9

270 17 2
                                        

"I'm starving!" Napasigaw na lang ako sa sobrang gutom. Wala pa din si Yves, nandito pa din ako sa abandoned room na 'to. Still, hindi pa rin ako nagpapanic sa state ko. Ayoko lang ng nalilipasan ng gutom. Nakabawi na ako ng tulog kaya kahit papaano ay may energy na ako.

I checked my watch at tapos na ang class ko for today. Yes, ganun na ako katagal na nakakulong dito. Okay lang naman sa aking mag-skip ako ng class for today. Sure naman akong walang gaanong gagawin ngayon since kakatapos lang ng exams namin.

Ang tagal ni Yves!!! Paulit ulit ko yang isinisigaw sa isip ko. Don't tell me hindi niya ako sisiputin?

Tinawagan ko siya ulit pero cannot be reached na! Seriously? Kung kailan ko siya kailangan tsaka siya no show? He's so annoying!

"Hello? Yohoo?!" Narinig ko yung mga boses ng mga alipores ni Grace kaya hindi ako kumibo. I stay seated.

"See? Walang tao dito. Sino ba kasi ang nagsabi sayo na kami ang may kasalanan kung bakit nawawala yung Valeen na yun?" Natawa na lang ako sa kasinungalingan nila.

"Baka naman kasi iniwan ka na. Baka na-realize niya na hindi siya bagay sayo?" Eksena ni Leila. Hindi talaga bagay sa akin si Luigi. Walang babagay sa akin. I am overqualified for anybody.

"Or baka naman nakahanap na ng iba?" Nagtawanan pa sila ng sabay sabay.

"She will never do that. She loves me more than anything else. Pag nalaman ko na kayo ang may pakana nito. I'll get back to you!" Nagulat ako sa sigaw ni Luigi. Kung hindi ko alam na umaarte lang kami baka isipin kong galit talaga siya.

Napatayo ako bigla. Gusto kong makita yung mukha ni Leila! Inihagis ko yung isang chair at umupo sa sahig. I'll pretend na I tripped or whatever.

"Ahhhh!!!" I screamed on top of my lungs. Ganito ang tamang pag-arte, bitches!

"Val?!" Luigi shouted. Umupo muna ako ng maayos while fini-figure out ni Luigi kung paano bubuksan yung door.

"Babe!" Before mabuksan yung door ay bumalik na ako sa act ko. Hinimas himas ko yung binti ko para kunwari nasaktan talaga ako.

"Arte." Narinig kong sabi ni Leila. This is not just an arte, ito ang tinatawag na pang Oscar Awards! Pang-best actress!

Inalalayan ako ni Luigi na tumayo. Nakita ko pang inirapan ako ni Leila.

"Tama na nga yan! Umaarte lang yan e."

"Shut up! Will you?" Sigaw ni Luigi. Nagulat talaga ako, swear. Walang halong biro. Bakit kailangang sigaw ng sigaw?

"Who did this to you?" He asked me. Of course, I will not tell him. Part yun ng pagiging good girl ko. Yumuko lang ako.

"Alis na tayo." Mahina kong sabi pero enough para marinig ng mga luka luka. He nodded.

"Tandaan niyo na pag nalaman kong kayo ang may pakana nito, you'll pay for this!" Inakay na niya ako pero dahil nga umaarte akong umiika ay ang bagal ng pag alis namin. Napailing na lang siya at binuhat ako na parang bagong kasal.

Ayoko ng ganito. Ang OA niya pero nakita ko yung reaction ni Leila na halos himatayin na sa inis kaya sinakyan ko na lang 'tong trip ni Luigi.

Nandito kami ngayon sa clinic. Syempre nagkunwari akong napilayan kaya dito ako dinala ni Luigi.

"Nandito ka pala Valeen. Bakit absent ka sa lahat ng class natin?" Tanong ng isang babaeng kung hindi ako nagkakamali ay classmate ko.

"Pinagtripan na naman siya nila Leila." Si Luigi na ang nagsabi. Alam niyang hindi ko sasabihin kung ano ang nangyari kaya siya na ang sumagot. Mukhang umikot na din ang balita dahil nanlaki ang mata ni girl.

