2

291 19 0
                                    

Hindi ako mapakali kakahintay na matapos ang klase ko. Hindi ko pa rin makalimutan ang mukha ng lalaking 'yon. Who is he to blackmail me?! Kahit gustuhin ko pang isantabi na lamang ay nababahala parin ako sa maaari nitong gawin.

Dumeretso ako sa clinic. Bago ako pumasok ay inabangan ko munang lumabas ang huling student patient ni Yves, hinintay ko ring palitan ni Yves ang door sign ng 'doctor is out' bago dali daling pumasok sa loob. Sinigurado kong naka-lock ang pinto ng clinic. Mahirap ng may iba pang makaalam ng lihim ko, mas lalo lang gugulo if madagdagan pa.

"What are you doing?" Tanong sa akin ni Yves dahil hanggang ngayon ay pasimple pa rin akong nakadungaw sa labas, making sure na wala na talagang estudyanteng papunta rito.

"May nakarinig sa atin!" Pabulong kong sabi sa kanya. Hindi pa rin ako makapaniwalang may nakaalam na ng sikreto ko!

Ilang years ko din 'to tinago! Ayokong masayang lahat ng plano ko! I don't want that to happen! I should think of a plan kung paano ko mapapatahimik yung lalaking yun.

Napaka-wrong timing! Kung kailan namang nalalapit na ang judgement day! Fuck it!

"What are you talking about?" Tanong niya habang nasa loob ng banyo. This clinic, my sanctuary, ang tanging lugar kung saan ako pwedeng magpakatotoo ay hindi na rin safe.

This is more like the end of the world. Ang sikip na nga ng mundong ginagalawan ko, mas sisikip pa dahil sa isang pagkakamali.

Kasalanan ko rin! Nagpaka-kampante ako! Damn it Valeen! Napaka-careless mo!

"What should I do? May nakarinig sa atin kanina. He heard everything!" Lumabas siya ng banyo na nakabihis na ng casual. Ready na siyang umuwi.

"What? Linawin mo nga." Hindi ko akalaing ganito ka-slow 'tong doctor na 'to. Ano bang mahirap intindihin sa mga sinabi ko? Kairita!

"Ka--"

"Hintayin kita sa may gate sa likod ng school. Ihahatid na kita. 10 minutes lang. Pag wala ka pa iiwan na kita." Kinuha na niya yung gamit niya at nagmamadali ng lumabas. Ano problema nun? Kaya hindi ako magdo-doctor e. Feeling ko mababaliw ako sa stress gaya nun.

Inayos ko na din yung sarili ko at naglakad na papunta sa meeting place namin ni Yves. Elaborate daw tas di naman pala makikinig. Nakakabaliw ha.

"Ano nga yung kinekwento mo kanina?" Tas ngayon mangungulit na ikwento ko. He's kinda irritating sometimes. Kung 'di lang siya kaibigan ni kuya baka sinipa ko na siya sa mukha.

"What I'm saying earlier is that may nakarinig ng usapan natin sa clinic. He heard everything as in every single word about sa pagpapanggap ko!" He was just driving at wala man lang akong nakitang emosyon na ine-expect kong makita. Typical Yves.

"Okay?" Sarap kausap neto. Tumahimik na lang ako buong byahe.

After a 20-minute drive lumiko siya at nag-park sa tapat ng La Patio.

What are we doing here? Akala ko uuwi na.

"Hungry? C'mon." Aya niya sa akin. Namomroblema na nga ako tapos may gana pa 'tong kumain! Sumunod na lang ako sa kanya.

Binigyan kami ng menu ng waitress. Dahil sa kakaisip sa mga nangyari sa araw na 'to hindi ko namalayang hindi pa pala ako nakakakain.

"So ano na plano mo?" Bungad na tanong sa akin ni Yves pagkadating ng mga pagkain. Ibinagsag ko yung kutsara't tinidor ko. He looked at me, confused. Pati tuloy yung waiter na naghatid ng pagkain ay natigilan.

"Sorry." Utas ko. Hindi muna ako kumibo. Hinintay ko munang umalis yung waiter bago magsalita muli.


"Kanina mo pa ako tinatanong kung ano plano ko, hindi mo naman pinapakinggan yung mga sinasabi ko!" Tumaas na ang boses ko dahil sa frustration. Tinignan niya ako sandali bago ibalik ang tingin sa pagkain niya.

"Calm down Valeen. You're getting other's attention." I wanna say na I don't effin' care pero ayokong mapurnada ang plano ko kaya I composed myself at huminga ng malalim.

"Ano ba Yvez, help me out naman! Should I just agree sa deal niya?" Nagsisimula na akong mas mainis.

"You're making things complicated." Napairap ako sa sinabi niya.

"Well, in case you didn't get the notice, Mr. Hernandez, everything is already complicated..." I said sarcastically.

"I still don't get why you have to do all these things." I sighed. He looked at me for a brief moment at binalot kami ng katahimikan. Kumain lang kami ng walang imikan.

"Ano raw ba gusto niya sa'yo?" Siya na ang bumasag sa katahimikan.

"He wants me to be his pretend girlfriend."

"What?!" Nabitawan niya ang mga kobyertos niya. See, ganyan din ang reaction ko deep inside. Gustong gusto kong sigawan yung lalaki kanina!

"Maybe he's crazy. Why would he want that?" Wait, what?!

"Teka! Kung makapagtanong ka. Everybody wants to be my boyfriend kaya natural na lang yun. Ang ipinagtataka ko lang is bakit gusto niya akong mag-pretend?" Hindi ko talaga maintindihan kung bakit.

I need to know the reason why he wanted me to pretend. Kasi if isa siya sa mga malalanding lalaki sa school he should've asked me to be his girlfriend, like for real, not just a pretend.

If magiging girlfriend naman niya ako malaking scoop yun dahil never pa akong nagpakilala ng boyfriend.

I need to think of things na mabebenefit ko kapag nagpanggap ako.

Ano nga ba?

*sigh*

Baka makaabala pa 'to sa plano ko? Baka mapurnada lahat ng pinaghandaan ko? Pero kasi kapag hindi naman ako pumayag mas malaki ang chance na mabisto ako!

Damn!

"You know, you don't have to do this..." Naagaw niya ang atensyon ko. "...you might hurt yourself again."

"I'm already numb." I simply replied.

"No you're not. Akala mo lang manhid ka na pero deep inside I know you're still hurting..." He stopped eating.

"...And you might get hurt again if you don't stop this."

He never agreed with my plans. Umpisa palang inaawat na niya ako pero hindi ako nagpapatalo. I need to do this. I have to!

"If I get hurt again, I'll make sure that it's worth it this time." I clenched my fist to fight the urge to cry.

No one can stop me.

It Started with a...Deal?Where stories live. Discover now