6

193 15 0
                                        

Bakit ang sakit ng ulo ko? Bumangon na ako mula sa pagkakahiga at sinapo ang ulo kong sobrang sakit! Tumayo na ako para maligo, dumeretso ako sa banyo.

Teka bakit ganun yung amoy? Umuwi na ba si kuya? I can smell his favorite shower gel. Oh my goodness, baka nga nandyan na siya! Napatakbo ako palabas ng banyo at dun ko lang na-realize na hindi ko pala kwarto to!

Ang worst scenerio is hindi rin ito ang bahay ko! Napasigaw ako dahil hindi ko na alam kung paano ba ako magrereact sa ganitong klaseng sitwasyon! Adrenaline rush hit me kaya napatakbo ako papalabas ng kwarto.

"What happened?" Napahawak ako sa dibdib ko sa sobrang gulat. Buti na lang di ko siya nasapak!

What is he doing here?

What am I doing here?

Where am I?

Sa sobrang dami ng tanong ko ni hindi ko na ito ma-i-voice out! He pulled me back inside the room. Hindi talaga nagreregister sa utak ko ang nangyayari. Mukhang nagha-hang ata ang brain cells ko!

"Sumagot ka kaya?" Hindi pa rin ako kumibo. I just get a pillow and hug it tight para mawala ng kaunti ang bilis ng tibok na puso ko.

Nang mahimasmasan na ako ay agad ko siyang binatukan at pinaghahampas ng unan na hawak ko.

"Walang hiya ka! Nakatulog lang ako sandali sinamantala mo naman!" Panay lang ang sangga niya sa mga hampas ko. Itinigil ko lang ito dahil napagod na rin ako.

"Tapos ka na?" Sarkastikong tanong nito.

Hindi ko na siya pinansin. Umupo na lang ako sa kama. Nilibot ko ang mata ko para hanapin ang gamit ko at pagkakita ko rito ay agad kong kinuha ang phone ko.

Saktong tumatawag si kuya kaya agad ko itong sinagot.

"Val, what happened to you? I was calling you every minute but you're not answering my calls! I'm so worried!"  Ito agad ang bungad niya sa akin.

"Sorry di ko napansin. I'm with my..uhm.." Napatingin ako sa side ni Luigi, he's also staring at me. Napabawi ako ng tingin at muling kinausap si kuya.

"..friend."

"Are you home?"

"I'm about to go home na."

"Where are you exactly? I'll call Yves to fetch you."

"No, kaya ko na. I'll just call you when I get home. Bye! I love you!" I ended the call. I fix my things at direderetso ng lumabas ng pinto.

While I was walking down the stairs, I saw a huge portrait hanging on the wall. It's Luigi and I guess his parents.

I stopped looking at it at tumakbo na pababa. I need to get home fast.

"Excuse me, may dumadaan po bang taxi dito?" Napakamot na lang sa ulo si ate at sinabing wala daw masasakyang kahit anong PUV sa lugar na ito, dahil nasa kaduluduluhan ito ng isang subdivision.

Nagpaturo na lang ako ng mga pasikot sikot palabas dito para makauwi na.

"Nag-away ho ba kayo ni sir kaya nagmamadali kayong umuwi?" Hindi ko malaman kung anong isasagot ko kaya ngumiti na lang ako. Kailangan ko din bang magpanggap dito? Kumuha ako ng notebook at isinulat ang mga dadaanan.

Nag-thank you ako na bukal sa puso ko dahil sa wakas ay makakaalis na ako dito.

Medyo nakalayo na ako ng may biglang humatak sa akin at nakita ko ang inis na mukha ni Luigi.

"Ano'ng trip mo?" Iritableng tanong nito.

"Ano bang pakialam mo?!" Hinawi ko ang kamay niya para makawala ako. Naglakad na ulit ako palayo sa kanya.

Gusto ko ng umuwi! Tatawagan ko na nga si Yves! Kinuha ko ang phone ko at ni-dial ang number nito.

"Sino naman yang tinatawagan mo?!" Inirapan ko siya at tinuloy lang ang paghihintay ng sagot.

Napamura ako ng agawin niya yung phone ko at pinatay ang tawag. Ibinulsa niya ito at tinitigan lang ako ng masama.