"So totoo ngang ni-lock ka nila sa room?" Tumango lang ako. Okay na yun para ma-satisfy ko ang pagkachismosa niya. Go, spread the news! Nagpaalam na ito and I can't wait na marinig ang headline tomorrow. Sure ako na it's about Leila.

"Saan ba masakit?" Tanong sa akin ni Luigi habang minamasahe ang paa ko. Dapat lang na gawin niya yan. Siya naman ang dahilan kung bakit mas naging crazy yung mga yun.

"Wala ng masakit." Inalis ko yung paa ko sa pagkakahawak niya. Inis naman itong napakamot sa ulo niya at umupo sa isang bed katapat ng akin.

"Hoy Hernandez! Bakit hindi mo ko hinanap? Tinawagan kita pero cannot be reached ka!" Galit kong sabi kay Yves. Nakaupo lang ito sa swivel chair niya at hindi man lang ako tinignan.

"I'm busy. Ang dami kong patient kanina hindi ko maiwan yung clinic." He replied. Inuna niya pa talaga yung mga yun. As if naman life and death situation.

"Wow!" I exclaimed.

"Okay ka naman na. Nakita ka naman niya." Turo niya kay Luigi gamit ang salamin niya.

"Paano mo nalaman na nandoon ako?" Tanong ko kay Luigi.

"Hinanap kita nung break time mo. Sabi ng classmates mo hindi ka daw pumasok. Pinuntahan kita dito sa clinic tapos sinabi niya na ikinulong ka daw." It all make sense now.

Humanda talaga yung Leila na yun tsaka yung mga alipores niya. Hindi ako papayag na masyado silang mawili kakaapi sa akin. Alam ko namang fake ang squad nila. Sila sila din nagpaplastikan. Ano ang gagawin ko? Simple lang pero alam kong magkakasira sila.

 I grabbed my spare phone and texted someone.

Pinakuha ko yung invitation ni Grace para mag-audition sa cheering squad ng buong university at inilagay ko ito sa locker ni Leila. University wide ito at pili lang ang pinapadalhan nila ng letter kaya isang privilege pag nakatanggap ka nito.

Madami akong puppet dito sa school. Madaming gumagawa ng mga bagay bagay for me pero hindi nila alam na ako yun, na si Valeen yun. I hide my identity by using code names, and syempre threats din. Madaming secrets ang mga students ng university na 'to (sino bang wala?) and nalalaman ko lahat to.

How? Money. Power. Connections. I have it all kaya walang impossible sa isang Valeen Desiderio.

Pero hindi ko naman pinapairal lagi ang mga yan. Minsan mas gusto kong kumilos mag-isa. Mas masarap pag ikaw mismo ang nagpapahirap sa kanila.

Nakita ko ang grupo nila Grace sa field. As if on cue, nakita kong tumatakbo si Leila sa field. Mukhang nakita na niya yung letter dahil may hawak itong papel.

Nakisilip naman sa bintana itong si Luigi at mukhang pareho kami ng tinitignan.

"Namimiss mo ba? Puntahan mo dun sa field." Inirapan ko na lang si Luigi. Hindi ko ma-gets e. Kung may feelings pa siya kay Leila, magsama na lang sila. Mukha namang may feelings pa din si Leila sa kanya. Gusto lang naman niyang ipakita na nakamove-on na siya e. Hindi pa ba enough na alam na ni Leila na may new girlfriend na siya?

"Jealous?" I saw his devilish smirk. As if naman! Gusto ko siyang saktan pero pinigilan ko yung sarili ko dahil narinig kong may pumasok sa clinic

"Valeen! Totoo ba? Ikinulong ka daw nila Grace?" Hindi ako sumagot.

"Grabe talaga yung babae na yun!" Sila sila na mismo ang mga nag-usap dahil hindi ko naman talaga feel na makisali. Wala ako sa mood, and ang gusto ko lang ay ikalat nila yung balita na yan.

Hintayin niyo lang ang breaking news na gugulo sa inyo. Grace and Leila's feud. Friends turned enemies. How cool is that?

Gusto kong tumawa sa mga naiisip ko. Napapahanga ako ng sarili ko.

It Started with a...Deal?Where stories live. Discover now