3

239 19 0
                                    

Umpisa palang ng araw ko pero wala na ako sa mood. Bukod sa wala akong tulog hindi ko rin mapigilang hindi isipin ang nangyari.

Because of the lack of sleep, I can't even think straight. Kagabi ayoko pang pumayag sa gusto nung lalaking yun pero kaninang madaling araw parang gusto ko nalang um-oo.

Until now I'm indecisive.

Maaga akong pumunta sa school para hanapin yung nagpagulo lalo ng mundo ko. Nasan na ba yung lalaking yun?

Pumanik ako sa building namin at dumeretso sa emergency exit kung saan niya ako hinatak.

"Looking for me?" Awtomatikong umikot ang mga mata ko pagkarinig ko pa lang nung boses niya. Nag-iinit na naman ang ulo ko.

"About the deal..."

"What about it?"

"I need some clarifications." Tumango siya at pumanik sa taas, binuksan niya ang pinto sa dulo ng hagdanan at sumunod lang ako.

Medyo nahirapang mag-adjust ang mga mata ko dahil mula sa madilim na emergency exit ay nandito kami ngayon sa rooftop.

"So what now?" He stopped walking and looked at me.

"Why me? Of all people na nag-aaral sa ECU, bakit ako?"

"Kailangan pa bang sagutin yan?" Inip na tanong niya. Tinignan ko lang siya, waiting for answers.

He sighed.

"Naisip ko lang." Wala ba akong mapapalang matinong sagot sa lalaking 'to?

"Bakit ako?" Tanong ko ulit and this time tinagalog ko na. Sana naman naintindihan niya na yung tanong ko.

"Bago ko pa malaman yung sikreto mo balak na talaga kitang ligawan..." I was shocked sa revelation niya pero di ko hinayaang makita niya.

"Don't get me wrong. I don't like you, just to make that clear. Binalak ko lang na ligawan ka para pagselosin si Leila." Tignan mo nga naman, talaga palang kabilang 'tong lalaking 'to sa mga a-hole dito sa university.

Now I already know where this is going. I suddenly felt disgusted by his presence. He's just one of them.

"Thank you so much for pointing that out. Kahit naman may gusto ka sa akin wala ka pa ring pag-asa 'cause you'll never be my type." I rebutted.

"Let's see." He said with full confidence.

Ngayon ko lang nakausap 'tong lalaking 'to pero inis na inis na ako sa kanya. Looks can really be deceiving. Mukha lang siyang mabait pero mukhang nag-uumapaw ang kayabangan nito sa katawan niya.

"Ano yung original plan mo?" Pagbalik ko sa topic.

"My initial plan was to court you tapos gawin kang girlfriend. Why you? Kasi malaking dagok kay Leila at sa grupo nila pag nalaman nilang ikaw ang ipinalit ko sa kanya. Hindi ko na naman na kailangang ipaliwanag kung bakit, di ba?" He flashed his devilish smirk. I really want to slap that away from his face.

And yes of course alam ko kung bakit mas di katanggap tanggap pag ako ang ipinalit ng boyfriend nila sa kanila. Kasi alam naman nila na wala silang panama sa akin. Masyado lang in denial yung mga yun. They can't accept the fact na 'mas' higit ako sa kanila sa lahat ng bagay.

"Nagdadalawang isip akong ituloy yung plano dahil I don't think na you deserve it. Kasi basically papa-fall lang kita pero iiwan din naman kita." Damn his mouth. Talagang sinabi niya pa talaga yun? Mas pinakita niya lang sa akin kung gaano siya ka-demonyo.

"Will you please get straight to the point?" Irita kong demand.

"Chill lady. Yun na yun. Since nalaman ko na hindi ka naman pala mabait kagaya ng inaakala naming lahat nawala na yung konsensya ko. Nagdadalawang isip pa ako nung una kasi ayokong mandamay ng inosente pero pag sineswerte ka nga naman." Tumaas ang sulok ng labi niya pagkasabi niya nun.

It Started with a...Deal?Where stories live. Discover now