"Bakit mo tinatawagan si Dr. Hernandez?" Hindi pa ba halata kung bakit?

"Akin na yung phone ko! Gusto ko ng umuwi, magpapasundo ako sa kanya!" He looked at me with disbelief. Ano problema nito? Ang dami pang arte kailangan ko na ngang umuwi at nag-aalala na si kuya.

"Siya yung tumawag kanina?"

"Ano bang paki mo?!"

"Paano pag may nakakita sa inyo na kakilala ko? E di purnada na ang plano ko? Mag-isip ka nga!" Makasarili talaga itong lalaking 'to. Puro kapakanan niya lang iniisip niya.

"Okay fine! Bakit mo ba kasi ako dinala dito?"

"Tulog ka buong byahe. I tried to wake you up pero di ka nagising. How will I know kung saan ka nakatira kung busy ka kakahilik?" Napailing ako sa sinabi niya.

"Excuse me, di ako naghihilik! Ang sabihin mo gusto mo lang talaga akong isama sa inyo!" Siya naman ngayon ang napailing.

"Bakit ko naman gugustuhin?" Sarap niya talagang sampalin, kahit isa lang!

"At bakit hindi?" Inirapan ko siya.

"C'mon ako na maghahatid sayo. Siguraduhin mo lang na di mo ko tutulugan at baka magising ka na naman sa kama ko." He exclaimed.

***

"So how was your first date with your boyfriend?" Kanina pa ako binubwisit nitong doktor na 'to e! Kaya nga sumabay ako sa kanya pumasok sa school ay para matahimik, tapos panay naman ang pang-uusyoso niya. Hindi ko na lang siya pinansin at pinagpatuloy lang ang pag-inom sa favorite kong yogurt drink. Narinig naming tumunog ang chime na nakasabit sa may pinto kaya umayos ako ng higa at itinago ang iniinom ko.

"Good morning." Napabangon ako ng marinig ang boses na yun. Ito na ata ang pinaka pangit na pambungad sa umaga. Nang magkasalubong ang mga titig namin ay agad ko siyang tinaasan ng kilay. Tindig pa lang ang yabang na. Matapos ko siyang patayin sa titig ay muli akong humiga.

"Tara na pasok na tayo." Ito ang gusto niya, ang sabay kaming pumasok para naman maging obvious ang pagiging in a relationship namin. Kahit kumontra ako, yung gusto pa rin niya ang nasusunod.

Mas malaki daw kasi ang mawawala sa akin kapag napurnada ang plano niya. Kaya kailangan sumunod lang ako.

Gusto ko pa sanang matulog dahil ang aga kong nagising kanina. Ilang araw ko pa lang nakakasama yung lalaking to sawang sawa at sukang suka na ako sa pagmumukha niya!

"Tumayo ka na dyan!" Hindi ko siya pinansin at pumikit na lang.

Napabangon ako ng bigla akong tusukin ni Luigi sa tagiliran. Napaka feeling close talaga ng lalaking to. Tinitigan ko siya at ganun lang din ang ginawa niya. Walang kaemo-emosyon niya akong tinignan. Nakakairita talaga tong lalaking to!

Patience Lord! Ayokong mawalan ako ng pasensya kasi naman baka hindi ko mapigilan ma-bitch mode ko pa 'to sa harap ng maraming tao. Humiga ulit ako at tinalikuran siya.

"Bangon na sabi e!" Tinusok na naman niya ang tagiliran ko.

"Ano ba problema mo?" Sigaw ko sa kanya. Tinusok niya ulit ang tagiliran ko, kaya hinampas ko na siya!

"I said stop!" Sigaw ko sa kanya pero hindi pa din niya ako tinitigilan! Nakakainis!

"Tama na yan! Clinic to hindi motel. Labas!" Napatigil kami dahil biglang sumigaw si Yves. Galit na galit si doc, gusto manakit!

Ito kasing lalaki na to e! Nananahimik ako tapos ginagambala ako!

"Kasalanan mo." Bulong pa nito sa akin. Kinuha na niya ang gamit ko at naunang lumabas sa clinic.

"Sungit." Pahabol na sabi ko kay Yves bago umalis.

It Started with a...Deal?Where stories live. Discover now