"Damn you Valeen! How dare you flirt with Trevor?" Walang habas akong sinasabunutan nitong insecure na cheerleader na 'to!
"Grace! Tigilan mo na si Valeen! Wala siyang masamang ginawa!" Pagtatanggol sa akin ng malandi niyang nobyo! Magsama kayong dalawa! Mga madadrama!
*sigh*
Sanay na ako sa mga ganitong eksena at kaya ko na ring i-handle ang sakit na natatanggap ko sa mga girlfriend ng mga lalaking nilalandi ako.
Yes, ako ang nilalandi. Kung may lumalandi sa akin bukal sa puso kong tinatanggap. Ganun ako kabait. Tsaka it's their choice naman. But once na nilandi nila ko, lagi kong sinisiguradong they'll never forget me.
How? As simple as being one of a kind.
Magaling akong magpanggap. Magaling akong magtago. And this unique ability of mine is helping me a lot in terms of dealing with some flirty guys and bitches in school.
It all started when kuya graduated from college. Sabi niya sa akin, I should know who's real and who's not lalo na't wala na siya para protektahan ako. Yung nandyan lang para gamitin ako at para pagsamantalahan ang kabaitan ko.
Oo, mabait ako...dati. Noong panahong hindi pa ako naloko, noong panahong hindi pa ako na-taken for granted.
Noon ko na-realized na kuya's right. I should be strong and smart. Kailangan kong paganahin ang pagiging keen observer ko. Dapat ako ang nang-aapi, hindi ako ang inaapi. Dapat ako ang kinakatakutan hindi ako ang natatakot. Simula ng lahat ng 'yun, I learned how to stand firm and fight for myself in my own little way. My own tricky way.
"Fuck you bitch! You're a whore! Slut!" Yeah. Whatever.
Nagsisimula ng mag-init ang ulo ko dito sa malanding babaeng 'to a. Kakapaayos ko lang ng buhok ko kahapon!
*ugh*
"I said enough!!!" Natigilan si Grace sa pagsabunot sa buhok ko ng sumigaw si Trevor. Ito na ang cue ko, nagsimula na akong humikbi. Humihikbi ako habang kawawang kawawang nakaupo sa sahig.
"Pinagtatanggol mo pa yang malandi na yan!" Galit na galit na sigaw ni Grace.
Damn! Bilisan niyo na! Tigilan niyo na yang kadramahan niyo na yan! Nakakasuyang makinig sa mga drama niyo.
"Kung malandi ang pag-uusapan, ikaw yun! Simula't sapul naman hindi kita nagustuhan. Hindi ba nilandi mo lang ako? You're the slut Grace, hindi si Valeen! Halos lumuhod ka pa nga sa harap ko para i-kama kita, di ba?! You're the whore!" Sigaw ni Trevor.
Narinig ko pa ang pagsinghap ng mga tao sa paligid na tila nagulat sa sinabi ni Trevor.
"Sino nga ba ang hindi sisikat kung isang Trevor Ferrer ang magiging boyfriend mo? Ang captain ng basketball team." Sabat ng isang babaeng kagrupo ni Grace. Wow! I didn't see that coming. Tumawa ng sarkastiko si Trevor kasabay ng paglakas ng bulungan ng mga tao.
"Kumakampi ka sa kanila Karen?! Sige magsama kayo I don't fucking care!"
"Oo nga naman. Siya itong bitch. Pati si Valeen na nananahimik inaaway. Kawawa naman siya, masyadong desperada." Malakas na bulungan nung mga babae sa gilid ko. Ganito lagi, I play the good girl role dito sa campus namin at hanggang ngayon effective pa rin.
YOU ARE READING
It Started with a...Deal?
Teen FictionA deal. It all started with a deal... Followed by another deal... And ends up with a deal. How will our relationship be true if it started with a lie? How will we be able to deal with our problem if our problem was the deal? Kinda confus...
