. Kaori, Ms. Belle, Mr. Joao, Mr. Rhys, and Mr. Donny, kayo ang magkakagrupo, bibigyan ko lamang kayo ng 20 minutes para magisip ng lulutuin nyo."

"Ayieee, magkakagrupo tayo!" Sigaw na pabulong ni criza sa kanila.

"Tumahimik ka nga!" Sabi naman ni kaori.

"Eto naman, oh ano lulutuin natin pres?"

"Since kakatapos lang nating maglunch, how about we make some snacks?"

"Ano naman yon?" Si rhys.

"Cassava?" Unang sabi ni jaoa.

"No!" Ani naman ni donny.

"Egg pie?" Si criza

"No."

"Pizza?" Si kaori.

"No."

"Ikaw belle ano naisip mo?" Tanung naman ni criza sakanya.

"Mm since gusto natin na madali lang, how about we make pancakes?"

"Oo nga no'? Pag-sang-ayon naman ni criza, pati narin sila kaori, joao, at rhys.

"Ano pres?"

"Last 3 minutes!"

"Sige na sige na!"

"Yes, galing mo tlga belle, nakikinig boyfriend mo sayo!" Si criza.

"Tss." Napasinghal nalang si belle sa sinabi ni criza, si donny nakatingin lang din sakanya.

Hanggang pumunta sila sa may kitchen room, hindi na rin nila lahat yung ingredients.

"Paghahaluin lang ata yung flour, asukal, ano pa yung isa?" Tanung ni criza

"Ewan ko ba dyan." Si joao.

"Milk yon, tsaka haluan nyo ng itlog, tsaka paghalu-haluin nyo." Si belle.

"Akin na yung flour ako na magbubukas."

"Ingat ka rhys baka mabugahan ka nyan." Si kaori habang nakatingin kay rhys.

"Concern yan te'?

"Hindi ah."

"Haluan nyo rin pla ng baking powder." Si belle, nung kukunin na nya yung baking powder hindi nya maabot, kaya may isang kamay na umabot nito at binigay sakanya, si donny yon, nakatingin parin sakanya habang walang ginagawa.

Bigla namang nabugahan ng flour si rhys kaya lahat sila nausukan, nagtawanan lang sila at hindi ito pinroblema.

"Hoy dons baka gusto mong tumulong? Haluin mo yung flour, asukal, Gatas, egg, pati yung baking powder." Ani ni joao sabay about nito sakanya, nagkataon namang magkatabi lang si belle at donny, kaya nagkatinginan sila, kaso si belle na ang unang umiwas ng tingin.

"Oo na."

"Kunin lang namin yung syrup, joao at rhys kunin nyo na yung plato ron pati kutsara, pati yung tray wag nyong kalimutan yung mga prutas." Ani ni criza habang kasunod nya si kaori.

"Yes ma'am." Sabay na sabi nila joao at rhys, nagtawanan nalang si kaori at criza, tsaka umalis, umalis narin sila joao at rhys.

At ngayon naiwan nalang sila belle at donny, hinahalo naman ni donny yung flour na may kasamang asukal, egg, baking soda tsaka milk, kaso hindi maayos ang pagkakahalo nya, napansin naman yon ni belle kaya agad nyang hinawakan yung hawakan ng spatula na hawak hawak ni donny, tsaka dahan dahan itong hinalo ng maayos, nakatingin lang si donny kay belle habang si belle naghahalo ng flour, magkasabay na umiikot ang kamay nila dahil sa may hahalo.

Ng matapos silang maghalo, binitawan na ni belle yung kamay ni donny na hawak parin yung spatula tsaka tumingin sa ibang direksyon, napaka-awkward naman ng sitwasyon nila ngayon kaya naisipan ni donny na, pagaanin ang sitwasyon, kinuha nya yung flour tsaka ito binuhos sa kamay nya tsaka pinalo sa pisnge ni belle, nagulat naman si belle pero napatingin sya kay donny tsaka kumuha din ng flour at pinalo ito sakto sa mukha ni donny, nagtawanan lang sila hindi iniintindi ang lahat.

Just a Game | Donbelle Series 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon