FINAL CHAPTER

396 12 2
                                    

[THIRD PERSON'S POV]

Agad na tumakbo si belle, tinawag ng nga kaibigan nya ang pangalan nya ngunit hindi na ito sumagot tsaka tumakbo palabas ng campus, nagka-apir pa sila joao at rhys bago sundan si belle. Ganon din naman sila criza at kaori.

Pagkalabas ni belle sa campus ay hindi nya malaman ang gagawin nya, tatakbo nalang ba sya papuntang airport? Ang layo naman non.

May humintong sasakyan sa kanyang harap, sakay nito sila joao at rhys, nakangiti pa ito sakanya.

"Ano pang ginagawa mo dyan? Sakay na baka hindi mo na maabutan si donny." Walang pag-aalinlangang sumakay si belle, agad namang pinaandar ni joao ang sasakyan.

Sakto namang nakarating na sila kaori at criza sa labas ng campus. Nagkatinginan nalang sila.

"Di man lang tayo hinintay ng mga loko!"

"Hayaan mo na nagmamadali nga sila and fyi pwede naman tayong sumunod nalang don." Sabi ni kaori at sakto namang may isang lalakeng pasakay palang ng kotse nya.

"Kao alam mo ba yung naiisip ko?" Agad nilang inagaw yung susi sa lalake tsaka sumakay. Nakatulala lang ang lalakeng nakatingin sakanila habang papaalis na yung kotse nya.

On the other hand, natatarantang tinawagan ni belle si donny ngunit hindi sumasagot ang binata, naka-ilang ulit na itong tumawag.

"Jao pwede pakibilis baka kase hindi na natin maabutan si donny."

"Relax, akong bahala." Napatingin nalang si belle sa bintana habang iniisip ang mga posibleng mangyare.

"Ah--belle sorry sa mga nagawa namin sa iyo? Sana mapatawad mo kami at tsaka sorry din sa mga nangyare these fast few days."

Napatingin si belle sakanila. "A-ako nga dapat ang mag-sorry, lalo na kay joao, alam ko namang mahal na mahal nyo lang iyong kaibigan nyo, lahat naman tayo mahal si donny kaya nag-sisisi na talaga ako."

"Its okay lang belle, naintindihan ka naman namin, your still our princess right?"

Napatawa naman si belle tsaka akmang susuntukin na sila. "But anyways kayo parin naman ang BoyBestFriends ko, thank you a?"

"Mm, we're here." Agad na bumaba sila joao at rhys tsaka pinagbuksan si belle ng pinto.

Nginitian nya ang dalawa. "Thank you talaga a?"

"Wala iyon, goodluck belle sana maabutan mo si donny." Sabi nalang ni rhys, tango lang ang sagot ni belle tsaka tumakbo papuntang loob.

Sa dami ba namang tao sa loob, malilito ka kung sino sino ito? Lalo na na hindi nya alam ang suot ni donny.

Tumakbo sya papunta doon papunta dito, ngunit wala. Hindi nya mahanap si donny, bakit naman kase sa dami dami ng pwedeng mangyare sakanila? Bakit humantong pa sa ganito.

She sigh, napayuko nalang sya hindi nya alam ang gagawin, unti unti ng tumutulo ang mga luha nya.

She can't imagine her life without donny, ang tanga nya kase e' ang tanga tanga nya, why in the world he let donny go? Sa isang napakababaw na dahilan.

Wala pa nga iyon sa mga memories na maiiwan lang sa hangin, yung mga panahong masaya't walang iniisip na iba yung tipong sila lang dalawa para sa isa't isa.

Sinubukan nyang tawagan si donny ngunit hindi ito sumasagot.

Sa kabilang banda nariyan lang si donny, nakapila iniisip kong sasagutin nya ba ang tawag galing kay belle, nagdadalawang isip pa sya kung sasagutin nya ito.

Hindi niya matimbang kung mas papakingan nya ang puso nya kesa sa isip nya. Because at the end mas matimbang parin ang memories nila.

Isang pares ng sapatos ang nasa harap nya, napatingin nalang sya sa kanyang harap hanggang sa matanaw nya ang isang babaeng mahal na mahal nya.

"H-hi?"

"A-anong--" hindi na nito natapos ang sasabihin ng biglang niyakap ito ng babae.

"Donny i realized na mahal na mahal kita, i don't know kung ano ako para saiyo but i love you." Nagkatinginan silang dalawa bago ngumiti si donny.

"Ano ulit iyon?"

"Mm?" Sagot ni belle sakanya.

"Wala sabi ko mahal din kita, belle i love you i always do. Wag mo na kong iiwan a?"

"Promise po yan." Niyakap ulit ito ni belle niyakap naman sya pabalik ni donny.

"Hindi rin naman kita hahayaang iwan ako, hahabulin kita ng hahabulin, i love you?"

"I love you too." Bigla nalang may pumalakpak kaya't natigilan silang dalawa. Nandon sila joao, rhys, criza at kaori.

"O donny wag mo ng pakawalan yan? Nahihirapan rin kami sainyong dalawa no."

"Hindi na, hindi kona to papakawalan." Sagot ni donny nakatingin parin si belle sakanya.

Love is, love is, love is... Hindi talaga alam ni belle ang love, she didn't know what it means pero isa lang ang alam nya. Si donny na ang para sakanya. Its JUST A GAME but no one expect na magiging totoo ito. Now? May 3rd 2022 finally, they achieve the happy ending they wanted, the sweetest ending i'ka nga nila.

Just a Game | Donbelle Series 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon