10

89 12 0
                                        

Nandito kami lahat sa gym at naghihintay para sa audition ng mga cheerleader na magrerepresent sa ECU for the upcoming sports competition ng iba't ibang universities. Wala naman talaga akong pake sa mga magsisisali dito. Ang hinihintay ko lang naman ay ang possible clash nila Leila at Grace.

Kagabi palang ay nae-excite na ako. I can't sleep and I can't even stop laughing. Sobrang naha-hype ako and I can't blame myself dahil iniisip ko palang yung mangyayari natutuwa na talaga ako ng sobra.

"Bakit mo ba ako inayang manuod nito? We should just eat out or hindi na lang sana tayo nagkita." Aburidong reklamo ni Luigi. As if naman gusto ko siyang kasama, gusto ko lang naman makita niya yung mangyayari sa ex niya.

"Anong eat out? Feeling mo naman sasama ako sayo! Nandito yung ex mo kaya dapat nandito din tayo. Gusto kong masira yung audition niya pag nakita niya tayong magkasama." Pag-reason ko. Mamaya ko na sasabihin yung real na reason kung bakit ko siya pinilit na manuod. Mukhang kinagat naman niya kaya tahimik na lang siyang umupo sa bleachers.

"Luigi." Napalingon kami sa tumawag sa kanya. Nakita ko si Leila na tinatahak ang daan papalapit sa amin. Yumuko ako, I can't really hide my smile every time na naaalala ko yung plano ko. Ugh! I can't wait! Kailan ba mag-i-start to?!

Naramdaman kong hinawakan ni Luigi ang kamay ko. Muntik ko ng makalimutan na kailangan nga pala naming magpretend sa sobrang excitement ko.

"Are you here to support me?" Tanong ni Leila kay Luigi. Tinignan ko ang mga babaeng nakabuntot kay Leila, mukhang wala ata si Grace ngayon? Hindi kaya alam na niya? Hindi ko na naman mapigilang ngumiti pero I need to get my shit together dahil baka magka-clue sila.

Hindi siya pinansin ni Luigi. He just looked at me as if bored na bored siya. Para namang hindi niya 'to ginawa dati. Baka nga mamaya sa tuwing may cheerdance na sinasalihan si Leila lagi siyang nakasupport.

"Attention all candidates please proceed backstage. The competition will start in five minutes." Napalingon si Leila sa stage.

"Thank you kasi present ka. Sabi na hindi mo ko matitiis. Akala ko hindi ka dadating kasi sini-seen mo lang mga messages ko sayo. Well, I guess you still care for me." Tumawa ng malandi si Leila at umalis na. Ang kapal ng mukha! Sarap saksakin ng nakatalikod o. Tinignan ko naman si Luigi, at talaga nga namang wala pa rin siyang emosyon.

"Hilig talagang manggulo ng grupo nila." Rinig kong bulungan ng mga nasa tabi ko. Ramdam ko din na nakatingin pa rin sila sa amin. Bwisit!

Kinurot ko si Luigi dahil wala man lang siyang ginagawa. Piniga ko pa ang kamay niya na nakahawak sa akin. Nilingon niya ako at pinanlakihan ko lang siya ng mata.

"Wala yun." Inakbayan pa niya ako. Anong wala yun? Siraulo 'to! Ano tinatamad kang umarte? Plano mo to tapos gumaganyan ka!

Hindi ko na lang siya pinansin. Ayokong masira ang mood ko. May pasabog pa naman ako mamaya.

Naramdaman kong may nagtext sa akin. Nakita kong galing ito sa isang student na blinockmail ko para mag-away si Grace at Leila. Sabi niya alam na ni Grace at any minute nandyan na siya. Hindi na ako mapakali!

"4th performer, Leila Samaniego." Oh damn ayan na! Siniko ko si Luigi dahil mukhang makakatulog na ang mokong.

"Ayan na yung ex mo!" Inirapan niya lang ako at umayos na ng upo.

Nagsimula na siyang magperform. Ano ba naman yan! Mukhang trying hard lang siya! Paano yan naging cheerleader puro kendeng lang alam? Para lang siyang uod na binudburan ng asin!

After niyang magperform ay time na ng mga judges na magbigay ng comment. Nakatayo lang si Leila sa stage at halos mapunit na ang mukha kakangiti. Kumaway pa at nag-flying kiss sa side namin. Talagang proud na proud siya sa ginawa niya ha. Ibato ko sayo si Luigi e!

It Started with a...Deal?Where stories live. Discover now