4

229 18 1
                                        

6:45 am. On the way na ako sa meeting place namin, sa park malapit sa school.

Luigi Ramos? Doesn't ring a bell and parang I never saw him sa school. Kailangan ko ring bwisitin ang grupo nila Grace habang ginagawa 'tong pretend na 'to. I should really prepare myself pag hinarap ko na yung mga bitch with my new prospect.

"You're 8 minutes late!" Bungad sa akin ni Luigi. Nakasandal siya sa itim na sasakyan habang pinaglalaruan ang susi sa kanang kamay niya.

"Is that how you greet your girlfriend? Wala man lang bang good morning?" Nilapitan ko siya.

"Mamaya pa tayo magsisimula, kumain muna tayo. Nagbreakfast ka na?" Umiling ako. Nalate kasi ako ng gising kaya ayun nagmadali akong umalis. Kinuha niya yung bag ko at yung books na dala ko saka niya nilagay sa back seat.

Akala ko ba mamaya pa ang start bakit nagpapakagentleman na siya? Nung isang araw lang kung sigaw sigawan niya ko wagas.

"Bakit kasi ang liit nang bag mo, nagbibitbit ka pa tuloy ngayon. Mag bagpack ka na lang kasi para kasya lahat ng gamit mo."

"What? Ayoko nga, nakakawala ng poise yun." Umiling iling na lang siya. Hello?! Babae kaya ako, I'm willing to wear super high heels kahit masakit para maging presentable. Nakakaboost din kaya ng self-confidence yun!

"Sakay na." Sumakay siya sa driver's seat. Binabawi ko na pala yung sinabi ko. Hindi siya gentleman! Ni hindi man lang ako pinagbuksan ng pinto or hinintay na makapasok sa sasakyan bago siya pumasok.

"Saan tayo kakain?" I asked.

"Just wait." Inirapan ko siya. I'm trying to open up a conversation here! Pwede namang sumagot nalang siya.

Nakakabingi ang katahimikan kaya binuksan ko nalang yung radio ng sasakyan niya.

Lauv's I Like Me Better is playing.

Naramdaman kong tinignan niya ako sandali. Pinilit ko ang sarili kong wag lang siyang lingunin.

Ilang kanta pa ang tumugtog bago kami makarating sa kainan na sinasabi niya.

"We're here." He stopped the engine and unbuckled my seat belt before getting out of the car. Okay, too close! What's with this guy?

Huminga muna ako ng malalim bago ko siya sinundan.

Pagkaupo namin ay umorder na siya ng kakainin namin. Hindi na nga siya nag-abala pang kumuha ng menu.

"This is my favorite restaurant. Kasi presko at sobrang relaxing ng ambiance. Try my favorite dish later." Tumango naman ako. Ang ganda nga dito, mukhang may taste naman 'tong lalaking 'to.

Nagsimula na kaming kumain.

"Tikman mo." Inilapit niya sa akin yung kutsara niya. Titikim ba ako? Simula na ba ng pagpapanggap namin? Naisip ko na kailangan kong gawin to para naman maging komportable ako sa kanya. This is driving me nuts!

"One time lang kami nagpunta dito ni Leila..." Napatingin ako sa kanya. Hindi naman niya kailangang ikwento pa yun pero ayoko siyang pigilan kaya nakinig lang ako.

"Hindi niya nagustuhan kaya hindi na kami naulit." Syempre, si Leila pa ba? Mas gusto pa nun mag-bar. Wala siyang ibang makakalandian kung dito siya kakain. Duh?!

"Nakapunta ka na ba dito before?"

"Nope. First time." Tipid kong sagot. "So tell me, ano plano mo today? Should we make an official announcement or gusto mo ba yung PDA?" I wanted to know everything para naman alam ko na kung ano ang diskarte na gagawin ko.

"Can we talk about that later, let's eat for now." Siryoso niyang sabi. So nandito lang talaga kami para kumain?

We stayed there for a bit before we decided to go.

It Started with a...Deal?Where stories live. Discover now