"Bakit ba iritang irita ako sa itsura ng babaeng to?!" Parinig sa akin ni Leila. Hindi ko nalang siya pinansin at balak ko nalang na dumeretso sa room namin.
"Wag mo kong tinatalikuran!" Hinatak niya ako paharap sa kanya. Hindi naman ako inis dahil inaaway niya ako. Na-miss ko nga to dahil lately sila nalang lagi ni Grace ang nag-aaway.
Naramdaman kong may isa pang humatak sa akin. Nilingon ko ito at napakunot ang noo ko dahil hindi ko siya kilala.
"Bitaw." Walang emosyon niyang sinabi kay Leila. Pinagtawanan lang siya nito at sinenyasan ang mga kasama niya para paalisin siya. Hindi pa din ako binibitawan ni Leila at ngayon hawak na rin ng mga alipores niya yung babae. Hindi naman ito nanlaban at yumuko lang.
"Who are you to tell me what to do?" Nakataas pa ang kilay ni Leila. Hindi naman ako kumikibo dahil na-curious din ako sa pageksena nung babae. Iniisip ko kung gusto lang ba niya ako ipagtanggol or may iba siyang purpose.
"Bela Roque." Nakita kong bahagyang nagulat si Leila. Bela who? Sino tong agaw eksena na to? Tumawa si Leila ng malakas at ganun din ang mga kasama niya.
"Bela! Long time no see! Napasyal ka ata sa building namin? Nakarecover ka na ba? Balita ko hindi ka na pumapasok." Galit na tinignan ni Bela si Leila. Ano ba to? Kailangan kong iresearch kung ano ang meron dito sa dalawang to.
"Oo. Hindi ako pumapasok dahil pinagpaplanuhan ko kung paano ako gaganti sa inyong lahat!" Sigaw niya. Sa liit niyang yun nakasigaw siya ng malakas. Binitawan ako ni Leila at naglakad palapit doon kay Bela.
"Pasalamat ka Valeen. Mas gusto kong pagtripan si Bela ngayon." Hinawakan niya ang magkabilang pisngi nung babae. Tumawa pa siya na parang baliw. "Alis!!" Sigaw niya sa akin kaya tumakbo na ako paalis. Shit! Ayoko pang umalis e! Gusto ko pang malaman kung ano meron! Hay! Kainis din minsan maging mabait at kunwaring api.
***
"Hoy! May kilala ba kayong Bela Roque?" Nandito ako ngayon sa clinic. Nakaupo lang ako sa favorite spot ko habang si Yves naman ay nakatutok na naman sa computer niya. Nandito rin yung asungot na unggoy na kasalukuyang hawak ang phone niya.
After nung usapan namin nagkasundo kami sa mga dapat gawin. Nag-deal ulit kami na if may plano ako don't get him involved or much better kung wag ko na lang siya isama. Sayang daw kasi ang oras niya and he admitted na hindi pa niya kayang nakikitang ginaganun si Leila. Dahil mabait naman ako in some ways, pumayag na lang ako.
"Sino yun?" Tanong sa akin ni Luigi. Pasalamat to malayo siya sa akin, kundi nabatukan ko na talaga siya.
"Baka kilala ko! Tinatanong ko nga di ba?!" I sarcastically replied. Baka kakasama ko sa lalaking to ma-bobo ako. Hindi naman niya ako pinansin na at panay pa rin ang paglalaro sa phone niya.
"Bela Roque. Siya yung nursing student na nagpasa sa akin ng medical certificate." Buti pa tong si Yves may sense kausap pero sometimes medyo may pagka-aning din to e.
"What's in her medical certificate?"
"Hindi ko pwedeng i-disclose. Confidential ang records niyo." Pati sa akin hindi niya sasabihin? Anyways, hindi ko naman kailangang malaman sa kaniya. Malalaman ko din kung bakit. Si Valeen Desiderio kaya ako! Duuh?!
"Fine! Anyways, kanina pagtitripan sana ako ni Leila kaso nung dumating yung Bela siya yung hinarap niya." Ibinaba ni Luigi ang phone niya at tumingala na parang may iniisip. Alam niya kaya yung issue nung dalawa? Wala naman talaga akong pakialam pero nakaka-curious lang dahil hindi ako inaway ni Leila.
"Ano kasing oras next class ko?" Tanong niya sa akin. Napairap na lang ako! Akala ko pa naman alam na niya! Binato ko na siya ng unan, kanina pa ako nagtitimpi dito e.
"Yung cellphone ko!" Nalaglag yung phone niya pero nasapo niya ito.
"Ibili pa kita ng sampu niyan!" Kairita! He's always getting on my nerves! This son of a bitch!
"Why are you always mad at me? By the way, naalala ko na si Bela, ex girlfriend ni Ethan." Naglaro na ulit siya. Tumayo na ako at inagaw ang cellphone niya. I fold my arms and eyed him seriously.
"Pwede bang linawin mo yung mga sinasabi mo! Sino yung Ethan?" Nakaka-stress kasama tong lalaking to! Naghalukipkip din siya at tinignan din ako.
"Ethan Montfort, yung tropa nila Leila sa College of Nursing. Yun lang alam ko." Iniabot ko na sa kanya yung phone niya at bumalik na sa pagkakaupo. Hindi naman na ako nagtanong pa dahil mukhang wala rin talagang alam tong si Luigi.
Bakit ako nagawang isantabi nila Leila para sa babaeng yun and by looking at that Bela Roque mukhang galit na galit siya kela Leila. Hindi naman siguro siya former alipores nila Grace dahil wala sa itsura niya. I need to investigate more about her.
YOU ARE READING
It Started with a...Deal?
Teen FictionA deal. It all started with a deal... Followed by another deal... And ends up with a deal. How will our relationship be true if it started with a lie? How will we be able to deal with our problem if our problem was the deal? Kinda confus...
